CHAPTER 12. First Step?

1.3K 30 6
                                    


Haze




Anong pinagsasabi ng lalaki na 'to? nakahithit ba siya ng baygon kanina? o baka naman insectiside. Anong pinagsasabi nitong you will pay for, you will pay for this? Wala naman akong natatandaan ah. Besides kahit walang wala na ako hindi ako mangungutang sa kanya ano. Kakakilala ko nga lang sa kanya noong nakaraan eh, baka pag mga isang buwan ko na siyang kilala mangungutang na ako pero kahit naaaaaa! HOW DARE HIM! tyaka ang yaman yaman na niya tas maniningil pa siya sa akin ng utang, wala akong natatandaang utang sa kaniya ah! Sa tindahan ni ate Emma baka pwede pa, halaaaaa may utang pa pala ako doong 729, nung nakaraang linggo pa yun baka gyerahin nanaman ang bahay namin ng speaker na bunganga nun na parang nakalunok ng microphone. Daig pa nanay ko eh. haha!

"Pinagsasabi mo diyan?" umalis na siya sa pagkakalapit ng katawan niya sa akin at bumalik sa inuupuan niya kanina. Nakahinga naman ako ng maluwag at nanatili lang doon.

"I will make sure that you will regret of encountering me, now get out" bantang sabi niya habang nakatingin sa akin. Akala naman niya natatakot ako sa kanya, hindi porket boss ko siya hmmmmpck. Peroooo speaking of boss huhu, kayang kaya niya akong patalsikin sa trabaho sa isang pitik lang huhu. Magsorry kaya ako? pero nagsorry na ako sa kanya eh, siya naman 'tong hindi natanggap ng sorry ko. hmmmpck bahala siya diyan! basta nag sorry na ako sa kanya! pero paano pag pinatanggal niya ako sa trabaho ko? anong gagawin ko? pag natanggal ako sa trabaho, wala nanaman akong trabaho tapos maghahanap nanaman ako ang hirap hirap pa namang makapasok sa trabaho dito, pag hindi presentable ang ayos mo pagdududahan ka, pag hindi ka makapagsalita ng wikang english ng tuloy tuloy, tingin sayo walang pinag aralan, WaAAaaaaAaAAaaa ano nang gagawin koooo, hindi pa ako nakakabayad kay ate Emma ng uta—

"I said get out" Napatingin naman ako agad sa kanya at ngumiti ng matamis, iyan! madaan ka sa nakakamatay kong ngiti.

"Your smile creeps me out, go away" magpigil ka lang hazelina, magpigil ka lang. Boss mo yan, BOSS, PRESIDENT. Pigil lang. Mag pigil ka lang. Nagtungo na ako sa pintuan niyang salamin, basagin ko kaya 'to para makaganti? hihi. charowt. hindi pala ako kasing kasama niya, dZuh. Paglabas ko nadaanan ko si Ms. HAD (Hapit Ang Damit) na tumaray sa akin, napakarami nanaman sigurong problema nito sa buhay niya. Tinarayan ko na lang din siya at dumiretso na sa elevator.

._.

Nag uusisang mga mukha agad ang sumalubong sa akin pagkalabas na pagkalabas ko sa elevator, hindi naman sila mga halatang chismoso't chismosa ano?  hays mga tao nga naman talaga, buti pa ako hindi chismosa, slight lang. Yung iba pa ay napapatigil sa paglalakad habang sinusundan ako ng tingin ganun din ang mga taong nasa kanilang mga kanya kanyang cubicle na napapaangat ng ulo habang nakatingin sa akin. Hays mga ugali nga naman ng mga tao, ito ang isa sa mga badsides na ugali ng bawat tao eh, chismoso't chismosa. Pakalat ng pakalat ng mga chismis kahit hindi naman totoo, ang income? nakakagawa sila ng fake news kaya napapasama yung pinagchichismisan nila and can cause na magkasakitan at mag away away both sides dahil sa paglalabas ng mga maling sabi sabi and information or it can cause the victim to lose their self esteem dahil they are aware na pinag uusapan sila worst is baka madepress yung victim nila and decided to ended up their lives. Tapos pag nagsuicide yung victim nila there's no culprit at all, then what? pagchichismisan nanaman uli kesyo magsuicide kasi sawi sa pag ibig? may masamang elemento na sumapi kaya nagpakamatay, hayy fvck those stereotypes.

Bumalik na lang agad ako sa sarili kong cubicle at ipinagpatuloy na ang ginagawa ko kanina.

"Hoy, Hazel. Anong nangyari? bakit ka pinatawag doon sa speaker? nakita mo ba si boss? anong sinabi sayo? gwapo ba siya? ang swerte mo naman! sana ipatawag din ako para makita ko siya, hihi" hindi rin siya halatang may tinatagong kaanohan ano? hindi talaga halata.

The Naughty BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon