Chapter 17

9.1K 232 8
                                    

Calista

Pitong buwan ang nakakalipas...

"Calista!"

"CALISTA!"

"Isang buwan ka na absent at hindi pumapasok sa school, ano ba?!" Rinig kong marahas na pagkatok niya sa pinto. "You're about to be dropped out!" Rinig ko ang marahas na pagpipilit buksan ang handle ng pinto. 

"I can't contact you, what the hell's going on?!" Sigaw niya. "Please open up the door naman, oh?" 

"Leave me alone," matamlay kong tugon. 

"I just did that, and look what happened?" She halt. "Calista, natanggal ka na sa Dean's lister!" 

"Please, leave." Halos pabulong kong saad. 

"I don't want to, okay?" She heave a heavy sigh. "I'm not leaving, I ain't going anywhere." Nahinto ang pagkalag sa pinto ng kwarto ko.

"What's going on?" Malumanay na tanong ni Charmaine sa akin, nananatili siyang naroon sa labas ng kwarto ko, wala akong lakas para tumayo mula rito sa kinalalagyan ko. 

I didn't bother to answer her. 

Narinig ko na naman ang paghugot nito ng malalim na buntong hininga. "Okay, you don't want to talk about it." Aniya. "I'll be back." Turan niya at narinig ko ang footsteps niya papalayo. 

"Manang! Nasaan ang susi sa pinto na 'to?!" Biglang galit niyang sigaw habang papalayo ang boses. 

Maya maya lang ay narinig ko ang malakas na pagbagsak ng aking pinto.

"Christ, finally!" Aniya nang mabuksan ang pinto. "It seems that you abandoned school!" Marahas na bumukas ang pinto ng aking kwarto at iniluwa nito ang kaibigan kong si Charmaine na galit na galit, may hawak siya na mga papel at doon naka-tuon ang tingin. Kulang na lang ay umusok na ang kanyang ilong sa sobrang galit.

"Hindi kita matawagan! Hindi ka rin maka-usap nila Tito at hindi ka—" napatigil siya sa kanyang sasabihin nang magsalita ako.

"H-He's gone." Utal kong sabi.

Tila nawala ang galit sa kanyang mukha nang dumapo sa akin ang kanyang tingin, akala mo'y iiyak na siya nang dumapo ng matagal ang titig niya sa akin.

Bumagsak sa sahig ang hawak niyang mga papel kasunod ng kanyang pagluhod. Napatakip pa siya sa kanyang bibig, habang ang mga kilay ay ngungunot. Nakita ko ang mabilis na pagbagsak ng kanyang mga luha. 

"What do you mean, he's gone?" Tanong niya at inalis ko ang tingin ko sa kanya at tumulala.

"He's gone." Ulit at bulong ko.

"Calista..." Pumiyok pa ang aking kaibigan sa kanyang pagtawag sa akin. "He's gone, he left." Tugon ko.

"A-Ano 'to?" Sipat niya sa katawan ko. "B-Bakit ka nagkaganyan?" Napahagulgol siya lalo.

"S-Sabi ko tawagan mo 'ko, hindi ba?" Utal niyang sabi.

The Moment of Truth (Completed)Where stories live. Discover now