Calista
"Brix, mukhang matatagalan kami dito sa loob ng campus dahil may hahanapin kaming tao." Uwian na at sinadya kong tawagan si Brix, sinadya kong i-loud speaker dahil nagsisimula na kaming maghanap ni Charmaine sa loob ng campus.
Hindi ko na nahalungkat o nadiskubre pa ang section kung saan belong ang nasabing hinahanap namin dahil uwian na, ayoko naman i-pagpabukas pa 'to dahil gusto kong matapos na 'to lahat ngayong araw rin.
[Ay ma'am, nandito na po ako sa labas ng school. Gusto niyo po bang tumulong na rin po ako sa inyo sa paghahanap?] Alok nito mula sa kabilang linya.
"Nako Brix—"
"Your suggestion would help us a lot!" Singit ni Charmaine at hindi na 'ko pinatuloy sa sasabihin ko, inirapan ko naman ito.
We're good, nakakalma na kami both. Charmaine and I are good now, I apologize to her din sa pagiging mataas, she accepted it anyways, we're back again.
[Eh ma'am, ayaw akong papasukin nitong guard.] Anito mula sa kabilang linya.
"Lend him the phone." Utos ko kay Brix.
[Oh, sino ba 'to?] An unfamiliar voice spoke.
"Marcellus San Andres sent him here for security purposes, please give him your permission to hop in, by the way, this is Calista San Andres speaking." As I have mentioned before, my father has a powerful name in this campus. There's no doubt naman.
[Okay po, Ma'am!]
[Hello po ma'am? Pinapasok na po ako, Nasaang banda po ba kayo?] Tanong ni Brix.
Huminto ako ng lakad at sinenyasan din si Charmaine na huminto.
We're far from the main gate, it would took us time if we go there to meet him.
"After three buildings, may makikita kang parang mini forest then after non is malapit na sa canteen, nandito kami ni Maine."
[Okay po ma'am.]
"Hintayin ka na lang namin dito!" Tila kinikilig na saad ni Charmaine, ibinaba ko naman na ang tawag at hinintay makarating si Brix.
Nakita kong habang naglalakad si Brix ay may mga bumabati sa kanyang mga nag aaral din dito at papauwi na.
Nang marating niya ang pwesto namin ay agad ko siyang tinanong.
"Dito ka ba nag-aral dati?" Tanong ko, agad naman siyang tumango. Naka-suot ito ng kanyang formal uniform, ewan ko ba kay Dad at may pa-utot pa na ganon.
"You never mention that." Tanging sagot ko, mahina naman itong tumawa.
That's the end of our conversation.
"Sino po ba ang hahanapin?" Tanong sa amin ni Brix nang matahimik kami.
Hindi ko na nasagot ang tanong niya dahil nakita ko sa kanyang likod ang hinahanap namin at papalabas na ito ng campus, may mga kasama rin. Mabilis kong tinahak ang daan at may hinawi pa kong mga estudyante para lang makadaan, nabunggo ko pa nga ata si Brix.
YOU ARE READING
The Moment of Truth (Completed)
RomanceA Tagalog-English story where a distorted love story of Riggs Hernan and Calista San Andres exist.