Chapter 9

11.4K 258 10
                                    

Calista

Mabilis kong ibinalita kay Charmaine ang ikinwento sa akin ng aking driver.

"Seryoso ba?!" Anito, magka-video call na naman kaming dalawa.

"Oo nga, kay Brix na mismo nanggaling 'yon." Sagot ko sa kanya.

"Nakakatakot naman pala ang lover mo." Anito na dahilan para mapa-cringe ako, the word 'lover' doesn't suit for that boy.

"Ayoko ng ganoong klase, mukhang malabong mabago ang katangiang taglay na mayroon 'yon." 

"Mukhang kulang pa ang nakalap kong impormasyon mula kay Brix tungkol sa lalaking 'yon." Dagdag kong saad.

"Girl, ingat pa rin. Hindi natin kilala 'yang si Riggs, baka mamaya psychopath pala 'yon! Ih! Kilabot!" Anito at tila nanginig pa. 

Hindi ko makuhang tumawa ngayon dahil inalala ko ang mga salitang binitawan ko kanina kay Riggs at ang mga ginawa ko sa kanya kanina, maging ang ilan sa mga sinabi niya'y inalala ko. Piniga ko pa ang kamay niya at halos mabali na rin ang mga buto at daliri niya kanina.

"I rejected you! Can't you just stop?!"

"Alam mo bang may isang contestant pa ang sobrang kailangan ng cash prize na 'to?" Ibinalibag ko sa dibdib niya ang sobre na naglalaman ng pera, nahulog ito sa sahig at nagkalat na ron.

"I will pursue you." Anito at tila hindi pinansin ang sinabi ko, mabilis ko siyang nasampal. Nakita ko ang pagbakat ng palad ko sa kanyang mukha.

"Riggs nakikita mo 'to?" Iniangat ko ang kamay ko at ipinakita ang hawak kong flower base, napahugot lang ito ng buntong hininga. "Calista anong gagawin mo? Stop this before you do something stupid." Nangangambang tanong ni Charmaine.

Marahas kong binalibag sa sahig ang gawa kong 'yon at ngumisi sa kanya. 

"Don't you fucking hear me?"

"Parang sinasabi mo na rin na mukha akong pera!"

"When you show up in my life, everything feels so wrong!"

"Ito lang sasabihin ko sa 'yo." Dinuro ko sa mukha ang Riggs na ito. "Hindi ako bababa sa lebel mo kung 'yon ang gusto mong mangyari. You're not worthy of my time."

"Girl! Hello?!" Nagising ako sa realidad nang marinig ko ang pagtawag ni Charmaine, nakita kong nakatitig na pala ako sa palad na ginamit ko panampal kay Riggs.

"S-Sorry..." Utal kong sabi.

"Magpahinga ka na muna girl, matulog ka na. Mukha kang balisa." Tumango naman ako at ibinaba na niya ang tawag.

Napagdesisyunan ko naman na gawin ang sinabi ng kaibigan ko at inihilata na ang aking katawan sa aking kama.

***
Kinabukasan.

"Ma'am? Ma'am?" Nagising ako sa tumatawag mula sa labas ng aking pinto at sa pagkatok nito.

Napakusot muna 'ko ng aking mata at nag unat bago tuluyang tumayo sa aking kama.

"Ma'am?" Tawag muli ng kung sino.

Binuksan ko naman ang pinto ng kwarto ko habang papikit pikit pa.

"Handa na po ang agahan." Si Manang Rish pala ang tumatawag.

"Naistorbo ko po ba ang pagtulog niyo? Pasensya na po." 

"Hindi naman po, salamat po pala sa paggising." Ngiti kong saad, nakita ko rin na ngumiti pabalik si Manang Rish.

"Pakisabi na lang po kina Mommy at Daddy na susunod po ako, magsisipilyo lang." Tinanguan naman ako ni Manang at tsaka tuluyang nilisan ang aking kwarto.

Gaya ng paalam ko kay Manang Rish ay ginawa ko nga 'yon at bahagyang nagsuklay ng buhok dahil gulo gulo ito at mukha akong bruha.

Pag baba ko'y naka-upo na sa kanilang pwesto ang parents ko.

"Good morning Mom and Dad." Bati ko sa kanila at umupo na sa aking usual spot, binigyan naman nila 'ko ng isang tipid na ngiti na ipinagtaka ko.

Kadalasan kasi'y masigla rin silang babati pabalik at minsan may pa-beso pa si Mommy sa akin pero ngayon wala.

"M-May problema po ba kayo?" Tanong ko sa kanila dahil tahimik lang sila, ayaw ni Dad na odd ang atmosphere kaya nakapagtataka ang inaasta nila ngayon.

"I'm sorry." Agad bumagsak ang panga ko nang makitang bumagsak ang luha ni Mommy at napahagulgol.

"A-Ano pong problema niyo?" Utal kong tanong.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Daddy nang hindi ako sagutin ni Mommy ngunit mabilis na nag iwas ng tingin sa akin si Dad.

"Good morning!" Narinig ko na naman ang boses na 'yon.

Marahas akong napatayo mula sa aking pagkakaupo at tiningnan ang lalaking 'to. I saw my Dad stood up and take his leave. 

"Dad, saan ka pupunta?" Taka kong tanong ngunit hindi ako nito nilingon.

"Bakit ba kahit saan ako magpunta, lagi kang nandon?!" Inis kong tanong. "Didn't I told you to stop bothering me?!" 

"Calista, come on? It's crystal clear, this is your destiny." Anito at binigyan ako ng isang malawak na ngisi na nagpatindig ng balahibo ko.

"You're forcing it to be like that but it's not!" Sigaw ko sa kanya.

"Chill, aga aga sumisigaw ka agad." Anito at lumapit sa akin sabay hinawakan ang bewang ko maging ang isang kamay at nag sway na parang sumasayaw.

Mabilis ko siyang tinulak sa ginagawa niya. 

"Oh, God! What's going on?!" Bulyaw ko sa kanya.

"Mommy! Ano 'to? Bakit nakapasok dito ang lalaking 'to?" Hindi siya nakatingin sa akin ngayon.

Nasasaktan akong nakikita siyang ganito! Ano bang nangyayari?! 

"Dad? Ano ba'ng nangyayari?!" Sigaw ko dahil hindi ko makita si Dad.

Nagsisimula na ngang mamuo ang luha sa aking mata dahil sa nakikita at nangyayari sa mga magulang ko.

"I did everything." Nabasag ang boses ni Daddy nang sabihin niya 'yon, galing sa kwarto niya 'yon.

Agad kong naalala ang sinabi niya nang kinausap niya ko noon.

"I will do everything I can." 

Ngayon nag sink in sa utak ko ang mga nangyayari.

"How dare you!" Aktong hahampasin ko ito ngunit napaigilan niya, tuluyan nang bumagsak ang luha.

Agad pinunasan ng Riggs na 'to ang aking luha at tinignan ako diretso sa mata, iniwasan ko na matagal lumapat ang kanyang daliri sa aking balat.

"Riggs Hernan, son of Reigh and Elizabeth Hernan." Agad akong nangatal sa kinatatayuan ko.

He was born into a life of privilege, a son of a prestigious family.

"It's nice to formally introduce myself, nice to meet you." Ngiti niya.

Everything that Brix said was all accurate.

***

The Moment of Truth (Completed)Where stories live. Discover now