100 • smile flower

258 10 5
                                    

smile flower

Jihoon heaved a sigh as he tightened his grip on the box he was holding before taking the last step on the stairs, the last step that would lead him to the person he longed for a long time. 


Ilang minuto na rin siyang nakatayo lamang doon at nakatitig sa sahig, iniisip kung tutuloy pa ba siya o hindi. Sobrang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib at parang sandali na lang ay lalabas na iyon sa kaniyang dibdib. Natatakot siya, ngunit hindi niya alam kung bakit. 

 Natatakot ba siya na baka sa pangalawang pagkakataon ay hayaan lamang muli siya ni Soonyoung na umalis? Na sa pangalawang pagkakataon ay bibitawan niya muli ang mga kamay nito? Na sa pangalawang pagkakataon ay maglalakad na naman siya papalayo habang pumapatak ang mga luha sa kaniyang mga mata? 

Hindi niya alam. Basta natatakot siya na maulit na naman ang huli nilang pag-uusap. 

"I love you, Seokkie, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka." 

 Natigilan sa paglalakad si Jihoon at natulala siya sa dalawang magkayakap sa harapan niya ngayon. Parang biglang nahulog ang kaniyang puso, kasabay ng pagpatak ng kaniyang luha nang narinig pa ang kasunod nito. 

 "I love you too, hyung." 

 Tangina. 

 Kaagad na tumalikod si Jihoon at dali-daling bumaba ng apartment block ni Soonyoung. Mahigpit ang hawak niya sa kahon habang mabilis ang pagpatak ng luha mula sa kaniyang mga mata. 

 Nang makababa ay tumigil siya sa tagiliran ng daan at tumingala sa makulimlim na langit. Hindi ba kapag tumitingin sa langit ay napipigilan nito ang pagluha? Kaya bakit kahit ngayong nakatingala siya ay patuloy pa rin sa pagpatak ang nga ito? Bakit sobrang sakit ng kaniyang dibdib, na para bang may pumipiga sa kaniyang puso? 

 Sa pangalawang pagkakataon, nangyari ang mga bagay na ayaw niya. Muli siyang humakbang palayo kay Soonyoung na may pumapatak na luha sa kaniyang pisngi. 

 At sa pangalawang pagkakataon, si Seokmin pa rin. 

 Hindi siya.  

"Tangina ka kasi Jihoon, ba't ka pa umaasa? E, alam mong may mahal nang iba?" 

Akala niya, sa paglipas ng panahon ay may mababago sa tadhana nilang dalawa. Hiniling niya na sana sa istoryang ito, ay silang dalawa ang bida, at isang masayang wakas ang kahahantungan nila nang magkasama. 


 Pero kabaligtaran ang nangyari. 

 "Gusto ko lang naman maging masaya," lumuluhang sambit ni Jihoon. "Hindi ba puede 'yon?"

 At kung sinusuwerte ka nga naman, na kasabay ng pagbuhos ng mga luha niya ay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi habang inilalahad niya ang kaniyang kamay upang damhin ang bawat patak ng ulan. 

 Ito ba ang sagot ng langit sa tanong niya? Isang malakas na buhos ng ulan, para sa kahilingan niyang maging masaya? 

 "Jihoon." 

 Napamulat siya at napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nakita niya si Soonyoung na nakatayo ilang metro ang layo sa kaniya, habang nakangiti at nababasa rin ng ulan. Bakas sa mukha nito ang saya, kaya naman parang piniga ang puso ni Jihoon sa napagtanto niya na kahit kailan ay hindi siya magiging rason upang maging masaya nang ganito si Soonyoung. 

Kahit pa ibigay niya ang buong puso niya rito, kung hindi naman talaga siya, malamang ay hindi nito iyon tatanggapin. Dahil hindi naman puso niya ang kailangan ni Soonyoung.

NEMESIS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon