Chapter 5

15.5K 332 5
                                    

Calista

Magkasunuran lang ang pag dating namin ni Brix, nauna lang ako ng ilang minuto.

"Sorry po talaga, Sir." Paumanhin ni Brix at ikinwento ang nangyari kung bakit hindi niya 'ko nasundo, kararating lang niya mula sa ospital.

Mabuti nga at dumating si Brix dahil napaka o.a ng reaction ni Mommy nang makitang basa ako ng ulan.

"Ayos lang 'yon, Brix. Biglaan ang nangyari." Ani Daddy at tinapik niya ito sa balikat.

"Maraming salamat po, pasensya na po ulit." Yumuko naman si Brix habang tinahak ang daan paalis.

"Magbihis ka na anak, basang basa ka ng ulan! Dinaig mo pa ang walang payong, hindi ba't may payong ka?" Pansin sa akin ni Mommy, lalakad na dapat ako paalis ngunit napansin pala ni Mommy.

"Mayroon Ma, masyado lang po talagang malakas ang ulan kaya nabasa rin po ako, p-parehas po kami ni Charmaine." Utal kong saad.

"Oh siya sige, pasok na sa kwarto at maglinis ng katawan, baka magkasakit ka pa." Ani Mommy, naglakad na 'ko paalis doon at dumeretso sa kwarto ko.

Naglinis lang ako ng katawan ko at tsaka napagdesisyunan na humilata sa kama ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at napagdesisyunan na magbukas ng social media account.

Agaw pansin ang sandamakmak na messages, pinindot ko 'yon at tumambad ang maraming chat ng iba't ibang gc.

May nakita akong nag iisang pangalan sa message request.

"Siya na naman?" Mahina kong saad. "I told him not to do any reconnection after this incident!" Inis kong bulong.

Tok! Tok! Tok!

"Ma'am Calista? Handa na po ang dinner, pinapatawag na po kayo ni Sir." Rinig kong mungkahi ng aming kasambahay na si Manang Rish.

"Pakisabi po papunta na, salamat Manang!" Sabi ko at pinatay na ang screen ng aking cellphone.

Bumaba na 'ko para sabay sabay kaming mag dinner, inanyayahan na rin namin ang kasambahay na si Manang Rish at ang driver namin na si Brix na sumabay na sa amin sa pag kain.

Noong una'y panay pa sila tanggi dahil pam-pamilya raw ito ngunit nang i-utos ni Daddy na may halong awtoridad ay natinag sila at wala na ngang nagawa kung hindi ang sumalo at kumain kasabay namin.

"Anak, hindi ka na ba ginugulo ng Riggs na 'yon?" Biglaang tanong ni Daddy sa kalagitnaan ng aming pag kain, mabilis akong nasamid.

Inabutan agad ako ni Manang Rish ng maiinom at lumagok muna ng maraming tubig bago ko sila harapin. Pinasadahan ko ng tingin isa isa ang mga kasalo ko ngayon at nakitang nakadapo sa akin ang kanilang mga titig.

"H-Hindi na po." May kasama pang pag iling kong saad, hindi na 'ko mapakali sa aking kinauupuan.

Bakit ako ninenerbyos eh tinigilan naman na talaga ako ni Riggs? Nga ba?

"Mabuti naman anak kung ganoon." Ngiting sabi ni Mommy. "Just tell us if he's still bothering you, okay?" Hinawakan ni Mommy ang kamay ko, tinanguan ko naman siya.

"Oh, anak kumuha ka pa!" Ani Mommy at mabilis akong napa-iling.

"Thank you pero busog na po ako." Ngiti kong sabi, nginitian lang niya ako at ibinaling ang tingin kay Manang Rish.

The Moment of Truth (Completed)Where stories live. Discover now