Chapter 15

9.1K 235 14
                                    

Calista

Lumipas ang apat na buwan at nababawasan na ang pagpunta-punta ni Riggs sa aming pamamahay.

Maging ang panghaharana nito at ang mga nakagawiang ginagawa na pagsuyo sa akin gaya ng pagpapadala ng mga rosas at tsokolate ay unti unting nawawala.

"Ano? Tinigilan ka na ng punyeta?" Kasalukuyang humihigop ng softdrinks na nakalagay sa plastic si Charmaine.

Narito kami ngayon sa park dahil palagi lang akong nakakulong sa kwarto simula nang nagkakalabuan kami ni Riggs.

"Hindi ko alam, pero..." Napatingin sa akin ang kaibigan ko at napahinto pa sa kanyang paghigop sa inumin.

"'Wag mong sabihin na nahuhulog ka na?" Ibinaba niya ang kanyang inumin maging ang tinapay na kanyang kinakain at salubong ang kilay na tumingin sa akin.

Mukhang kinain ko rin ang mga salitang binitawan ko kay Riggs.

"Naglalaro lang siya, Calista! Gising!" Niyugyog niya 'ko, napapatingin pa sa amin ang ibang dumadaan din dito sa park.

"Charmaine, ako ang sinusuyo, hindi ikaw. 'Wag kang makapagsalita ng ganyan na akala mo alam mo at kilalang kilala mo si Riggs!" Sagot ko rin sa kanya. 

Sa nagdaang buwan kasi ay minsan na nga lang siyang pumunta sa bahay ngunit lagi naman niya 'kong tinatawagan via video call at lagi rin akong inu-update, lagi pa niya 'kong kinakantahan at hihintayin akong makatulog bago ibaba ang tawag. 

"Wow," she says in disbelief. "Wow, Calista," tawa niya at napapailing. 

"Have you forgot what you did to him in they gym? Nung may contest-" 

"Enough!" Sigaw ko sa kanya, napatingin na ang ibang dumadaan dito, may isa pa nga na kasama ang anak at mabilis hinawi palapit sa kanya at mabilis naglakad palayo habang nakatingin sa akin na nanghuhusga. 

Christ, bakit ba kasi ngayon ay biglang ganito, nakaka confuse lang, what Riggs does currently, it leaves so much questions to me, what happened? Nagbago si Riggs all of a sudden. 

"You're embarrassing me in front of everyone, you're embarrassing yourself as well," aniya at padabog na tinapon sa basurahan na katabi niya ang softdrinks na iniinom niya. Napa-iling na lang sa akin sa disappointment ang sarili kong kaibigan. "Magkaroon ka naman ng kahihiyan, Calista." Habol niya. 

"At binaliwala mo ang babala na sinabi sa 'yo ni Brix, ewan ko sa 'yo, Calista! Sige magpakatanga ka." Inirapan ako nito at hindi na muling kinausap pa.

Muli kong inalala ang mga sinabi ni Brix ngunit hindi tinatanggap ng isip ko ang pagbabalik alaala sa sinasabi ni Brix dahil nang magkasama kami ni Riggs ay iba siya sa mga sinabi ni Brix, ramdam ko na totoo, pero kung pagbabasehan ang ngayon? 

Pero ano ba? Mali ba 'to? Mali 'tong ginawa at ginagawa ko? Naghihintay ako ng explanation niya kung bakit biglang ganito? Hindi naman mali 'yon, ah? 

Marahas akong napa-iling at medyo tinuktok pa ang ulo ko.

Mabilis naman akong pinigilan ni Charmaine sa aking ginagawa, hindi ko na maiwasan ang pagkawala ng aking luha nang yakapin ako ng kaibigan ko at may kasama pang paghagod ng aking likod.

"Tama na!" Aniya na tila pumiyok.

"Gusto lang naman kasi namin na ilayo ka sa ikasasakit mo pero anong magagawa namin kung unti-unti na niyang napupunan ang hinahanap mong pagmamahal?" Mas lalo akong naiyak at napahagulgol sa kanyang balikat sa sinabi niya, napansin ko naman na pinagtitinginan kami ng ilan pang mga dumadaan dito sa park. 

"I'm sorry, I was rude towards you," hagulgol ko sa kanya. 

"Calista, I am your friend, your best. Iintindihin kita hanggang kaya ko." Pahabol niya pa na lalong kina-iyak ko. "Shh," pagpapatahan niya. 

"We're too exposed out here, should we talk about this indoors?" Tanong niya habang patuloy pa rin sa paghagod sa aking likod.

"Masyado akong babalutin ng anxiety kung magkukulong tayo sa kwarto ko dahil bawat sulok ng silid ko nakikita ko ang sarili kong umiiyak don." Mas humigpit ang yakap sa akin ni Charmaine.

"Tatagan mo lang ha, 'wag kang magpapatalo." Aniya at mahigpit akong niyakap, hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya pero isinaulo ko na lang 'yon.

"Kapag nalulungkot ka o hindi mapakali, one call away lang ako." Bumitaw na siya sa pagkakayakap, mabilis kong pinunasan ang luha ko at tumingin sa kanya. "I'm always here."  Nakakahiya na 'ko.

"I miss you, Calista." Aniya, nakita ko ang awa sa kanyang mata.

Pagkatapos non ay napagdesisyunan niyang maglibot libot na lang kami sa park para mabawasan ang bigat sa loob ko na nararamdaman.

Laking pasasalamat ko dahil napakaswerte ko kay Charmaine, I found the best pal I longed for in life. Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ko kung wala akong kaibigan na katulad niya. 

I'll do my best to figure out things on my own, to continue. She got my back, she always do. 

***

The Moment of Truth (Completed)Where stories live. Discover now