037

162 7 8
                                    

9:59 p.m.

Calling Jigoon...

beep.

connected.

"Hello--"

"LEE JIHOON!"

"...damn."

"OH MY GOD."

"Soonyoung, pang-isang daang oh my god mo na 'yan simula kaninang lunch."

"DIYOS KO PO."

"Iniba mo lang ang language, gago."

"ASDFGHJKL. HINDI PA RIN AKO MAKAPANIWALA!!"

"Please lang, utang na loob, maniwala ka na. Patulugin mo na ako."

"NANANAGINIP BA AKO, JIHOON?"

"Gusto mo bang puntahan pa kita diyan at sapakin para malaman mo na hindi 'to panaginip?"

"P-PERO KASI--"

"I get it. I get it, okay? Hindi ka pa rin makapaniwala na may 'something' na kayo ni Seokmin samantalang noon ay tinitignan mo lang siya sa malayo at akala mo ay wala kayong pag-asa dahil hanggang magkaibigan lang kayo."

"TAPOS--"

"Tapos tinanggap niya agad ang feelings mo kahit akala mo ay magagalit siya at lalayuan ka niya pero hindi niya ginawa 'yun. Sobrang saya mo, alam ko. Kaya please lang matulog ka na at matutulog na rin ako."

"Teka Jihoon!"

"May kulang pa sa sinabi ko?"

"Wala. Hehe."

"Ano na naman 'yun?"

"Ganito kasi..."

"..."

"Nahihiya pa ako kay Seokmin..."

"Walanghiya ka naman Soonyoung kaya kaya mo na 'yan."

"Ehhhh. Baka mahimatay ako kapag kasama ko s'ya! Ayaw ko namang mangyari 'yun."

"...naka-pout ka ba ngayon?"

NEMESIS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon