Calista
Lumipas ang tatlong buwan at parating pumupunta si Riggs para dalawin ako, dalhan ng bouquet ng bulaklak at ang ilan pang ginagawa ng mga nanliligaw. Ngayon ay magkasama kami sa kanyang kotse at ipapasyal niya raw ako para hindi lang laging nasa bahay ako at para makabawi raw.
Napagtatanto kong habang nagdadaan ang mga araw, linggo at buwan ay medyo napapalagay na ang loob ko kay Riggs. Hindi rin kasi nito nakakaligtaan ang mga ginagawa niya simula nang opisyal niyang panliligaw, ganoon pa rin hanggang ngayon.
"We're here!" Masaya niyang mungkahi habang nakatingin sa harap at suot niya ang malawak na ngiti.
Tumambad sa akin ang isang magandang tanawin ng isang beach, payapa at tanging anod sa dalampasigan lamang ang naglilikha ng tunog sa buong kapaligiran. Inilibot ko pa ang aking paningin at walang tao rito, kay gandang tanawin dahil kita mo ang papalubog na araw.
Mabilis akong napalabas mula sa aking kinauupuan sa loob ng kanyang kotse at napatakbo palapit sa tubig dagat na bumabasa sa golden brown na buhangin.
Naramdaman kong may humawak sa aking baywang at iniharap ako sa kanya, isinandal niya ang kanyang noo sa aking noo habang nakapikit at nananatiling nakangiti pa rin. Napatitig ako sa kanyang mukha at muling naramdaman ang pagkabog ng aking dibdib.
"You loved it?" Tanong niya habang ganoon pa rin ang pwesto niya, dahan dahan dumilat ang kanyang nakapikit na mata at nasisinagan ito ng liwanag ng papalubog na araw. Nakita ko ang maamo niyang mukha at ang makislap niyang mga mata.
Mabilis kong inilayo ang magkadikit nang katawan dahil naririnig ko ang kabog ng dibdib ko. Natatakot akong baka maramdaman niya 'yon at ayokong tuluyang mahulog sa kanya dahil may natitira pa rin na doubt sa akin.
Inalis ko ang pagkakasandal ng aking noo sa kanyang noo at nakangiting tiningan ang agos ng tubig dagat at ang papalubog na araw, napakagandang tanawin, hindi nakakasawang ulit-uliting banggitin.
Inilabas ko ang aking cellphone at sinimulang kuhanan ng litrato ang magandang sunset, nagsimula rin akong kumuha ng video ng tanawin, epal lang dahil biglang sumingit si Riggs nang maganda na ang pagvideo ko, mabilis ko siyang hinawi at tumawa naman ito.
Tinignan ko na ang mga kuha kong litrato at mga footage, napakaganda talaga maliban sa pagsingit ni Riggs.
Habang tinitignan pa rin ay naramdaman ko ang bigla niyang paghalik sa aking pisngi na kinatalon ng puso ko, mabilis akong napatingin sa kanya at nakita na naman na tinatangay ng hangin ang kanyang buhok at suot niya ang kanyang malawak na ngiti.
God, this man.
"I love you in every way possible." Hindi ko 'yon pinansin dahil para akong nakakaramdam ng paru-paro sa aking kalamnan sa kanyang sinabi.
Inalis ko ang pagkakayakap niya sa aking bewang at inalis ang suot kong puting sapatos maging ang aking medyas pagkatapos ay naglakad sa papasalubong na tubig.
Sumabay sa paglalakad ko papunta sa dagat ang pagbugha ng hangin na tila hinahawi ang aking buhok.
Napatingin ako sa kinatatayuan ni Riggs at nakita siya ron habang nakakrus ang mga braso at malawak na nakangiti, kay ganda niyang pagmasdan, nasisinagan ng papalubog na araw ang kanyang maamong mukha.
Naramdaman ko nanaman ang pagkabog ng aking dibdib.
Geez!
Hindi ko alam ngunit napagtanto kong sumesenyas na 'ko sa kanya na lumapit siya sa akin, tila nagulat naman siya at nawala sandali ang ngiti maging ang pagkakakrus ng kanyang braso.
Hindi niya i-n-e-expect ang naging gestures ko, maging ako rin naman ay nagulat sa ginawa ko, tumalikod na ang ako at nagtampisaw sa tubig.
"What the hell am I doing?" I muttered.
Maya maya pa'y naramdaman ko na may yumakap sa aking bewang at ang pagbaon ng mukha nito sa aking leeg dahilan para mapahinto ako sa ginagawa kong pagtatampisaw sa tubig.
Kumakabog na naman ang dibdib ko.
God!
"I love you." Rinig kong bulong niya sa tainga ko habang ganoon pa rin ang posisyon namin. "You don't have to love me back, just let me love you, let me do what I love." Natahimik ako at palihim na napangiti.
Yumuko ako sandali at naglagay ng tubig sa aking palad, pagkatapos ay inihagis ko sa mukha na nasa aking leeg.
"Calista!" Tawag nito at hindi ko na napigilan na matawa.
Pagkatapos non ay napagtanto kong nagbabasaan na kaming dalawa at tila masaya siya ngayon, maging ako.
Ramdam ko ang saya, ang totong saya.
Sana'y tama ang desisyon kong ito na ibigay at ipagkatiwala sa kanya ang tiwala ko.
***
Ganon naman 'di ba? Sumasaya tayo sa alam nating mali.
YOU ARE READING
The Moment of Truth (Completed)
RomanceA Tagalog-English story where a distorted love story of Riggs Hernan and Calista San Andres exist.