"Shit!" Agad agad akong napabangon sa kama ng makita ko ang oras! 7:30 na! 8:00 ang pasok ko! Malas naman oh! Wala pa akong isang buwan sa trabaho ko, malalate na agad ako! Agad akong pumunta sa banyo para maligo. Umabot lang siguro yun ng 15 minutes, nagayos ako ng sarili at ng mga gamit tyaka dali daling bumaba.
"Oh, anak nandyan kana pala, kumain ka muna ng agahan bago ka pumasok" mahinahong sabi ni mama ng makita niya akong bumababa sa hagdan namin. Humalik ako sa mga pisngi nila at tyaka nagpaalam.
"Hindi na po ma, malalate na din po kasi ako tyaka may malapit na coffee shop naman doon, doon na lang po ako bibili ng breakfast" Nakangiti kong paalam sa kanila at tyaka dali daling lumabas ng bahay. Shit! magaantay pa pala ako ng jeep! sana naman swertehin ako ngayon. Tadhana sumangayon ka naman sa akin.
Pero umabot ng 5 minuto puro puno pa rin ang nadaan. Shit! 8:14 na! late na late na ako. Paniguradong sermon nanaman ang umagahan ko ngay--
"Peep! peep!" agad akong napalingon sa bumisina. Isang anghel na bumaba sa langit na may angking kakisigan at kagwapuhan este isang lalaki ang sumilip sa isang bintana ng kotse ang tumingin sa akin. Ang gwapo naman nito!
"Miss! sabay kana!" di ko siya pinansin at tumingin sa ibang direksiyon. Aba malay ko kung sino ang kausap niyan. Baka mamaya di pala ako pero ako ang sumagot, nakakahiya yun nuh!.
"MISS!" di ko na lang nililingon, mahirap na nuh! mahirap umasa sa maling akala. huhu shet! may pinaghuhugutan ba ako? haha.
"A girl with a black and white uniform! nakapalda na fitted! naka ponytail! may backpack na itim! nakasandals na itim! 5'8 ang height! 47 ang weight! katamtaman ang ilong! maputi! Ano?! sabay kana?! alam ko malalate kana!" agad naman akong napalingon sa kanya pati na ang ibang mga tao na nagaantay din ng masasakyan dahil sa pagsigaw niya. Ako ba tinutukoy niya? Tinuro ko ang sarili ko at tumingin sa kanya. At inusal ang "Ako ba?"
"Stupid, yes you are!" grabe ah, aba malay ko ba. Masama ang umasa nuh! pero kahit alam ko na ako ang tinutukoy niya di pa rin ako lumapit baka mamaya mga kidnapper pala 'tong mga 'to teenapin pa ako! Pero malalate na talaga ako di pala malalate. Late na late!
"Arrrgggh what a bastard girl!" narinig kong sabi niya at binuksan ang pintuan at lumabas ng kotse. Shit! Ang tangkad niya! ang gwapo pa! ang tangos ng ilong, yung mga mata niya, yung kilay, mga labi niya ang sarap halikan, weyt! Yakkk!
"What a hardheaded! isasabay na nga eh, I know late na late kana" hinawakan niya ang kamay ko at hinihila.
"Ano ba!? sino kaba?!"
"Maghahatid sayo! wag kang magalala parehas lang tayo ng pupuntahan!"
"Di kita kilala nuh! HELP! HELP! Teenaper! teenaper!" binitawan naman niya ako at may kinuha sa wallet niya. "Diyan ka nagtatrabaho diba? parehas nga lang tayo!"
Pinakita naman niya ang ID niya. Kyle Yohan Adamos? Adamos?! T-teka surname 'to ng CEO namin ah! Shit!
Baka ito ang boss ko! Lagot ako nito!
"Okay kana? Lets go" Hinila niya ako at pinagbuksan ng pinto ng sasakyan at pinasakay ako sa passengers seat at siya naman ang nagdrive. Tahimik lang kami hanggang makarating kami sa building. 9:00 na! Shiiit late na late na late na ako!
"Dont worry, sagot kita" tumingin ako sa kanya pero nakatalikod siya at naglakad papunta sa masungit kong boss. Boss ng floor namin. Nauna ako sa kanya dahil kinausap niya pa ang guard. Umakyat na ako sa pang 8th floor kung nasaan ng pwesto ko at ang boss ko. Nakita ako ng aking boss at nanlilisik ang matang nakatingin sa akin.
"Ms. Madrigal?! Your so late! Its already 9:06! Who do you think you are para malate?! Ikaw ba ang CEO dito!?" napayuko ako sa pagsigaw sa akin ni Mrs. Hestia. Nangingilid na ang luha ako. Ito ang kauna unahang pagkakataon na may sumigaw sa akin sa harap ng ibang tao.
"Can you please stop shouting?!" Rinig kong sigaw din ni Sr. Adamos.
Nakayuko pa rin ako at di tumitingin sa kanila.
"Sr. A-adamos" garalgal na sambit ni Mrs. Hestia dahil sa pagkalita kay Sr.
"I was the one who make her to be late. So dont blame her. If you dont want to get out of this company!" pabantang sabi ni Sr. at hinila ako. Hinayaan ko lang siya na hila hilain ako. Sumakay kami ng elevator hawak niya pa rin ang kamay ko. Sumakay kami ng kotse niya at pumunta sa isang park. Parehas kaming umupo sa isang lilim. Nakayuko pa rin ako at di tumitingin sa kanya.
"Hey, Im sorry for that" paghihingi niya ng paumanhin sa akin kahit wala naman siyang kasalanan. Di na lang ako nagsasalita dahil naiiyak na ako. Yun ang unang unang pagkakataon na may sumigaw sa akin. Ang sakit pala. Ang sakit. "Hey, are you okay?"
Hinawakan niya ang mukha ko at itinaas yun. Nagulat siya ng makitang umiiyak ako. "Hey, hey! why are you crying?" bigla niya na lang nilapit ang mukha ko sa dibdib niya. "Hey, stop crying. I dont want to see a girl crying"He hugged me, and he let me cry on her arms. Ang bango niya ah! Amoy pabango ng lalaki.
"Are you okay now?" tumango ako bilang pag sang ayon kahit yakap yakap niya ako. Okay na ako. Nakakahiya naman sa sarili naming boss. Kakakilala ko lang sa kanya at isa lang naman akong simpleng empleyado niya. Binitawan niya na ako at pupunasan sana ang pisngi ko. Pero umiwas ako. Nakakahiya kaya! Enebe! Ang wafu kaya niyaa!
"O-okay na po ako sr. Nakakahiya po sa inyo, May paiyak iyak pa ako tapos nadumihan ko pa po ang damit nyo. Sorry po sr." Kulay puti pala yung damit niya ngayon ko lang napansin at may dumi na. Nakakahiyaaa!
"Haha. that's okay natatanggal naman yan" ngumiti lang ako sa kanya at tumingin sa oras. "Hala! Sr. Di na ako nakapasok ngayon" paktay, sayang araw.
"That's okay, sasabihan ko kapatid ko" kapatid?
""Bakit sa kapatid nyo sr?" bakit doon?
"Haha, ofcourse he's the CEO" CEO? huh? wait nga.
"CEO? Kapatid nyo CEO?" Aww baka CEO din yung kapatid niya.
"Yes, he is the CEO of the company where you work in" CEO namin?!
"CEO namin siya? Eh akala ko ikaw" Eh natakot nga sa kanya si Mrs. Hestia eh.
"Hahaha, No. He's my brother" Mayyygaad! nagkamali lang ako. What the.
Ring... ring....
Natigil ang pagiisip ko ng tumunog ang phone niya. Nagexcuse siya at sinagot ang tawag. Lumayo muna siya sa akin at kinausap ang tumawag. Paglipas ng 10 minuto bumalik na agad siya.
"Oww, mukhang kailangan ko ng umuwi" he chuckled. At inaya na akong umuwi. Pumayag na din ako. Hinatid niya ako sa bahay namin. Tinuro ko kasi sa kanya. Nagtaka pa nga siya sa ganda ko daw na 'to di daw pala kami mayaman. Wala naman akong pakialam doon kung di kami mayaman. Ang mahalaga sama sama kami at buo kami ng mga mahal ko sa buhay. Walang halaga ang materyal na bagay sa akin kundi ang nasa loob ko.
"Thank you Yohan, andami ko ng naistorbo sayo" nakangiti kong sambit sa kanya bumaba ng kotse niya. Grabeee! Nakakahiya na talaga 'to.
"No, that's okay. Nag enjoy naman ako" omoooo! nakeleg HAHAHA, marupok ako! wag ako! Charr!
"Haha, salamat pa rin" pagpapaalam ko sa kanya pero nakakailang hakbang pa lang ako ng magsalita siya.
"By the way, what's your name? Di ko kasi alam. Kanina pa tayo magkasama pero di ko pa alam pangalan mo hehe" napakamot siya sa ulo niya at namula ang mga tenga nya. Nahihiya ba siya? Ang kyut.
"Haze Madrigal, nice to meet you Yohan Kyle!" tuluyan na akong pumasok sa bahay at naabutan ko sila mama at papa na nakatingin sa akin.
"Aba, Hazelina anak boyfriend mo ba iyong gwapong lalaking ayun? Aba'y kay kisig naman. Ba't di mo patuluyin muna dito sa loob" grabe naman 'to sila mama. Boyfriend agad Haha.
"Naku mama, hindi po. Kapatid lang po yun ng boss ko, hinatid lang po ako, akyat lang po ako ah!" umakyat na ako sa kwarto at natulog hapon na din kasi. Andaming nangyari ngayong araw sana naman bukas di na ganito.
DONT FORGET TO SHARE, VOTE AND COMMENT!
BINABASA MO ANG
The Naughty Boss
Hayran KurguWhat if our simple yet maharot girl named Haze meet his jerk and pervert slash pusong batong boss na babago sa takbo ng tahimik na buhay. Nakakaya kaya niyang pakisamahan ito, matapos ang kanyang mga matutuklasan? Makakaya kaya niyang tumagal sa po...