Haze.
"Hazelina"
"Hazelina"
"Hays, Hazelina anak"
Yugyug sa akin ng kung sino, bayeern! natutulog ang sleeping beauty ih, jeez. "Sandali laaaaang, hindi pa ako tapos managinip ih" sabay hila ko ng kumot para balutin ang katawan ko at bumalik sa muntik ng maudlot na panaginip sa utak ko.
"Aba't Hazelina, wala ka bang balak pumasok sa trabaho ngayon?"
"Kayo pala nay, anong oras na po ba?" sabi ko ng nakapikit pa rin at pinipilit alalahanin ng panaginip ko, kaso hindi ko na maisip, huhu sayang kainan na sana eh, andami ng pagkain doon ih.
"Pasado alas syete na, hindi ba alas otso ang pasok mo? hala ka bumangon kana diyang bata ka at baka kagalitan ka ng boss mo" narinig kong lumangitngit ang pintuan sa kwarto ko tanda na bumaba na si nanay. Nagmulat naman na ako ng mata at inayos ang higaan ko para maghanda na sa pagpasok sa trabaho.
Iniisip ko pa rin yung nangyari kagabi. Ano kaya ibig sabihin nun? kukunin na daw ako? "Kukunin ko na si Hazelina" ang narinig ko kagabi eh o guni guni ko lang yun? tama guni-guni ko lang 'yun. Imposible naman na kukunin ako nun, eh hindi ko naman kilala yun nuh. Sino naman yun para kunin ako? tama guni guni ko lang yun masyado lang siguro akong inaantok kagabi dahil natagalan ako kay Yohan. Baka nga siguro barado lang tenga ko haha.
Yung kay Iyakin pa pala, hindi ko na narinig sinabi niya paano ba naman nabitawan ko na yung cellphone ko sa gulat, jusmi. Tapos nung pinulot ko eh nag shutdown na. jeez. May sira na cellphone ko talaga wala pa naman ako pambili pa.
Bumaba na ako pagkatapos ko magorasyon sa sarili ko, kung may maioorasyon man, kahit ata anong gawin ko dito sa mukha ko hindi na aayos haha! maganda naman daw ako, maganda mag imagine. Akala naman ng mga magulang ko maniniwala ako sa sinasabi nila eh salamin pa lang kitang kita ko na, kitang kita nang kaharap ko si Yuri. Yung baliw sa amin.
"Mag almusal ka muna Hazelina" aya sa akin ni Tatay, tumanggi naman ako pagkatapos ay humalik na sa mga pisngi nila.
"A-ate, may pera ka ba diyan?" nahihiyang tanong sa akin ni Lira "May babayaran kasi kami ate sa film showing sa school eh" nakayuko lang siya habang nagsasalita.
Inabutan ko naman si nanay ng dilaw na lapad na natitira na lang sa wallet ko para may panggastos sila at pambayad na rin sa school ni Lira. "Mag aral ng mabuti ha" sabay gulo ko sa buhok nito at umalis na. Maglalakad na lang muna ako dahil yun na lang ang perang natitira sa akin kasama ng ilang mga barya na hindi na ata aabot para sa pamasahe.
Pagkatapak na pagkatapak ko sa makinang na sahig ng gusali ay iba na agad ang titig sa akin ng mga tao sa loob, ang iba sa kanila ay pinag uusapan ako. Paano ko nasabing pinag uusapan ako? eh paano ba naman rinig na rinig ako ang aking precious name.
"Grabe naman siya nuh? wala lang isang buwan dito ganun na agad ang ginawa"
"Siya yun diba? ang kapal naman ng pagmumukha niya"
"Wala man lang kahihiyan, lakas ng loob"
"Nandito na ang Madrigal ang mag—"
Hindi ko na lang sila pinansin ganun ang mga sinasabi nila kahit ilang na ilang na ako sa mga tingin na pinupukol nila sa akin. Didiretso na sana ako sa pwesto ko para magsimula sa trabaho ko nang maabutan ko doon ang sobrang daming tambak na papel sa magkabilang gilid at halos tabunan na nito ang computer ko. bakit andami naman atang paper works sa lamesa ko? nilibot ko ang paningin ko at lahat sila ay walang mga paper works sa kani kanilang desk, so ako lang ang may ganito? anong nangyayari?
BINABASA MO ANG
The Naughty Boss
FanficWhat if our simple yet maharot girl named Haze meet his jerk and pervert slash pusong batong boss na babago sa takbo ng tahimik na buhay. Nakakaya kaya niyang pakisamahan ito, matapos ang kanyang mga matutuklasan? Makakaya kaya niyang tumagal sa po...