Chapter 2

33.2K 534 25
                                    

Calista

"Makulit?" Si Charmaine, nagtago kami ni Maine dito sa garden. Sa loob pa rin ng campus.

"Sobrang kulit, nakakairita!" Turan ko habang naglalakad ng back-and-forth, napahinto ako para lang sabihin 'yon at nagpatuloy sa ginagawa ko. Ikinwento ko kasi sa kanya ang pangyayari sa loob ng booth na 'yon.

"Pero ang gwapo niya ah," komento ni Charmaine, inirapan ko naman ito. "Aanhin ko ang gwapo kung pasasakitin lang ang ulo ko?" Dagdag ko. 

"You know, what? Para magkaroon kang silbi, bili mo pa ako ng bottled water, uhaw na uhaw na 'ko." Tugon ko at napa upo na rin sa tabi niya.

"Sakit mo naman, pasalamat ka kaibigan mo ako. Hintayin mo 'ko rito." Ani Charmaine bago napagdesisyunang umalis na.

Naka-upo lang ako dito sa gilid dahil nga nagtatago ako at baka 'pag nakita ako ng isa sa mga SC Officer ay ibalik ako sa loob ng kanilang booth knowing na pawang kasinungalingan ang pinaggagawa ko.

Agad akong nataranta nang narinig kong may papalapit na boses sa kinatataguan ko dahil hindi si Charmaine 'yon.

"Meg?" 

"Hey, do you hear me?" Teka..?

"How's my voice? Is it clear?" I did my best na sipatin dito sa damuhan kung nasaan ako kung sino 'yon. 

"Okay." Buntong hininga nito.

"Uh, Meg? I think, I think we should break-up." Nasilip ko na ng tuluyan kung saan ito nakapwesto.

"Meg—" mukhang pinagpatayan siya ng tawag ng kanyang kausap.

Son of a—!

"Hello?" Anito bago seryosong ibinulsa ang phone at marahan na naglakad paalis.

Mukhang nakipagbreak siya sa kanyang girlfriend dahil sinabi niya ang 'we should break-up' thingy card, what a common reasonings when somebody fell out of love!

Pinagmasdan ko itong maglakad paalis ng garden, salamat at hindi niya 'ko nakita mula sa pinagtataguan ko.

Ang pag alis nito ay siyang pagdating ni Charmaine, hinihingal pa ito.

"Nakita ko 'yong pogi na nakasama mo sa loob ng booth na galing dito kaya nagtatakbo ako pabalik, nakita ka ba?" Mabilis na pahayag niya.

Liit ng mundo 'no?

"Hindi, pero parang may something 'yang Riggs na 'yan." Sabi ko kay Charmaine habang nakatingin sa daan kung saan naglakad ang Riggs na 'yon. "And I don't like it." 

"Ano namang something 'yon, girl?!" Tanong niya.

"I'll figure it out." Seryosong sagot ko at nakita kong binuksan niya ang bottled water na hawak niya at tsaka uminon doon.

"Hoy, sa akin 'yan!" Suway ko sa kanya at napatigil sa pag inom nang maalalang pinabili ko lamang siya ng kanyang hawak.

"Sorry na, napagod ako sa pagtakbo. Oh, ito oh." Bigay niya sa akin, nakalahati naman na niya ang laman ng bote.

"Pukpok ko pa sa 'yo 'yan eh, nahiya ka pa hindi mo pa inubos." Dinampot ko 'yon sa kanyang kamay, ininom ko na lamang 'yon at tumayo na mula sa aking pagkakaupo.

"Brutal kahit kailan." Aniya at inirapan ako.

"Balik na tayo sa room?" Yaya ko sa aking kaibigan, pagbabaliwala sa kanyang sinabi na agad naman siyang tumango sa suggestion ko.

The Moment of Truth (Completed)Where stories live. Discover now