CHAPTER 15. IT'S what they called WAR.

740 23 7
                                    

Haze.



"HAZEL, CAN YOU COME WITH ME?"



Gulat na napatitig naman ako sa screen ng cellphone kong unting unti na lang ay makakasama na sa museum dahil sa sobrang kalumaan. Nang biglang tumawag sa akin si bebe Yohan na samahan ko daw siya. Naglilinis lang ako ng bahay ng biglang tumunog ang cellphone ko akala ko naman tungkol sa mga inaapplyan kong trabaho na ito galing.



"Saan naman? at bakit kailangan pang kasama ako diyan?"



"Can you please? Meet me at the nearest department store in your area, I will pick you there right away. I will tell you later"



"Bakit hindi pa ngayon?"  Magkausap na nga kami hindi pa idiretso dito.



"This is urgent, can you please?"



"Okay. What time Yoh—, Yohan!"  bwisit! binabaan ba naman ako nang cellphone! basta kambal talaga may kaparehas na ugali nang Klein na yun! hindi maaari, masamang pangitain, hindi dapat tinutularana ang ganung ugali nang kakambal niya kasi kitang kita naman ang napakalaking pagkakaiba anghel ang ugali ni Yohan ko at huwad na tao slash demunyo naman ang sa kapatid niya nuh. Kabaliktarang kabaliktaran.



Pinapagpatuloy ko na ang paglilinis pagkatapos ng pag tawag ni Yohan nang matapos kong linisan ang lahat ng pwedeng linisan ay umakyat na ako sa kwarto ko at namili ng damit na susuotin at dumiretso sa baba para maligo. Sabado ngayon kaya wala akong pasok at walang manggugulo ng nananahimik kong buhay sa opisina dahil sa mga sunod sunuran kong mga katrabaho, patuta naman sila sa Klein na yun. Magagantihan ko din siya grrr.




"Saan ka pupunta Hazelina, anak?"



"Ay tay, kumain na po kayo? May nakahain na po doon sa lamesa. Lalabas lang po ako" nakapambahay na ang mga magulang ko, umalis kasi sila kanina kasama si Lira. Pupunta lang daw kila Ate Leonora, kumare nila at ninang ni Lira. Hindi na nila ako pinasama kaya naglinis na lang ako ng bahay kanina habang wala sila.



"May sasabihin sana kami sa iyo"



"Sige po, ano po yun? lagay ko lang po 'tong pinaghubaran ko labahan 'tay" Paggalang ko habang ipinapakita ang dala dala kong labahan na pinaghubaran ko kanina.




"Mamaya na, pagbalik mo para makapag usap-usap na rin tayo"



"Sige po 'tay, kumain na lang po kayo doon ha" Iniwan ko na siya at umakyat na sa kwarto ko para mag ayos, aba kahit naiinis ako kung ba't kasama pa ako sa urgent urgent niyang nalalaman, kailangan pa ring maayos ako, ano kahit wala namang ikaaayos pa.



Isang gray loose T- shirt lang ang suot ko na pinaresan nang isang ripped jeans na sobrang ripped at ang regalo pa sa aking black boots nang parents ko nung nakaraang pasko ang pangsapin ko. Inilugay ko lang ang buhok ko at nilagyan nang iilang flowery clip pins. Nagliptint lang ako at hinagilap ko sa katabi kong dingding ang color nude shoulder bag ko na binili ko lang sa bangketa sa halagang 300 na tinawaran ko pa ng 200 at gora na! Hindi talaga ako nag-ayos hindi talaga, totoo yun.




Naglakad lang ako dahil malapit lang naman ang department store dito sa lugar namin, sinabi niya pinakamalapit e, kaya sa pinakamalapit talaga ako pupunta. Masunurin kaya ako kala niyo.



Hindi naman nagtagal ay may pumaradang itim na kotse sa harapan ko at sumilay doon ang lalaking nakasuot ng shades at nakabrown T- shirt. Nakasilay ang mukha nito mula sa driver sit.



"Hey Hazel! Hop in" pinagbuksan niya ako ng pinto mula sa loob kaya sumakay na ako at hinarap siya.



"Saan ang punta natin?"



The Naughty BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon