025 • 9:00

235 8 8
                                    

9:00

"KWON SOONYOUNG!! LEE JIHOON!! GISING, GISING!!"

Soonyoung sat up groggily, yawning in the process then glancing at Jihoon who was still sleeping soundly beside him unbothered. Napatingin naman siya nang masama sa kung sinong Poncio Pilato ang gumising sa kaniya at mas lalo lang sumama ang timpla niya sa nakita.

"Kim Mingyu, paano ka nakapasok dito?"

Mingyu sat up and grinned widely at him. "Kasi... may duplicate key ako ng apartment ni Jihoon hyung?"

"What?!" sa gulat niya ay nabato niya ng unan si Mingyu. "Bakit ka may duplicate key?!"

Unfortunately, ang unan na nahila niya ay ang unan na ginagamit ni Jihoon. Kaya naman natahimik si Soonyoung at Mingyu nang dahan-dahang bumangon si Jihoon, habang nakapikit pa. Nang magmulat ay kunot-noo itong tumingin kay Soonyoung, pagkatapos ay kay Mingyu. Unlike Soonyoung, hindi man lang ito nagulat na nandoon si Mingyu kaya nagtaka tuloy siya kung binigyan niya ba talaga ito ng duplicate key sa apartment niya.

"Mingyu, ano na naman?" mahina at inis na tanong nito. "Sino na namang kasama mo? May pasok tayo ngayon, kingina. Spare me."

"Kasama ko si Seokmin!" nakangiti pa ito.

Teka, sino raw ang kasama niya?

Sino raw?

"Nasa'n si Seok? Nahiya pa s'ya, hindi na lang s'ya pumasok sa k'warto ko," iritado pa rin si Jihoon.

Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang mundo at buhay ni Soonyoung.

Teka, nakaupo naman si Jihoon sa tabi niya, a?

Edi ang isa pang mundo at buhay ni Soonyoung. "Hi Jihoon hyung! Sabi sa 'yo Mingyu walang paki 'yang si Jihoon hyung kahit pumasok ako. Ay, hi rin Soonyoung hyung!"

Tumigil ata sa pagtibok ang puso ni Soonyoung. "H-hi S-seokmin."

"Ano na namang kailangan niyo?" Jihoon glanced at his alarm clock. "Alas-siyete pa lang, for Pete's sake."

Lumapit si Seokmin sa kanila at umupo sa harapan ni Jihoon, which is sa tabi ni ni Soonyoung. "Nakalimutan kong ibigay sa 'yo ang gift ko, hyung," nakangiti ito na parang may binabalak. "Tatanggapin mo ba kapag binigyan kita ng regalo?"

Umiling si Jihoon. "No."

"I know right?" siniko nito si Mingyu. "Kaya may regalo ako na ibibigay sa 'yo na siguradong magugustuhan mo. Think of it as a birthday and Christmas present in one!"

"Anong kalokohan na naman 'yan?" Jihoon asked suspiciously.

Mingyu came to defense. "Hindi 'to kalokohan! Actually, kasama ako sa regalong 'to kaya give me some credit Seok!"

"Marunong ka palang mag-English?" Seokmin teased. "Ayun nga, regalo namin 'to ni Mingyu. Hehe. Kaso sa December pa siya maiibigay, okay lang?"

"Tangina," napahilamos ng mukha si Jihoon. "E bakit inabala niyo pa kami ngayon kung sa pasko pa pala 'yan?!"

"Dahil..." tumingin si Seokmin kay Mingyu at kumindat.

Mingyu grinned stupidly. "Kailangan ngayon pa lang malaman mo na. December 24 hyung, save the date!"

Umirap lang si Jihoon.

Sa kabilang banda naman, nakaupo pa rin si Soonyoung at tahimik lamang na nakikinig sa usapan nilang tatlo. His heart is beating fast, sa sobrang bilis nga ay parang sasabog ito. Nariyan na ang buong zoo sa tiyan niya at ang nerbyos na nararamdaman niya dahil kingina, katabi niya si Seokmin ngayon. And to make it worse? Magkadikit ang mga hita nila. Patuloy pa sa paggalaw si Seokmin kaya naman sobrang pula na ng mukha ni Soonyoung.

NEMESIS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon