Calista
Na-ipasa namin parehas ni Charmaine ang aming midterm exam, good thing sa akin ay almost perfect ang mga nakuha kong scores.
"Pak! Calista lang malakas!" Ani Charmaine, hawak hawak niya ang mga test papers ko at isa isang pinapasadahan ng tingin ang mga 'yon.
"Na inlove, na broken, bumawi at higit sa lahat nag glow up!" Tinampal niya ng mahina ang aking baba dahilan para bahagya akong mapangiti.
"Tara, treat ko. Kain tayo!" Hindi pa man ako nakakasagot ay mabilis na niya 'kong hinatak kaya wala na 'kong iba pang nagawa kung hindi sumama sa kanya.
"Wala ba si papi Brix?" Aniya at sinisipat pa ang parking lot.
Nakita ko naman ang kanyang kotse at paniguradong nasa loob na non ang kanyang driver.
"Andyan naman si Kuya Jobert!" Sabi ko sa kanya at hinatak na siya palapit sa sarili niyang sasakyan.
Naalala ko naman ang aming huling pag uusap ni Brix bago siya mag take ng kanyang one month leave.
"Ma'am!" Tawag ni Brix, weekends ngayon at mag sha-shopping kami ni Charmaine.
"Oh, Brix." Ngiti kong bati pabalik sa kanya.
"Gusto ko po ulit magpasalamat sa pera, napakalaking tulong po noon dagdagan pa po ang iba pang tulong pinansyal ni Sir Marcellus." Nakayuko niyang saad tila binabalot ng hiya.
"Wala 'yon, Brix. Oh siya! baka mag ala dragon si Charmaine kaka-hintay sa akin sa meeting place namin, tara na?" Sabi ko sa kanya.
"Ay ma'am, hindi ko po kayo maihahatid." Nagtaka naman ako sa kanya, tsaka ko lang napansin na hindi nga niya suot ang uniporme niya.
"Ha? Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Kailangan po ng mag aalaga kay nanay dahil na-discharge na po siya sa ospital, ayaw na po ng iba kong nakakatandang kapatid kaya ako na lang po ang mag aalaga dahil masyado pa pong bata ang natitirang mga kapatid ko na nasa kanilang puder." Paliwanag naman niya, agad akong napatango sa kanya.
"Mag ko-commute na lang ako kung ganon." Ngiti kong sabi sa kanya, tumango naman siya.
"GIRL!!!!!" Bulyaw sa akin ni Charmaine dahilan para mabalik ako sa wisyo.
"Giselle Leola Marasigan." Mahina kong banggit sa pangalan na 'yon.
Muli kong naalala ang posisyon ng dalawang taksil nang abutan ko sila sa kanilang kataksilan, gross.
Out of nowhere lang, biglang sumagi sa isip ko. Hindi ko rin alam kung bakit.
"Nagsu-summon ka ba ng kadiliman d'yan? Hoy! Tulala ka nanaman gaga ka!" Pinasadahan niya ang mukha ko ng kanyang palad.
"Gago may naalala lang ako sa sinabi ni Brix noon." Tila nangutitap ang kanyang mata nang marinig ang pangalan ng kanyang ultimate crush.
YOU ARE READING
The Moment of Truth (Completed)
RomanceA Tagalog-English story where a distorted love story of Riggs Hernan and Calista San Andres exist.