024 • 6:00

280 10 12
                                    

6:00

warning: FLUFF AHEAD. hAHAHAHHA

"Bakit hawak mo phone ko?" tanong ni Jihoon nang madatnan niya si Soonyoung na hawak-hawak ang phone niya at nagtytype pa.

Soonyoung feigned innocent. "Tina-try ko lang kung maganda ba ang Android."

Jihoon was not buying it, pero sigurado namang hindi aamin si Soonyoung kahit pilitin pa nito. Titignan na lamang niya mamaya kung may nabago ba sa settings niya, or kung may ipinasa bang pictures si Soonyoung mula sa phone niya. Knowing Soonyoung, baka tinignan lang nito ang gallery at messages niya.

Pakialamero much.

But Jihoon doesn't mind. As long as it's Soonyoung.

"Android is easier to use, more affordable too if I may add," nagtunog pang endorser si Jihoon ng Android products. "Unlike you na mahilig sa Apple products, panigurado you look down on Android prods. But excuse me, Samsung is the best."

"Wala naman akong sinasabi Jihoon," Soonyoung smiled at him. "Naisip ko lang na ibili ka ng iPhone pero mukhang ayaw mo naman."

Jihoon grimaced at him. "Soonyoung, hindi basta-basta ipinamimigay ang iPhone dahil hindi rin basta-basta nakukuha ang pera. Mag-ipon ka nga!"

"Sa ipon na mayron ako ngayon, kaya na kitang dalhin sa limang bansa kaya hindi mo kailangang paalalahanan na mag-ipon ako," natatawa pang sabi nito. "I'm rich."

"Ugh, you sound like Jisoo."

Napatawa nang malakas si Soonyoung dahil halatang iritado na si Jihoon. Jihoon may be rich, well his family is, but he hates to spend money on unimportant things. Madalas ang pinagkakagastusan lamang nito ay school at pagkain. Madalas nga ang mga damit nito ay sa ukay lamang binibili at mabibilang sa isang kamay ang branded na gamit ni Jihoon. At ang mga branded na gamit na iyon ay galing pa sa mga kaibigan niyang mayaman. Mostly ay galing kay Soonyoung at kay Jisoo, kaibigan niya galing sa journalists' club.

"Kumusta nga pala yung si Jisoo hyung?" Soonyoung laid on Jihoon's bed. "The last time I saw him, broken hearted s'ya dahil kay Jeonghan hyung."

Jihoon sat beside him, shirtless. "Stop poking your nose into their business," he poked Soonyoung's nose. "Pero ewan ko sa dalawang yun. Si Jeonghan kasi eh, hindi naman si Jisoo ang gusto. Eto namang si Jisoo, nagpapakatanga pa rin kay Jeonghan."

"At ako pa ngayon ang nosy," tumawa si Soonyoung. "Sino bang gusto ni Jeonghan hyung? Kilala mo?"

Jihoon nodded. "Yup. Si Mingyu."

Napatayo si Soonyoung sa pagkakahiga at nanlalaki pa ang mga mata. "Whaaaat?! E, si Wonwoo ang gusto ni Gyu 'di ba?!"

"Exactly," humiga si Jihoon sa kama. "Kaya nga pare-pareho lang silang tanga. Wonwoo is in love with someone, I think it's Minghao? Then Minghao likes no one."

"Minghao likes no one?" namumulang tanong ni Soonyoung.

"Ewan ko. Siguro. Wala naman s'yang nakukwento."

Napaubo naman si Soonyoung kaya napatingin siya rito. Namumula ang mga tenga nito, pati na rin ang mga pisngi nito. Soonyoung looked stupidly cute when blushing if only Jihoon knew what the reason was.

"Anong nangyayari sa 'yo?" takang tanong ni Jihoon. "Don't tell me... ikaw ang gusto ni Minghao?"

Mas lalong namula si Soonyoung kaya naman napatango na lang si Jihoon dahil mukhang tama naman ang sinabi niya.

Natahimik siya pagkatapos noon.

Minghao likes Soonyoung? Well, hindi naman malabo. Pero all along, ang akala ni Jihoon ay si Seokmin o kaya ay si Mingyu ang gusto nito. Never did it cross his mind that there's a possibility for Minghao to like his best friend.

NEMESIS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon