Chapter 4

17.7K 343 8
                                    

Calista


Dalawang linggo ang lumipas at mabuti na lang dahil walang Riggs Hernan ang bumulabog sa akin sa loob ng pagpasok ko sa dalawang linggo na 'yon.

Well, he followed my choices of words, good for him. We'll both be in peace.

Narinig ko ang pag ring ng phone ko kaya naman mabilis kong kinuha ito mula sa bulsa ng aking skirt.

Tumambad ang pangalan ni Brix.

"Hello? Bakit napatawag ka?" Tanong ko sa aking formal driver, between us, it was me who always make the first move to call, not him. Bago 'to ah?

Naglalakad na kami ni Charmaine palabas ng campus.

[Ah ma'am, baka po ma-late ako sa pagsundo ko sa inyo dahil nasa ospital po ako ngayon.] Mabilis akong nagtaka.

"Ha? Bakit ka nand'yan? May nangyari ba sa 'yo?" 

[Binalita po ng nakababata kong kapatid na sinugod po si Nanay sa ospital at nasa emergency room daw po, makikibalita lang po ako kung ano na ang lagay ni Nanay at pupunta na po ako r'yan agad para sunduin po kayo.]

Agad naman lumambot ang puso ko sa ibinalita ni Brix, kahit pinalayas na ito ng sariling magulang ay may malasakit pa rin ito.

"Mag co-commute na lang ako, Brix. D'yan ka muna at mukhang kailangang may magmonitor d'yan." 

[Nako ma'am! Paano po kayo?] Tanong niya.

"Kaya ko ang sarili ko, at isa pa malaki na ako. Kasama ko rin naman si Charmaine. Sasabihin ko na lang kila Mommy at Dad na may emergency kaya hindi mo 'ko nasundo, maiintindihan naman nila 'yon." Nakalabas na kami ng campus, as usual! Kasama ko ang aking kaibigan at tinitignan mabuti ang mga nakakasalubong namin na tao.

[Maraming maraming salamat po ma'am, pasensya na po.] Narinig ko ang pagpiyok niya.

"Don't mentioned it." Ibinaba ko naman na ang tawag pagkatapos non.

"Anong sabi ni Papi Brix?" Tanong ni Charmaine habang patuloy sa kanyang ginagawa.

"Tigilan mo nga 'yang ginagawa mo, pinagtitinginan ka ng mga nakakasalubong mo. Nakakahiya ka!" Sita ko at tinampal siya sa braso.

"Duh! Mas okay nang nag iingat kaysa bigla na namang lilitaw sa harap mo na parang kabote ang punyetang 'yon!" Sabi nito tila tinutukoy si Riggs. 

"Boses mo, Charmaine!" Suway ko sa kanya. "At two weeks na ang nakakalipas, nilubayan na niya ako." Kindat ko sa kanya na may kasamang malawak na ngiti. 

"Don't be too comfortable! You'll never know when will the next tornado ever strikes again!" Nakikipag eye to eye contact siya sa mga nakakasalubong namin, napa iling na lang ako sa sinabi niyang sample. 

"About kay Brix, ayon nga, nasa ospital daw si Brix." Tila nanlaki ang mga mata ni Charmaine sa gulat at napahawak sa mga braso ko.

"Oh my God! Is he dead? Pupunta ako! Naaksidente ba? Anong nangyari? Ayos lang ba siya?" Sunod sunod niyang tanong at tila natataranta.

"Gaga! Yung mother niya sinugod daw sa ER." Kumalma naman na si Charmaine nang malaman na ayos lang ito. 

"Mabuti at hindi siya," nagbuga siya ng relieved ng malalim na hininga, mabilis ko siyang binatukan. "Napaka gunggong mo." Tugon ko matapos siyang batukan.

The Moment of Truth (Completed)Where stories live. Discover now