Chapter 13

10.2K 247 4
                                    

Marcellus

I'm a man but nowadays I've been questioning my fatherhood due to recent happenings.

Palagi lang akong nakakulong sa sarili kong kwarto na tila teenager na hindi nasunod ang layaw at ngayon na-realized kong hindi ako mabuting role model bilang isang ama.

I let my daughter carry the burden that I should be the one holding and carrying, I let my family suffer from my own wrong makings. Wala akong magawa sa mga nangyayari, lahat ng ka-kilala ko ay balimbing! 

They put their backs on me. They stab me behind my back.

I didn't become the father that I swore to be, I am doubtful that I have become the husband that I promised to my wife be. She kept swearing and telling that I did everything I could, my best ngunit alam kong hindi, alam kong kulang, na talagang hindi sumapat.

Nangyari na nga ang kinatatakutan kong araw at 'yon ay ang bumalik ang karma, hindi sa akin kung hindi sa anak kong babae, noong una'y hindi ako naniniwala sa kasabihang 'yon at nagawa ko pang tawanan, huli na nang nalaman ko ang kasabihan na 'yon.

During my teen age years, I am not being proud of my past but I have to face them in order to move forward. I'm a womanizer.

Tatlo, dalawang araw lang nagtatagal sa akin ang mga babae at nagpapalit na 'ko. Nang umabot ako ng bente singko anyos ay may nakilala akong babae na nagbitaw at tumatak sa akin ang makahulugan na mga salita niya.

NAKILALA ko ang isang babae sa isang bar, nagkayayaan lang kaming magbabarkada nung gabing 'yon at dahil sa sobrang kalasingan ko'y nabuwal ako sa isang table at nakarinig ako ng tilian, may tumulong sa akin na babae noon at inalalayan ako. Nakita kong tinatahak namin ang hallway pero blurry ang paningin ko dala ng tama ng alak.

Inalalayan niya 'kong tumayo at hindi ko alam kung saan niya 'ko dinala nung mga oras na 'yon ngunit naramdaman kong paghiga ko'y malambot ang binagsakan ko, sa sobrang kalasingan ko'y mabibilis ang nangyari at napagtanto kong nagalaw ko na pala ang babaeng tumulong sa akin noong magkinabukasan na.

Pagsapit ng umaga'y may katabi na 'kong babae na kumot lang ang nakasaplot sa buong katawan, mabilis akong napatayo mula sa aking pagkakahiga sa iisang kama kasama siya habang binabalot ng isa pang kumot ang pang-ibaba ko namang parte.

Sinabi ko kasi sa sarili ko kahit bago pa man mangyari 'yon ay magbabago na 'ko dahil nakakasawa na ang pambababae at wala rin naman akong napapala sa pagpapalit palit. May mataas pa na posibilidad na mahawa ka ng nakamamatay na sakit kaka sexual intercourse mo isa iba't ibang tao.

Nang nagsasaplot na 'ko ng mga damit na naiwan sa lapag ay narinig kong nagsalita ang babaeng naka-one night stand ko.

"Luckily, we used protection." Rinig kong sabi niya, napalingon ako sa kanya habang patuloy na isinusukbit ang butones ng aking pantalon, ramdam ko pa rin ang bahagyang pagkahilo. Nakapag-suot na rin ako ng polo ko.

"Nag enjoy ka ba?" Tanong niya at bumangon mula sa pagkakahiga, naka-upo ito habang nakahawak sa kumot na bumabalot sa kanyang buong katawan.

"I'm sorry, I didn't mea—" 

"Kilala kita, Marcellus." Maamo niyang tugon.

The Moment of Truth (Completed)Where stories live. Discover now