Calista
Nagkalabuan kami ni Riggs nung nakaraan dahil sa lack of communication ngunit naayos din naman at mabilis bumawi si Riggs.
Tuluyan na ngang nahulog ang loob ko lalo sa mga ginagawa ni Riggs, ang consistent na pagtawag, pagkanta sa akin bago ako matulog, pag update sa kanyang pupuntahan, ang araw-araw na pagpapadala ng bulaklak, ang kanyang presensya, ang lahat ng klase ng mga tsokolate na ipinapadala niya sa akin linggo-linggo at ang panghaharana sa akin kapag bumibisita sa aming tahanan. Nasanay na 'ko sa kanyang presensya, nasanay na 'ko sa lagi niyang ginagawa. Siya mismo, nasanay na ako sa kanya.
Base rin sa mga pinapakita at ginagawa ni Riggs ay mukhang nagbago na siya, na inalis na niya ang lahat ng kanyang bisyo.
Ngayong araw na ito ay ang ika-anim na buwan ng aming selebrasyon bilang magkarelasyon.
Kada buwan ng aming selebrasyon ay sinusundo ako ni Riggs para ipasyal at kumain kami sa labas sa iba't ibang lugar para doon ipagdiwang ang monthsary namin, na isa rin sa mga karagdagang rason kung bakit tuluyang nahulog ang loob ko kay Riggs.
Binaliwala ko ang mga binilin sa akin ni Brix nang nag usap kami dahil nakita kong parang binabago ni Riggs ang kanyang sarili, everybody deserves a second chance, especially those na ginagawa ang best to change. Ang bisyo niyang pagyoyosi ay itinigil na niya, iniwasan na rin niya ang kanyang mga kaibigan na hindi maganda ang dulot sa kanya maging ang kanyang pagiging manginginom ay natigil na rin.
Kaya naman hindi ako nag dalawang isip na ibigay sa kanya ang aking tiwala na galing mismo sa akin at bukal sa aking loob.
Palabas na 'ko ng aming bahay ngayon at laking pagtataka ko nang walang kotse at nakatayong Riggs ang narito.
He's supposed to be here. Napag-usapan na namin na ngayong oras 'to.
Tumunog ang aking cellphone indikasyon na may nag text, agad kong kinuha 'yon at binuksan. Isang mensaheng mula kay Riggs.
Riggsy❤️
"Can't pick you up, punta sa rito sa bahay babe"
Itinago ko na ang aking cellphone, nakapagtataka naman dahil ngayon lang nangyari na ako ang mag aadjust para sa kanya dahil laging siya ang gumagawa ng paraan para magkita kami.
Binaliwala ko na lamang ang aking naisip at pumunta na lang sa bahay nila Riggs, mas pinili kong mag commute na lang.Baka naisip ni Riggs na i-surprise ako at gawin 'yon sa kanilang bahay o kaya naman ay nagluto siya ng paborito kong mga pagkain at naghanda ron para pagkarating ko'y masaya na lang kaming kakain na magkasama habang kumukuha ng mga litrato.
"I'm overthinking things too much!" Sita ko sa sarili ko.
Bitbit ko rin ang isang babasagin at maliit na jar na naglalaman ng aking mga mensahe para sa kanya, ibibigay ko ito sa kanya bilang regalo. Can't think of anything na pwede kong ibigay kaya ito na lang. Karamihan daw kasi sa mga lalaki ay mas na-appreciate kung sariling effort ng kanilang girlfriend ang ibibigay, kaya naman pinaglaanan ko ng oras ang paggawa nito, hope he likes it.
Tuwang tuwa pa 'ko sa mga thoughts na pumasok sa isip ko hanggang sa makarating na 'ko sa gate ng kanilang bahay ay suot ko ang malawak na ngiti sa aking labi.
Pinindot ko na ang doorbell at naghintay ng ilang minuto ngunit walang lumalabas para magbukas ng pinto.
"Tita?" Tawag kong sigaw mula sa kinatatayuan ko, nagbabakasakaling narito ang ina ni Riggs at nag take ng day off.
YOU ARE READING
The Moment of Truth (Completed)
RomanceA Tagalog-English story where a distorted love story of Riggs Hernan and Calista San Andres exist.