036 • 18:00

221 5 3
                                    

18:00

Seokmin is not the type of person who engage himself on things that would hurt those people around him. Sa bawat sitwasyon, iniisip niya muna ang mga consequences na maaaring mangyari kapag na-involve siya roon. Hindi sarili niya ang iniisip niya, kung hindi ang mga taong nasa paligid niya. Seokmin had never put himself first, it was always the other way around.

Marami siyang kaibigan dahil sa outgoing personality niya. Palagi siyang may dalang kalokohan saan man siya magpunta, palagi rin siyang nakangiti. There's never a dull moment with him. People might find him a shallow person but in reality, he's not. Maraming nagkakagusto sa kaniya, given na iyon dahil may itsura naman siya, may sense of humour, matalino at magaling kumanta, pero ito ang unang beses na may tinanggap siyang feelings mula sa taong nagkakagusto sa kaniya.

Seokmin does not despise Soonyoung, he even finds the latter cute in many ways. Kilala niya ito dahil best friend ito ng pinsan niyang si Jihoon, and there had been a few times where they talk to each other. Hindi nagkakalayo ang ugali nila, kaya panatag ang loob ni Seokmin na makakasundo niya ito. Soonyoung is easy to approach, too, kaya hindi siya nagkaroon ng problema na kaibiganin ito.

When Soonyoung confessed his feelings, Seokmin accepted it without a second thought. Wala siyang pinagsisihan sa pagtanggap dito dahil sabi nga niya, mabuting tao naman si Soonyoung. Malakas ang pakiramdam niya na hindi siya nito sasaktan dahil sa pagkakakilala niya rito, may pagpapahalaga ito sa mga taong malapit sa kaniya. He has witnessed that many times. Nandiyan lagi si Soonyoung para protektahan si Jihoon, para alagaan ito at para iparamdam dito ang pagmamahal na hindi naibigay dati ng mga magulang ni Jihoon. Nang naging mag-isa nga si Jihoon ay si Soonyoung ang tanging hindi umalis sa tabi nito. Accepting his feelings would never be one of Seokmin's bad decisions. In fact, he considers it as one of his best choices in life.

Soonyoung is one of the greatest thing that happened to him.

Does he love him? No. Hindi pa handa si Seokmin sa ganoong bagay. Masyadong malalim ang salitang pag-ibig para i-describe kung ano ba talaga ang nararamdaman niya kay Soonyoung, at alam naman niya na hindi maaaring magkaroon siya ng ganoon kalalim na attachment dito dahil unang-una; walang kasiguraduhan na magtatagal ang kung ano man ang mayroon sila ngayon. Walang forever, ika nga ng iba, pero para kay Seokmin ay mayroon. Sa sitwasyong ito, ang walang kasiguraduhan ay kung si Soonyoung na nga ba ang maituturing niyang forever, isa pa, wala pa naman talaga siyang nararamdaman para rito.

Wala pa.

"Traydor ka talaga Seoks," madramang sabi sa kaniya ni Seungkwan. "Hindi mo man lang sinabi na may crush ka na pala. Kahit 'yun man lang!"

Seokmin just chuckled at how dramatic his friend is. Nang magkahiwalay na sila nang daan, dahil ibang building ang papapasukan ni Seungkwan at Hansol, ang natira na lamang ay siya, si Mingyu at si Minghao; his original friends.

Seokmin, Mingyu and Minghao had been friends since middle school. Nagkasundo-sundo sila dahil sa passion nila noon sa performing. Seokmin loved to sing, Mingyu loved to rap and Minghao loved to dance. Pero pagtapak nila ng college, nagka-iba-iba na sila ng kursong kinuha. Seokmin took Arts, Mingyu took Business Management while Minghao took Humanities. It was really confusing as to why Minghao took that course, but Seokmin just tried to understand his friend's decision. Sa Pledis University pa rin naman silang lahat, kaso dahil nga sa magkakaibang schedule, hindi na sila madalas nagkakasama katulad ng dati. They met new friends too, Minghao who has his journalists friends and Seokmin who has Seungkwan and Hansol. Tanging si Mingyu na nga lang ang hindi nakakahanap ng panibagong squad nito, and Mingyu would always stick with Seokmin and Minghao.

Siguro nga, kung wala si Mingyu ay hindi na sila magkakasama-sama ulit.

"Do you like Soonyoung hyung?"

NEMESIS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon