01: Lie

6.3K 108 39
                                    

HAZE POV

"Santiago!"

"Vasquez!"

"Pascual!" sigaw ng babaeng mukhang masungit, siya ata ang secretary ng boss nitong kompanya "For those names that I mention your all hired and congratulations. You can comeback tomorrow morning for your first day but on those who I didn't mention Im sorry"

Napabuga na lang ako sa hangin ng di natawag ang pangalan ko, pangapat na kompanya na 'to na inaplayan ko ngayong araw pero di pa rin ako natatanggap. Tumayo na ako sa kinauupuan kong silya at nagsimulang maglakad dumaan muna ako sa comfort room nitong building para mag ayos ng sarili.

"Ayy! Ano ba yan?!" automatikong napahawak ako sa balikat ko ng may bumangga sa akin.

"Ayy, sorry po, sorry po" paghihingi ko ng paumanhin at pinulot ang sling bag niya.

"Look what youv'e done!" sigaw niya sa akin at pinagpagan ang sarili niya. Ang arte naman ng babaeng 'to siya naman ang bumangga sa akin siya pa ang galit.

"Kayo nga po ang bumangga sa akin kayo pa ang galit" totoo naman eh, naglalakad lang ako dito.

"At sumasagot kapa?! Do you know who I am?!" ba't siya namumula? Haha pikon, wala naman akong pakialam kung sino siya wala ako sa mood ngayon.

"I dont care" umalis na ako pagkatapos noon, nakita ko naman siyang namumula pero bago ako umalis narinig ko pa siyang nagsalita "Magkikita pa tayo" Tss bahala siya diyan.

Pagkatapos kong malibot ang buong building sa wakas nahanap ko din ang comfort room na 'to. Agad akong pumasok sa loob at humarap sa salamin. Tinitigan ko ang reflection ko sa salamin. Nanlalagkit na ako sa makeup na 'to di naman ako sanay dito. Napilitan lang akong mag ganto dahil pinilit ako ng bestfriend kong baliw kailangan daw ito sa pag aaply pati na din 'tong napakaiksing palda na 'to. Ang init init din ng suot suot ko ngayon. Kailangan din daw formal. Psh.

Tinitigan ko ang mukha ko. Maputing mukha, mapupulang labi at matangos na ilong. Di ako kagandahang babae na hinahanap hanap ng mga kalalakihan. Simple lang ako, lumaki sa isang lungsod.
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko, niligpit ko na ang aking mga gamit at lumisan na sa lugar.

Dumaan muna ako sa isang convenience store para bumili ng pasalubong na isang galon ng ice cream. Pinangako ko 'to sa kapatid ko kanina bago ako umalis sa bahay. Tumitingin tingin muna ako sa mga stalls para maghanap ng pwede pang bilhin para kay mama at papa. Para na din sa akin. Isang balot lang ng crinkles masaya na ako. Ang sarap kasi ng powder nun hindi nakakaumay kahit maliit yun ang sarap naman papakin.
Habang abala ako sa pamimili ng brand ng perfume paubos na rin kasi ang cologne ko. Mahilig kasi ako na ginagamit lahat ng klase ng perfume gusto ko kasi na araw araw iba ang pabango ko. Weird nuh? Haha, well that's me.
May narinig ako na tumawag sa pangalan ko at binuo pa.

"Hazelina Madrigal?" napalingon naman agad ako sa likuran ko. Sino 'to ba't alam niya ang pangalan ko ang pagkakaalam ko si mama at papa lang ang nakakaalam ng buo kong pangalan.

"Pardon?"

"Are you Hazelina Madrigal?" nakangiti niyang tanong, sino ba 'tong babaeng 'to. Ba't alam kilala niya ako?

"Ako nga po, bakit po alam nyo ang pangalan ko?" Stalker mo ba 'to? MYYYGADD!

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin at paulit ulit na sinasabing "Thank god, thank god" baliw ba 'tong babaeng 'to sayang mukha pa namang mayaman. Aish.

"E-excuse me po m-a'am" dahan dahan kong tinanggal ang mga kamay niya sa akin. Anong bang nangyayari dito? Nasaan ba ang bantay nito?

"Im sorry, nice to meet you hazelina. Nakita na din kita" Nakangiti siyang umalis at naiwan akong tulala, okay lang na siya? anong pinagsasabi niyang nakita niya na din ako? Imbes na mag mukhang tanga doon, tinapos ko na ang ginagawa ko at umuwi na.

--
"Ate Hazeee! Ano natanggap ka? anong posisyon? Manager ba? CEO?" sunod sunod niyang tanong sa akin. Kung alam mo lang Lira di ako natanggap. Wala pa rin akong trabaho.

"Baliw! Oo natanggap ako" pagsisinungaling ko, ayaw ko na umasa nanaman sila.

"Halaaaa weeeh? Anong posisyon mo? Manager ba?" manghang manghang pagtatanong niya pa. Hayss sorry napaka walang kwenta ko sa inyo.

"Ayysus, wag ng maraming tanong matulog kana. Gabi na oh, may pasok kapa bukas" Nginitian ko siya at pinapunta na sa kwarto niya. Buntong hiningang umupo ako sa upuan naming kahoy. Nagiisip kong saan nanaman ako mag hahanap ng mapapasukang trabaho bukas. Lagi na lang akong na rereject may natapos naman ako kahit papaano. Malas ba talaga ako sa buhay? O pinaglalaruan lang ako ng tadhana. Kung pinaglalaruan niya lang ako di ako natutuwa lagi na lang umaasa ang mga magulang ko na magkakaroon ako ng trabaho pero lagi ko na lang silang nabibigo.

"Oh Hazelina anak nandiyan kana pala, kamusta ang pag aapply? Nakuha kaba" nakangiting tanong ni papa. Marami ng puting buhok ang papa ko, tanda ng katandaan niya.

"Ah opo pa, natanggap po ako" masaya kong binalita kahit sobrang lungkot na sa loob ko.

"Mabuti naman kung ganoon anak, para makatulong tulong naman sa gastusin dito sa bahay" nakangiting saad ni papa. Sobrang saya ng mga mata niya. Sorry papa ayaw ko lang na ma dissapoint ko nanaman kayo.

"Matulog na kayo pa, gabi na oh, tabihan niyo na si mama doon" pabiro kong saad kay papa. Kahit may edad na ang mga magulang ko. Mahal na mahal pa rin nila ang isa't isa. Nakakainggit sila.

Tumayo na rin ako at umakyat sa kwarto ko. Matutulog ako ngayon ng maaga dahil aalis uli ako bukas para makahanap na ako ng trabaho sa lalong madaling panahon.




DONT FORGET TO VOTE, SHARE AND COMMENT YOUR OPINIONS!

The Naughty BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon