062 • fronting

154 6 3
                                    

You can listen to Fronting by SEVENTEEN while reading this.

fronting

Jihoon stared at Soonyoung who was busy doodling on his notebook.

Wala pa naman silang ginagawa ngayon dahil tinatamad pa si Jihoon, kaya naman naisipan na lang ni Soonyoung na mag-doodle sa kaniyang notebook para pampalipas ng oras. Pero pasado alas-diyes na ay wala pa silang nasisimulan.

Nagulat naman si Jihoon nang biglang umangat ang ulo ni Soonyoung at nagtama ang paningin nila. Ngunit kahit pareho silang nagulat at nailang, hindi naman nila inalis ang tingin sa isa't-isa. Para bang minememorya nila ang mukha ng bawat isa, tinitignan kung sa paglipas ba ng panahon ay may nagbago ba. Marahil ay mayroon ngang nagbago, ngunit sa mga puso nila, alam nilang walang magbabago roon.

Tumikhim si Jihoon. "Tapos ka na bang mag-doodle?"

At saka lamang nabalik ang ulirat ni Soonyoung nang magsalita si Jihoon. Napaubo rin siya bago umiwas ng tingin at isinarado ang notebook na pinag-do-drawing-an niya kanina pa.

"Oo, uhm, sorry," nagkamot ito ng batok. "Ano bang pag-uusapan natin?"

Kumunot naman ang noo ni Jihoon. "Ano bang ipinunta mo rito?"

Ah, napaisip naman si Soonyoung. Yung plano nga pala.

"Kung lutang ka pa ngayon, sabihin mo lang," humiga si Jihoon sa kaniyang kama. "Kapag ako nakatulog, bahala ka sa buhay mo."

Napa-pout naman si Soonyoung. "Hindi mo na ako love."

Pareho naman silang natigilan dahil sa sinabi ni Soonyoung.

Mahabang panahon din naman ang nawala, kaya hindi na sanay si Jihoon sa biglaang pagsasabi ni Soonyoung ng mga ganoong bagay. It's weird, but it actually felt good to hear those words coming out from Soonyoung's mouth. It's good to hear him say those words, and it's good to see Soonyoung in his room after a long time, talking to him like nothing went wrong before. Masaya si Jihoon. Ito iyong kasiyahan na hindi niya maramdaman sa loob ng panahon na hindi niya kasama ang pinakamatalik niyang kaibigan.

Ito iyong kasiyahan na kahit nandiyan si Seungcheol sa tabi niya, ay hindi ito mapupunan.

Tumikhim muli si Jihoon para mabawasan ang awkwardness na nabuo sa pagitan nila. Magsasalita pa lamang siya nang biglang bumukas ang kuwarto ni Jihoon at may pumasok na kapre--este-- pumasok si Mingyu. Hindi na nagbago itong taong ito. Hayst.

"Jihoonie hyung!!" tumakbo ito papunta sa nakahigang si Jihoon at niyakap ito ng mahigpit. "Na-miss kita! Isang linggo rin kitang hindi nakita! Pero grabe hyung, ang ganda sa Japan!"

Napailing na lamang si Jihoon at umayos ng higa para mayakap din si Mingyu. (GyuHoon my ferents) Magkatabi silang dalawa ngayon habang ang ulo ni Jihoon ay nasa dibdib ni Mingyu, at ang ulo naman ni Mingyu ay nasa buhok ni Jihoon at sinisinghot-singhot pa siya nito. Na-miss din naman ni Jihoon ang kakulitan ng lalaking ito.

Natawa naman si Jihoon nang maramdamang mas humigpit ang yakap sa kaniya ni Mingyu. Naramdaman pa niyang nabasa ang anit niya, kaya naman paniguradong mag-dadrama na naman itong si Mingyu.

"Na-miss talaga kita, Hoonie," naiyak na sabi ni Mingyu. "Naku, kapag nakita talaga ako ni Seungcheol hyung, lagot ako roon. Pero Hoonie hyung! May pasalubong nga pala ako!"

Tumayo bigla si Mingyu at umupo sa kaniyang kama. Jihoon did the same at pinanood niya ito na nagkakalkal sa travelling bag niya na nakapatong sa kama ni Jihoon ngayon. Napailing naman si Jihoon nang makita na may mga damit pa iyon, halatang dito dumiretso si Mingyu sa halip na umuwi muna.

NEMESIS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon