CHAPTER 7 Meet the boss

3.4K 50 6
                                    

HAZE Point of View

"Psst! psst!"

Napatigil ako at agad na napalingon sa kaliwa't kanan ko. Sino ba yun? Shet! Wala namang ganyanan!

"Psst! psst!" Gaaadd! may multo ba dito sa office? sino ba yang sitsit ng sitsit diyan! Gaaaddd kinikilabutan na ako ah. Walang ganyanan, mahina ako!

"HOY GIRL!"

"WAAAAAAHHHHH! AYOKO NA! AYOKO NA!"

"AAAAAAAAAAAHHH!"

Napasigaw ako ng biglang humawak sa balikat ko at biglang nagsalita. Gaaaaad sino ba yun!? aatakihin ako sa puso ng wala sa oras eh!

"Bakit kaba nasigaw girl? kakaloka ah! tignan mo nga yung ibang mga ka office mates natin oh nakatingin na lahat sa atin especially sayo" inikot ko ang paningin ako at tama nga siya. Nakatingin sa amin ang lahat at masama pa ang tingin ng iba na parang naistorbo. Ako pa talaga ang may kasalanan ah siya nga ang bigla bigla na lang nanggugulat diyan eh!

"Ako pa talaga ah! eh ikaw bakit kaba nasigaw?" Narinig ko na sumigaw din siya eh. Parehas lang kaya kami. Yan tuloy ansama ng tingin sa amin ng mga tao dito. Buti na lang wala si Mrs. Hestia pag nagkataon baka sermon nanaman ang abutin ko doon. Ayoko ng masigawan ano!

"Wala lang, ginaya lang kita" Ika niya sabay upo sa upuan niya. Magkatabi lang pala kami ng table di ko agad napansin yun ah. T-teka nga ano bang kailangan nito at sitsit ng sitsit sa akin kanina pa.

"Ano bang kailangan mo sa akin at sitsit ka ng sitsit?" sabi ko kanya habang inaasikaso ang mga gawain ko. Gaaaad magpapasa na ako mamaya.

"Makikichika lang hahaha" weird. Ano namang ichichika ko dito eh kakakilala lang namin I mean kakakita ko lang sa kanya.

"Ano namang ichichika ko sayo?" wala naman akong kwento sa buhay. I have many problems many worries. Dont tell me ikukuwento ko yun sa kanya lahat.

"Nakita ko yung eksena nung nakaraang linggo ah" nakaraan? saan? sa akin ba? ano namang eksena sa akin?

"Anong eksena naman yan?" itong babaeng 'to di pa ideretso eh. Pabitin pa masyado.

"Yung eksena nyo ni papa yohan. Yieeee kakilig kayo!" tili niya at parang bulateng binudburan ng asin sa likot.

"Para kang tanga diyan, tinulungan lang ko nung tao, masama ba yun?" sabi ko at tumayo para pumunta sa xerox machine. Pero sumunod pa rin siya.

"Ito naman! syempre ang gwapo kaya ni sr. Yohan kahit once in a blue moon ko lang yang makita na magawi dito Yiee!" kinikilig niya pang sabi, grabe naman 'to kiligin. Obvious.

"Crush mo nuh?" wag ng magsinungaling. Obvious na obvious na eh.

"Oo hihi! Ayieeee! marami kaya ang nagkakagusto diyan sa magkapatid na yan" she mean Sr. Klein and Yohan? well siguro nga.

"Ayy girl! gora na ako ah! lunch break na pala gutom na ako eh, ikaw ba may kasabay kana? sabay kana sa amin?" tingin niya sa relo niya at tinuro ang mga ka office mate namin naghihintay sa kanya. Mga kasama niya siguro.

"No thanks, may baon ako" tumango na lang siya at umalis na. Agad ko ng tinapos ang pagxexerox ko at bumalik na sa table ko. Kinuha ko na ang baon ko at nagsimula ng kumain. Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ng nagvibrate ang phone ko.

Crazy Ryle
Hey haze!

Oww si ryle pala. Kinuha ko ang phone ko at agad na nagreply.

To: Crazy Ryle
Hey ryle, whats up?

Wala pang isang minuto ng magreply na ito.

Crazy Ryle
Nothing's new. Here in my office andaming paperworks at proposals ang kailangang tapusin at pirmahan. Wanna call?

The Naughty BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon