094 • home

158 6 8
                                    

Hi ~ please listen to SEVENTEEN's Home while reading this chapter. Thank you ~

'yung lyrics ehem. hehehe.

home

Unang-una, bakit nga ba tinanggap ni Seokmin ang feelings ni Soonyoung kahit hindi naman niya talaga ito gusto?

Ang una niyang dahilan, gusto niyang mapagselos si Jeonghan at Jihoon. Mahal pa niya si Jeonghan, kaya naman gusto niya na magselos ito para umamin sa kaniya and boom, magkakabalikan sila. Ika nga, desperate times need desperate measures. Hindi niyo siya masisisi dahil mahal na mahal pa niya ang lalaki, at kinailangan lang talaga niyang iwan ito.

Si Jihoon? Bakit niya papagselosin?

Pansin na naman niya na hindi lamang pagiging kaibigan ang tingin ni Soonyoung at Jihoon sa isa't-isa. Sobrang obvious nito sa mga nakakakita, pero sila mismong dalawa ang hindi ito nakikita. Palibhasa, tumanim na sa utak nila na ang tanging mayroon lamang sa pagitan nilang dalawa ay pagkakaibigan.

Hindi man lamang gumuhit sa isipan nila na baka mas malalim pa sa pagmamahal ng kaibigan ang nararamdaman nila para sa isa't-isa.

Iniisip ni Seokmin na kapag makita ni Jihoon na may iba nang bininigyan ng atensyon si Soonyoung, baka may something na ma-trigger sa loob nito. Pati nga si Minghao, iyon din ang gusto kaya palagi itong nag-a-advice kay Jihoon tungkol sa mga ganoon bagay.

Hindi lang alam ni Seokmin na may malalim na pala na koneksyon si Jihoon at Seungcheol, at hindi niya iyon nagawan ng paraan.

At hindi rin alam ni Seokmin na ma-a-attach siya nang sobra kay Soonyoung, to the point na ayaw na niya itong pakawalan at ipaubaya.

He became selfish. Mahal niya si Jeonghan, at gusto niya si Soonyoung, at ayaw niyang mawala sila pareho sa kaniya.

Where did that selfishness lead to? To all their heartbreaks. Si Seungcheol, si Jeonghan, si Soonyoung, si Jihoon, at si Seokmin.

What could have happened if he rejected Soonyoung?

Akala niya, magagawan niya ng paraan para mapasaya ang pinsan niya. But he ended up hurting everyone around him.

Tanga-tanga mo kasi, Seokmin.

"Soonie, nasa'n ka na ba?" nag-aalalang bulong ni Seokmin sa kaniyang sarili.

Naikot na niya ang buong school pero wala siyang nakita ni anino ni Soonyoung. Hindi pa siya nakakapagbihis at naka-toga pa siya na pinang-graduate niya. Sa halip na umuwi muna ay hinanap niya muna si Soonyoung, dahil nang makita niya si Jihoon ay naglalakad na ito paalis sa garden kung saan sila nag-usap ni Soonyoung. Pagdating naman niya sa garden ay wala na roon ang kasintahan.

Kasintahan.

Natawa si Seokmin sa naisip niyang iyon. May karapatan pa ba siyang tawagin na kasintahan nito, kung iba naman na ang nagmamay-ari ng kanilang puso?

But for now, since they have nothing to lean on to, they'll find solace within each other for the mean time.

Since Soonyoung is the place where Seokmin can go to, and Seokmin is the place where Soonyoung can come to.

Frustrated na napaupo sa tagiliran ng hallway si Seokmin at napasapo ng ulo. Sisigaw na sana siya nang malakas nang biglang bumukas ang pintuan ng music room na ilang pinto lamang mula sa kinauupuan niya at lumabas doon si Seungcheol na umiiyak.

Lalapitan na sana niya ito nang nanatili itong nakaluhod at umiiyak, pero dumating na si Chan kaya naman hinayaan na niya ito at umalis na lang siya papunta sa locker room. Nandoon pa naman ang PE uniform niya kaya iyon na muna ang susuotin niya habang hinahanap si Soonyoung.

Nang makapagpalit ay kaagad niyang tinawagan si Soonyoung ngunit hindi nito sinasagot ang tawag niya. Naka-ilang texts na rin siya pero hindi pa rin ito nagre-reply. Hindi na siya mapakali dahil baka may mangyaring masama rito.

Saan ba kasi pumupunta si Soonyoung sa mga ganitong sitwasyon?

Nagpatuloy siya sa paglalakad sa tabi ng kalsada. Madilim na ang paligid, at ang huling check niya ng oras ay alas-siyete na. Ni hindi na siya nakauwi para mag-celebrate kasama ang pamilya niya.

"Soonyoung, nasa'n ka na baaaaaa?" gosh, nababaliw na si Seokmin.

Nawawalan na siya ng pag-asa na mahahanap pa niya ang nakatatanda, kaya tumigil siya sa pag-lalakad. Tinignan niya kung nasaan siya.

Sa harap ng abandonadong gusali.

...

...

"Oh my god! Abandonadong gusali! Shet, Seokmin, ba't nakalimutan mo?!"

Dali-dali siyang pumasok doon. Sobrang dilim, walang kailaw-ilaw, kaya binuksan niya ang flashlight ng phone niya para makita ang daan paakyat. Kailangan niyang makarating sa rooftop.

Nang makarating sa rooftop ay tumigil muna siya at hinabol ang hininga, bago lumapit kay Soonyoung na ngayon ay nakaupo sa tagiliran ng rooftop, at kapag may nagtulak dito, paniguradong malalaglag ito. Kaya naman sinigurado niyang hindi ito magugulat.

"Soonyoung hyung, nandito ka lang pala."

Seokmin expected Soonyoung to not ve surprised, pero siya mismo ang nasorpresa nang lumingon ito sa kaniya na punong-puno ng luha ang mga mata. Hindi agad siya nakapagsalita.

"S–Seoku?" pinunasan ni Soonyoung ang kaniyang mga luha. "Hinanap mo ako?"

Nasasaktan si Seokmin sa nakikita niya. "Oo, Soonie... kanina pa pagkatapos niyo mag-usap ni Jihoon hyung..."

Nagpakawala ng malalim na hininga si Soonyoung at umiwas na ng tingin. Mas lalong kumirot ang dibdib ni Seokmin dahil alam niyang may nangyari sa pag-uusap ng kasintahan niya at ng pinsan niya.

Umupo sa tabi ni Soonyoung si Seokmin at hinawakan niya ang kamay nito.

"You can tell me everything."

Narinig niyang suminghot si Soonyoung, kaya alam niyang umiiyak na naman 'to.

"Jihoon is in love with me."

Parang gumuho ang mundo ni Seokmin sa narinig, pero kahit papaano ay masaya siya, dahil finally, na-realise na ni Jihoon ang feelings niya para kay Soonyoung.

"Mahal mo ba siya?"

Seokmin was expecting Soonyoung to answer something like "Ikaw ang mahal ko," but instead, the older answered,

"Hindi ko alam."

Ayos lang kay Seokmin na marinig iyon, pero masakit pa rin naman.

Siguro kabayaran 'to sa lahat ng katangahang ginawa niya sa mga tao sa paligid nila.

Nanatili na silang tahimik pagkatapos noon, pero ang mga kamay nila ay magkahawak pa rin.

Bakit gano'n?

Magkahawak kamay sila, pero bakit hindi nararamdaman ni Seokmin na may kasama siya?

Napakaraming gustong sabihin ni Seokmin kay Soonyoung, pero hindi na lang siguro niya sasabihin. Hindi ngayon ang tamang panahon para sabihin niya iyon. Masiyado pang nasasaktan si Soonyoung, at ayaw na niyang dumagdag pa.

"Seokmin..." nagulat si Seokmin nang tawagin siya nito, at mas nagulat pa dahil tinawag siya nito sa buo niyang pangalan. Soonyoung never called him like that. It was always Seok, Seokkie, Seoku, or Minmin. Never Seokmin.

Tumingin siya kay Soonyoung at nakita niya ang sobra-sobrang lungkot sa mga mata nito, pati na ang mga luha nito na hindi pa tumitigil sa pagtulo.

Hindi gustong umiyak ni Seokmin, dahil ayaw niyang maging mahina sa harapan ni Soonyoung.

Ngunit ang kasunod na sinabi ni Soonyoung ang nakapagpatulo sa mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

"Let's break up."

x

NEMESIS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon