CHAPTER 14: Who are they?

844 21 5
                                    

Haze.





"I WILL PROTECT YOU NO MATTER WHAT HAPPEN"


Napatingin ako sa kanya at matiim siyang tinitigan. Hindi ko alam pero napakagaan nang loob ko sa kanya na pakiramdam ko wala siyang gagawing masama sa akin kaya sumama ako agad sa kanya kanina. Hindi lang dahil niligtas niya ako sa mga lalaking yun na posibleng ikinapahamak ko at ikinatapos ng buhay ko kanina kung hindi lamang siya biglang simulpot at dumating para iligtas ako, knowing na alam kong hindi niya ako kilala at ganun din ako sa kanya.



Hindi rin siya mukhang masama, at may gagawing masama. Mukha kasi siyang anghel na walang pakpak dahil sa halos perpekto niyang mukha. But alam kong sinasabi ng iba na looks can be decieving subalit pag tumingin ka sa lalaking nasa gilid ko ngayon hawak ang mga kamay ko, mapapasabi ka na lang na looks can be decieving talaga na hindi ka makakaramdaman ng kahit anong paghihinala.




"Who is that woman? what is she doing here?!"



Dinaanan naman siya nito habang hila hila ako. "She's with me"



"Zymon, we all known that you knew that any woman doesn't allowed here? right?"



Napaismid naman si Zymon — ang lalaking may hawak ng kamay ko at hinila ako pababa para makaupo.




"I said she's with me Atrouni" diing banggit niya sa pangalan ng lalaking kausap niya na napairap na lang sabay padabog na umupo sa isang couch malayo sa pwesto namin. Hindi pa rin napuputol ang masama nitong tingin sa amin o mas tamang sabihin... sa akin.



"Kung ganoon anong ginagawa ng binibining iyan dito? siya ba ay iyo nang kasintahan, ha, nakatataas?" tanong naman ng isang lalaking may hawak na unan habang nakamasid sa akin. Nahihiyang napaiwas naman ako ng tingin nakakahiyang pagmasdan ang mga mata niya kahit pa nakasuot ito ng black rimned eye glasses na bumagay naman dito. Ang guguwapo naman ng mga tao dito, lami agaiiin!



Gulat naman kaming napatingin ng may isang lalaking kumakaripas pababa ng hagdan habang walang awat itong nasigaw. Nakasuot ito nang black and white stripe polo na pinaresan ng maong cotton shorts, nakayapak lamang 'to kaya kitang kita ang moreno at mabalbon nitong kutis.



"Kasintahan?! waAAaAaAa Fafa Zymon honey pie cocopie! akala ko ba ako lang ang para sayo at ikaw ay para sa akin lang!?" malakas na ngawa nito at sumampa sa kandungan ni Zymon. Niyuyugyog pa nito ang lalaking nasa tabi ko na halata nang nagpipigil ng sarili na sapakin ang lalaki sa harap niya — kung masasabing lalaki ba talaga. "Hi sis!" bati nito sa akin ng mapansin niyang nasa tabi ako ni Zymon. Nginitian ko na lamang ito dahil bukod sa naiilang ako sa kanya ay napapalibutan din ako ng mga angel sa paligid ko. Ano ba itong pinuntahan naman ni Zymon? bahay ata ito ng mga anghel na ibinaba sa lupa e.



Inis na itinulak naman 'to ng lalaki kaya napasalampak ito sa carpeted floor "Get out off me Danilo"



Napasapo naman 'to sa mukha niya. Ito kasi ang unang naghello sa sahig. "It's Dan, you moron"



"Masakit ba Danilo? HAHAHAHA" tawa naman ng isang lalaki habang may nakasukbit na sinturon sa leeg niya. Teka bat may sinturon siya sa leeg hindi ba dapat sa pantalon iyon nilalagay at hindi sa leeg. Ang weird naman ang isang 'to pero gwapo din ah.



"Shut up, Gregorio. Magbigti ka na nga doon tutal may sukbit ka naman na belt sa leeg mo, shoo!"



Napairap naman ang lalaki at sumugod sa tinatawag nilang Danilo, napaurong ako sa inuupuan ko nang bigla silang magrambulan na parang mga bata habang nagsusuntukan. Napailing na lang ang iba at tinuloy ang pagtingin sa akin ang iba naman ay may kanya kanyang ginagawa. Wala ba silang pakialam sa dalawang yun? nagsusuntukan na, o.



The Naughty BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon