CHAPTER 16. Let's start this.

676 20 5
                                    

Haze.

"NO, YOU LOOK LIKE A OLD WOMAN"



Binato ko naman agad ito ng isang pares ng sapatos na napulot ko lang kung saan, hindi naman ito natamaan kaya tinalikuran ko na lang 'to at inis na bumalik sa fitting room ng kung saang boutique na pinagdalhan sa akin ng ulupong na nasa labas.




Sa totoo lang pang 18 o sobra pa atang beses akong nagpabalik balik sa kwartong 'to at kung ano-anong damit na ang nasuot ko at kanina pa din ako nagpupuyos sa inis, jusmiyo hindi ko naman alam na maarte pala yang Yohan na yan pag damit na ang pinag-uusapan. Kanina niya pa ako pinagpapalit palit ng damit, arrrgh.




Wala din naman kasi sa ayos iyong lalaking Yohan na iyon, sinabi ba naman kahapon na siya na daw ang bibili ng damit para sa akin e, inabot na ako ng siyam siyam kakaintay sa kanya e ang kumag walang dala. Imbes na damit ang dala e, pagkain pero okay na rin libre sa pagkain na rin ako haha!




"Ms. ito itry mo, iyan na ang last na namin na dress at iyan din ang pinakamaganda dito sa boutique... pag yan hindi pa bumagay sayo ewan ko na lang"





"Ano? may binubulong bulong ka ata e" pabulong kasi ang huli niyang sinabi kaya hindi ko na marinig masyado dahil busy na rin ako kakatanggal ng butones sa suot kong polo dress.



"Ay ma'am wala po, sige po itry niyo na po yan"



Kinuha ko naman ito at isinuot. Isa itong white Fashion Nova glittery dress na above the knee kaya kita ang mga binti ko. Maganda ito... oh wait mali. I mean sobrang ganda nga nito at kumikinang may mga beads ito sa laylayan at isang dandelion print na nakalagay sa kanang parte ng beywang. Pinaresan ko din ito ng Parisian high flats at pares nang Dior cream color bougie earrings at isa ring silver necklace kapares ng silver bracelet na may heart pendant.





Tignan natin kung hindi pa masilaw sa akin ang ulupong na lalaking yun sa suot ko ngayon. Napakaganda na nito at kahit nga ako ay namamangha sa itsura ko ngayon nakalight make up din kasi ako, minake up-an ako kanina para daw diretso na kami sa bahay nila Yohan pagkatapos nito.





Lumabas na ako at pumwesto sa harap ni Yohan, naabutan ko itong nakatingin sa cellphone niya. Kausap ata babae niya. choss!




"Pag ikaw hindi pa sumang-ayon dito, iisipin ko na talagang may maluwag kang turnilyo sa utak na kailangan nang higpitan"




Tinabi naman na nito ang hawak na cellphone at tumingin sa akin. Nanlaki ang mga mata nito at kapansin pansin din ang pamumula ng magkabilang tenga. Nakatulala lang ito sa akin na parang nakakita ng isang magandang nilalang. Well... ako ata yun nuh, ganda ko ka-




"Where is Hazelina?" tanong nito sa mga staff ng boutique na nakahilera ng pantay pantay sa tabi ni Yohan. Napakagalang naman nila masyado?




Confirmed. May maluwag na turnilyo na 'to sa bunbunan.




Hanapin ba naman ako?! E nasa harapan niya na ang ako! O baka naman hindi niya ako nakilala ang aking angking kagandahan nga-




Nagpacute muna ito kay Yohan bago nagsalita "Nese herepen neye ne pe ser" sabay ipit niya ng buhok niya sa likod ng tenga.




Tumingin naman ito sa gawi ko at tinitigan nanaman ako "Ay siya yan? hindi halata"




"Hoy! Ang ganda ko ka-"




"A-ampangit mo pa rin, pero pwede na yan. Wala na tayong choice e. Hindi kana daw gaganda"




The Naughty BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon