Chapter 18

8.8K 227 13
                                    

Calista

Siyam na buwan ang nakakalipas...

Matapos ang kahindik-hindik na panloloko sa akin ni Riggs ay inalalayan ako ng aking matalik na kaibigan na si Charmaine para tuluyan kong mahabol ang grades ko. 

I don't wanna see him nor talk to him, everything that may relate to him. 

Napabayaan ko ang pag aaral ko, sarili ko, lalong lalo na ang mga taong totoong nagmamahal, nagmamalasakit at nagpapahalaga sa akin dahil sa epekto ng ginawa sa akin ni Riggs, mabuti na lang at hindi ako tinalikuran ng nag iisa kong kaibigan.

Patuloy akong naghi-heal mula sa aking first heart break, hindi pa man ganoon kagaling pero may improvement naman kahit papaano, huwag lang sana magrelapse. Ewan ko lang kapag nakita kong muli si Riggs.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng kwarto ko ni Charmaine at nagrereview para sa aming midterm exam.

Ako'y nakapwesto sa aking kama at nakasandal sa headboard habang may hawak na reviewer at si Charmaine naman ay naroon sa couch at nagrereview rin.

"Calista!" Natigil kaming dalawa sa ginagawa namin ni Charmaine nang marinig at makilala ang boses na 'yon.

Dali daling lumabas ng kwarto ko si Charmaine at sinundan ko siya, nakita kong dumampot siya ng flower vase na nakadisplay sa aming living room.

"Oh my God, Charmaine hindi tayo mamamatay tao!" Hinawakan ko siya sa balikat.

"Putanginang Riggs 'yan eh! Ang tigas ng mukha, sige halika rito pumasok kang gago ka!" Sigaw ni Charmaine sa pinto namin na gumagalaw galaw na sumisimbolo na may nagpipilit pumasok.

"Ang kapal ng mukha mong magpakita pa matapos ng panloloko mo!" Bulyaw ni Charmaine.

"Brix, sige papasukin mo 'yan dito! Dudugo ulo n'yan!" Pilit kong pinipigilan ang kaibigan ko.

Doon na bumukas ang pinto at itinambad nga nito si Riggs. 

"God!" Sigaw ko,  nakawala naman si Charmaine sa pagpigil ko at dire-diretsong sinugod si Riggs.

"CHARAMAINE!" Bulyaw ko sa kanya, nakita kong may hawak na baril si Riggs.

Nagulat ako nang itutok ni Riggs sa sintido niya ang hawak na baril at ngumiti sa akin bago pindutin ang trigger nito. 

"No! No! NO!" Mabilis kong hinabol ang hininga ko at napatingin sa buong paligid.

Nakita kong napatalon si Charmaine sa kanyang pagkakaupo.

"Girl ano ba 'yan?!" Bulyaw sa akin ni Charmaine habang nakahawak pa sa kanyang dibdib. 

Nakita kong nagbabasa siya ng kanyang reviewer habang narito kaming dalawa sa aking kwarto, napatalon ako sa kanya at napayakap.

"Ew! Anong ginagawa mo- girl, hindi ako makahinga!" Reklamo niya dahil mahigpit ang pagkakayakap ko.

Thank goodness it was just  a dream. 

Mabuti at hindi totoong nagpunta rito si Riggs dahil kung nagpunta rito 'yon ay paniguradong mangyayari ang nasa panaginip ko na hahampasin siya ni Charmaine ng flower vase na mayroon kami dito sa bahay.

"Ano bang nangyari sa 'yo ha? Nanaginip ka ba? Aatakihin ako sa puso sa 'yo eh!" Sunod sunod na tanong sa akin ni Charmaine.

Ikinwento ko naman sa kanya ang napanaginipan ko.

"Jesus Christ! Talaga nga palang mapapayakap ka sa akin" Aniya.

"Pero kulang ang flower vase! Kung may katana lang si Tito r'yan? Isasaksak ko sa ngangala niya 'yon! Demonyong Riggs na 'yan!" Tila gigil niyang saad.

"Magreview na nga lang tayo kaysa pag usapan ang walang katuturan na bagay, na tao, I mean." Aniya at umirap pagkatapos ay inilipat ang page ng kanyang reviewer.

Itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa pagrereview kaysa nga aksayahin ko pa ang oras ko kakaisip sa malaking kasalanan na nagawa ko sa buong buhay ko, ang papasukin si Riggs sa buhay ko.

Pero bakit ko naman napanaginipan si Riggs gayong hindi ko naman na siya iniisip? Nagmu-move on na nga 'yung tao. 

***



The Moment of Truth (Completed)Where stories live. Discover now