063 • my I [special]

144 6 5
                                    

Please listen to My I by our dear Jun and The8, para mas dama ang kwento. Ooff.

my I

warning: may pagkakaiba-iba sa timeframe ng bawat scenarios so please be aware. either it's past or present, kayo na ang bahalang humusga. ;)

"Ang kantang 'to ay para sa 'yo, love," diretsong tinignan niya si Xu Minghao, ang lalaking kaniyang minamahal. "Kiligin ka naman, my I. I love you."

Junhui looked lovingly at Minghao. Nakangiti ito at makikita na masaya ito. Sobrang saya. That smile that once became the source of his happiness, is slowly becoming the source of his pain. Nasasaktan si Junhui na makitang masaya si Minghao, dahil alam niyang dadating ang panahon na hindi na niya makikita iyon.

Darating ang panahon na iba na muli ang magpapasaya rito, iba na ang magiging dahilan ng ngiti nito, at sana sa panahong iyon, maging mas masaya ito.

Dahil iyon lamang naman ang hinihiling ni Junhui, ang maging mas masaya si Minghao. Dahil alam niya, sa mga panahong sila ang magkasama, mas maraming beses ang nasaktan niya ito kaysa sa napasaya niya ito.

"It's unclear in the fog
But there's someone inside
It's familiar as if they feel me but
It's different, different, different
Your waving hand
Not sure if you want me to come or go
What does it mean, tell me about it."

"Mahal mo pa ba ako Junhui?" he remembered Minghao asking him that question.

Siyempre, magugulat siya. Bakit naman tatanungin iyon ni Minghao? Naisip niya tuloy kung hindi ba sapat ang mga bagay na ipinapakita niya rito. Hindi ba sapat ang lahat ng effort na ginagawa niya para lamang maiparamdam dito na mahal niya ito?May pagkukulang ba siya bilang boyfriend ni Xu Minghao?

Bakit kailangan iyong tanungin ni Minghao?

"Mahal na mahal," sagot niya rito. "Bakit mo 'yan natanong?"

Sa halip na sumagot, nginitian lamang siya ni Minghao.

"If there's two earths
It could be a different me too."

Artista siya, si Minghao ay hindi. Kaya naman mahirap din para kay Junhui na pagsabayin ang kaniyang career at ang kasintahan. Sabihin pang naunang maging sila ni Minghao kaysa mapapasok siya sa mundo ng showbiz, mas mahalaga pa rin talaga ang trabaho ni Junhui para sa kaniya. Dahil bata pa lamang siya ay mahal na niya ang pag-akto, at ito na ang naging pangarap niya.

Mahirap dahil may mga panahon na kailangan niyang mamili sa dalawang bagay na mahal na mahal niya. At sa mga ganoong panahon, natatanong niya sa sarili niya kung kailangan ba niyang i-give up ang trabaho niya para kay Minghao?

O kailangan niyang iwanan si Minghao para sa kaniyang pangarap?

"I love you too," nakita niyang binigkas ni Minghao ang mga salitang iyon, at sapat na iyon para madurog muli ang puso ni Junhui.

"When I take one step closer
The flower path grows thorns
Then you reach out to save me."

Bakit ba kailangang masaktan kapag nagmamahal?

Hindi ba puedeng masaya lang? Hindi ba puedeng kung may mahal ka, siya na hanggang sa huli? Hindi ba puedeng wala nang kailangang magsakripisyo?

Junhui stared at Xu Minghao's face again. Magtatagal kaya ang saya sa mukha nito? Magtatagal kaya ang mga ngiting iyon? Magtatagal kaya ang nararamdaman nito? Magtatagal kaya ang saya nito na ngayon lamang niya muling nakita?

NEMESIS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon