CHAPTER 17. Ms. Secretary meets her.

394 18 3
                                    

Haze.

"WHY ARE YOU HERE?"

"Im applying as your Assistan—"

"I said Beautiful, hindi mangkukulam," binalik na niya ang tingin niya sa harap ng laptop niya. Naabutan ko siya dito na nakababad sa laptop niya. Puro tambak tambak at patong-patong na papeles ang nakahilera sa lamesa niya. Ako na nga ang naaawa sa lamesa niya e.

"Boss, every applicants have a right to be with that position,"

"Well, except you."

Kanina pa ako nagpapaliwanag sa lalaki na 'to na mag aapply ako pero ang kupal talaga na 'to hindi ako pinapakinggan ng maayos at nagsisimula na akong mainis.

Ang ayos ayos ko pa naman ngayon. Nagheels pa ako. Nagmake up. Nag ayos ng buhok pati ang suot kong polo blouse at miniskirt bagong laba at plantsa pa kanina. Nagpaligo pa ako nang paborito kong Penshoppe Strawberry scent cologne na paubos na, tinanggal ko na nga ang takip nun kanina at binuhos sa damit ko ang tira-tira. Sayang sis. Hindi tayo mayaman tyaka isa pa paborito ko yun nuh. Ginamit ko na nga rin ang suot kong kwintas at bracelet na suot ko din kahapon, akin naman na daw iyon sabi ni Yohan e. Ang bait diba?

"Pakita muna nang beautiful," humarap ito sa akin. "...ay meron ka ba nun?" sabay tawa nito at tinaasan ako ng kilay.

"Pakita din nang kabaitan.... ay wala ka rin pala nun," bulong ko at inayos na lang ang mga requirements na dala dala ko. Ano ba naman kasi 'tong lalaki na 'to ayaw pang tanggapin ang mga papel na 'to at interviewhin ako nang matapos na at makaalis na ako dito.

"Stop murmuring something, alam ko naman na negatibo yan," Psh buti alam niya. Napahinto siya sa ginagawa niya nang tumunog ang cellphone niya na katabi lang nang laptop niya. Tinignan niya ang screen non at tumingin sa akin. Parang nagpapaalam na sasagutin niya muna ang tawag. Sa hindi ko malamang dahilan ay tumango ako.

"Yes? Gera?...." pinaikot niya ang upuan niya "Right now?... okay.... why dont you call Yohan?.... Fine. 15 minutes,"

Tumingin siya sa akin.

"Nasa bahay pa ata si Yoh— Boyfriend ko,"

Tumayo na siya at pinasokna sa bulsa niya ang cellphone niya. "Call him right now"

"Ikaw na"

"No, Ikaw na"

"Ayoko, ikaw na nga"

"Call him right now Ms. Madrigal"

"Ayoko ngaaaa"

"Aish, bakit ba ayaw mong tawagan. Yohan is your Boyfriend anyway,"

"Kasi hindi ko gustong tawagan...., Fine! naubusan na ako ng load,"

Inis na pumunta ito sa maliit na closet niya at kinuha ang jacket niya. "Aish, yung totoo? sino amo sa ating dalawa?" baling niya sa akin.

"Ikaw, ikaw masama ugali e,"

Tinaasan lang ako nito ng kilay. Nasa harapan na ito ng glass door niya. Ewan ko anong ginagawa niya dun at hindi pa umaalis.

"Ano pang tinutunganga mo diyan Ms. Madrigal? Tara na," Ako? at saan naman kami pupunta? may trabaho pa ako nuh.

"Anong tara? nababaliw ka na ba, saan naman tayo pupunta?"

"In 5 seconds at hindi ka pa nakalapit sa akin dito, you will be fired"

Agad agad naman akong tumayo at lumapit sa kanya ayoko pang masesante nuh, sayang ang sahod. Malapit na ako sumahod uli e, HAHAHAHA.

Lumabas naman na kami ng opisina niya nakasunod lang ako sa kaniya kasi alam niyo na baka magbuga ng apoy. Binelatan ko din si Ms. HAD ng mapadaan kami sa harap niya. Todo ngiti at pagpapacute pa siya sa lalaki na nasa harap ko kahit 'di naman siya pinapansin kahit nga tapunan ng tingin hindi siya binigyan e, kawawang HAD HAHAHAHA.

The Naughty BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon