Haze
"Uhm, isa ngang small espresso, palagyan ng maraming maraming sugar " shocks namiss ko din kumain ng asukal haha! yung tipong everytime na mag aalmusal ako mas marami pang asukal nilalagay ko kumpara sa kape, noong una nga takang taka sila mama at papa kung bakit ganun ako magtimpla, pero katagalan nasanay naman sila. Pinagsasabihan na lang nila ako na wag ako masyadong puro asukal sa pagtitimpla dahil masama daw yun sa katawan at baka katagalan daw 'e magkasakit na ako sa sobrang kahiligan ko sa sweets, hindi nga rin daw nila alam kung saan ako magmana sa pagkahilig sa sweets sapagkat hindi naman daw sila mahilig sa matatamis na pagkain.
"Maraming marami po?" takang tanong ni ate habang nakakunot ang noo, mukha pa siyang nagdadalawang isip kung isusulat iyon sa maliit na papel na hawak niya dahil napatigil siya at nahinto ang pagsulat niya gamit ang kulay black na ballpen niya.
"Yes" bat ba siya nagdadalawang isip, wala namang masama sa order ko ah, I have a right to choose bilang customer ng coffee shop nila nuh "one chocolate cake slice din pala" inabot ko na din ang bayad ko, awwsweets! lami!
"Okay, what will I write on your cup of coffee ma'am?" ay pak, need pa pala nun HAHAHA, astig! hmmm ano kaya ilalagay ko?
aha!
"Crazy ryle" hehez, miss ko na din yun si ryle iyakin, nitong mga nakaraang araw hindi niya na ako tinitext o kaya tinatawagan man lang, di ko na alam nangyari sa iyakin na yun haha, busy siguro sa trabaho niya.
Napataas nanaman ang kilay niya bago sinulat ang mga order ko na espresso at chocolate cake sa maliit na papel na hawak niya bago ibigay sa barista nila sa hindi kalayuan. May bisita ba 'tong si ate? bat parang takang taka sa akin, ngayon lang ba siya nakaencounter ng babaeng nagpapadagdag ng maraming asukal sa kape niya? weird ni ate ah.
"Thank you for ordering ma'am, can you take a seat and we will serve you your order in a couple of minutes" pilit na ngiti niya sa akin ay tinalikuran ako, napataas na lang ako ng kilay at hindi na lang siya pinansin, ang weird talaga niya.
Tumalikod na lang din ako sa kanya at naghanap ng bakanteng upuan sakto namang may nakita ako malapit sa glass wall nitong coffee shop na 'to. Nagtungo na ako doon at nilapag ang gamit ko sa kabilang upuan na katapat ko. Break time ko ngayon sa trabaho kaya naglibot libot ako sa labas ng building na pinagtatrabahuhan ko at taraan! nakita ko 'tong Yolo coffee shop hindi kalayuan sa building namin, bigla naman din akong natakam dahil sa display nila na mga cakes and sweets kaya kahit wala pa akong sahod hindi ko napigilang itry na bumili, minsan lang naman eh haha!
"CRAZY RYLE!"
opps! that was mine! agad naman akong tumayo at akmang lalakad paalis sa pwesto ko ng mapatingin ako sa mga tao dito sa loob ng coffee shop, halos lahat sila ay napatigil sa kanya kanya nilang ginagawa at agad na napatingin sa counter pagkatapos ay sa akin, t-teka anong meron?
"HAHAHAHAHAHHAHAHAAHAHA!"
"crazyyyyyyy"
"shit bro! what was that!"
"HAHAHAHAHAHA laughtrip naman kung sino man nagpangalan sa kape niya ng ganyan!"
owwwwkay? anong nangyayari? anong problema doon? ang ganda kaya hehe.
Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad ko papunta sa counter kahit pa sinusundan ako ng mga tao dito sa coffee shop ng tingin, ba't ba parang ang weweird ng mga tao ngayon? weird day ba ngayon? weird kasi talaga sila err, creepy. Pumunta na lang ako sa counter at si ateng may bisita nanaman ang kaharap ko, saklayp namaan.
BINABASA MO ANG
The Naughty Boss
FanfictionWhat if our simple yet maharot girl named Haze meet his jerk and pervert slash pusong batong boss na babago sa takbo ng tahimik na buhay. Nakakaya kaya niyang pakisamahan ito, matapos ang kanyang mga matutuklasan? Makakaya kaya niyang tumagal sa po...