Haze.
"HAZELINA? A-ANAK?"
Hindi makapaniwalang nakatitig pa rin sa akin ang babaeng nagngangalang Mrs. Harworth. Puno ng pagkasumamo ang mukha nito.
"Hazelina lang po, walang anak," yumuko ako bilang paggalang, pamilyar ang mukha niya sa akin. I think we already met somewhere? "... maupo po kayo madam."
"Napakaganda mong pagmasdan sa malapitan," malamyos na tinig na saad nito habang nakatitig pa rin sa akin ang magaganda niyang mata.
Nagagandahan ba siya sa akin? sabi ko na nga ba 'e! iba talaga ang dala dala kong karisma! hehez.
"Mrs. Harworth, sorry to interrupt the two of you... but may we start what we came here for?"
"Oh, yeah sure, sure. Mr. Adamos." umupo na ang ginang sa upuan na para sa kanya pero panay pa rin ang tingin nito sa akin.
"What would you like to eat madam?" ito na ang inaantay ko! hohoho. Ito na ba yung later ni Boss kanina?
"Uhm, anything."
"Waiter, excuse me..." agad agad namang lumapit sa amin ang isang gwapong waiter, kaloka naman mga waiter dito mga fafa, lamii! "... Two Yangnyeom Galbi, please."
2? Dalawa? lang? tatlo kami 'diba? huhu. Kasama kaya nila ako huhu.
Lumapit ako kay Boss, at pasimple siyang binulungan. "Boss, ba't dalawa lang inorder mo nung Nilagang gabi? tatlo tayo boss dito 'a? mapanakit ka boss!"
"Nilagang gabi? I didn't order nilagang gabi,"
"Anong hindi? kakasabi mo lang doon sa gwapong waiter,"
Saglit siyang nag isip. "you mean the Yangnyeom Galbi?"
"Yangyom Gabi ba 'yun?"
"Yes. one for you, one for Mrs. Harworth." so wala siya? may lahing mabait rin pala si Boss, ngayon ko lang nalaman, at ngayon lang din 'yan.
Umayos na ako ng upo nang dumating ang waiter dala dala ang pagkain. Nilapag na nila 'to sa table namin. At magalang nang nagpaaalam.
Tinapat ni Boss ang isang bowl sa harap ni Mrs. Harworth at isa naman sa harapan ko, tanging tubig lang ang nasa harapan niya.
"So, let's talk about business madam," seryoso na ang boses ni Boss, hudyat na usapang trabaho na.
Pasulyap sulyap pa rin ang mga mata sa akin ng babaeng kasama namin, hindi ko na lang 'to pinapansin at nakikinig na lang sa usapan nila at syempre, habang kumakain ako. Sarap ng pagkain na 'to! iba talaga si Boss mamili ng pagkain, bigtime!
"I'll accept your proposal, Mr. Adamos. I will expect your company's cooperation and perseverance, may our companies last longer." tumayo na si Mrs. Harworth at ibinigay kay Boss ang mga proposal at iba't ibang papeles at dokumentong pinag-uusapan nila kanina.
"You have my words madam, you will never regret this. Thank you." tumayo na din si Boss kaya tumayo na din ako, nakipagkamay ito sa kasama naming babae at ganun din ang ginawa sa akin ng babae.
"Goodbye to the both of you, I enjoy our meeting today. It's nice to meet you Mr. Adamos especially you Hazelina." nakatitig nanaman siya sa akin ng malalim, unti na lang talaga iisipin ko nang bet ako nito ih.
Ngumiti na lang ako, at yumuko. Nagpaalam na ito at naglakad na palabas ng restaurant. Sinundan ko 'to ng tingin hanggang mawala ang pigura ng babae sa paningin ko.
Ting! oras na nang maraming pagkain hohoho.
Dahan dahan akong lumingon kay Boss na nakatingin din sa akin, mukhang alam na niya ang ibig sabihin nito. Pagkain!

BINABASA MO ANG
The Naughty Boss
FanfictionWhat if our simple yet maharot girl named Haze meet his jerk and pervert slash pusong batong boss na babago sa takbo ng tahimik na buhay. Nakakaya kaya niyang pakisamahan ito, matapos ang kanyang mga matutuklasan? Makakaya kaya niyang tumagal sa po...