CHAPTER 3 Wrong call

3.9K 79 13
                                    

HAZE Point Of View

"HALAAAAAAAAAAAA WEEE?"

"Oo nga, oo nga!" kinuwento ko kay Eliza lahat ng nangyari sa akin kanina. Maygaaaad! sa loob lang ng halos wala pang isang oras muntik na akong makidnap o mateenap dahil teenager na ako Haha. Makuha ang puri ko?! mawala lahat lahat ng pinakaiingatan ko! huhu.

"Nakita mo ba yung mukha? Yieeee!" Aba gagueeeeee 'to ah! mas inuna pa ang itsura ng walang hiyang lalaking yun kesa sa akin?! Ayheythernaaaaaaa! Binatukan ko nga. Asar.

"Gaga ka! kaso hindi eh, nakamask siya at wala akong pakialam sa walanghiyang lalaking yun!" inirapan lang ako ni eliza at tumayo.

"By the way, bakit ka nga pala napunta dito?" mapanuring tanong niya. Lagot!

"Wala lang, trip ko lang" ayoko nga umamin haha.

"Sinungaling! ano ngaaa! sabihin mo naa!"

"Trip ko nga lang! ang kulit mo! bakit bawal ba pumunta dito?!" pataray kong sigaw sa kanya. Ang kulit ah.

"Sus, siguraduhin mo lang ah. Nga pala balita ko may trabaho kana daw ah" t-teka paano niya yun nalaman? isa ba siyang chismosa?

"Ah, eh paano mo nalaman?" saan naman kaya nakakalap ng chismis 'tong babaeng 'to.

"Sa mama mo" gaaadd, di na ako magtataka may pagka madaldal din ang mama ko.

"Oo nga, meron na" lies

"Anong trabaho naman?" gaaaad andami naman netong tanong.

"Andami mong tanong! reporter ka? reporter ka?" Inirapan niya lang ako at inaabot sa akin ang dala dala niyang egg sandwich.

Nagkwentuhan lang kami doon pero umalis din siya agad dahil may pupuntahan daw siya. Naglibot lang ako sa apartment niya. Maliit lang ito kasya ang dalawang tao.

Matagal tagal ko na ding kaibigan di Liza o Eliza Klae Palma almost 5 years na din. Kasa kasama ko siya lagi sa mga lakad ko at galaan. Nasa ibang bansa ang parents niya kasi doon naman talaga sila nakatira bumalik lang siya dito dahil nabobored na daw siya doon. Nagmumuni muni ako dito ng may nagtext sa akin.

"I need you" h-huh? sino 'to? Unknown number lang naman ang nakalagay. Baka prank text lang 'to para may makausap sila. Yung iba kasi nag tetext sa iba ibang number then mag tetext ng kung ano ano para makahanap ng text mate. Di ko na lang iyon pinansin at tumingin sa oras.

Anong oras na pala, kailangan ko na sigurong umuwi. Niligpit ko na lahat ng kalat ko at lumabas na ng apartment ni Liza. Pumunta ako sa terminal ng jeep at di na sa shortcut. Hinding hindi na ako dadaan doon!
Pagdating ko doon, medyo marami ang mga taong nagaantay din ng jeep. Umupo muna ako sa shed ng magvibrate uli ang phone ko.

+6397836******
I need you right now. I miss you.

Okay lang ba 'tong sender na 'to? Ang lakas ng trip ah!
Di ko na lang uli pinansin at nagantay ng lang uli ng jeep. Puro puno ang mga jeep na dumadaan. Sabagay uwian ngayon. Gabi na din kasi ngayon.
Dahil sa tagal ng jeep at naiinip na ako. Pinagtripan ko na lang ang sender. Pinalitan ko ang Caller Id niya at pinangalan kung 'Crazy'. Nagulat ako ng biglang lumabas ang pangalang 'Crazy' sa screen ng phone ko.

Crazy's calling...

Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba kung hindi baka mamaya sindikato 'to at hingian ako ng pera. Gaaaad wala pa nga akong trabaho eh! pero sinagot ko pa rin ang tawag.

"H-hello?" Garalgal kong bungad sa tawag. Walang nagsasalita sa kabilang linya. Sabi ko na nga ba eh! niloloko lang ako nito! papatayin ko na sana ang tawag ng bigla akong nakarinig ng humihikib. Naiyak ba 'to?

"H-hello? okay lang po ba kayo?" Tanging hikib lang ang naririnig ko. Ano ba 'to? lokohan? "Ano po bang kailangan nyo? kung di mo kayo magsasalita, papatayin ko na 'to" asik ko sa kabilang linya. Eh nakakainis eh! di naman ako nakikipaglokohan, pinagloloko loko niya ako!

"W-wait, can y-you stay for a w-while?" biglang lumambot ang puso ko ng marinig ko ang garalgal niyang boses. tila nagmamakaawa ito. Napakalambing din ng boses niya. Ngayon lang ako nakarinig ng lalaking umiiyak.

"S-sige" pagsang ayon ko, baka mamaya bigla na lang madepressed 'to at mag suicide kasalanan ko pa pag nagkataon.

"Bakit kayong mga babae di nyo makita ang halaga namin? your all just want our money not our love" grabe naman 'tong lalaking 'to. Dinamay pa kaming lahat. Pero sige ilabas mo lang yan.

"Why did you lie on me? minahal naman namin kayo with all of our heart?!" Sheett may pinaghuhugutan naman 'to. Siguro niloko 'to ng girlfriend niya. Wala kasing poreber.

"I love you kate, I love you so much" so kate pala. Siguro mahal na mahal ng taong 'to yung kate na yun. Ang swerte naman ni girl mahal na mahal siya ng lalaking 'to.
Marami pa siyang pinagsasabi sa aking mga hinanaakit niya ginawa ata akong labasan ng sama ng loob. Haha. Ayos lang ang mahalaga mailabas niya yun at matulungan ko siya.

"Hey, thank you" he said. Ano kayang pangalan ng lalaking 'to. Englishero pa.

"Your'e welcome, kaya mo yan! wag kang susuko dahil lang diyan sa break up nyo. She's not the only girl in the world. Dont make her your world. You dont deserve someone who lie on you. You deserve someone better" he absolutely deserve it.

"Thank you so much, ms?"

"Haze" I immidiately answered.

"Thank you so much ms. Haze. Thank you for your time and advice"

"Your welcome mr." Gaaadd di ko alam name niya. Crazy na lang ba sabihin ko? yun naman nakalagay sa caller Id nya eh. Hahaha. Idudugtong ko na sana ang crazy ng bigla siyang magsalita.



"Ryle, ryle is my name"

DONT FORGET TO SHARE, VOTE AND FOLLOW!

The Naughty BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon