070 • love

135 4 2
                                    

love

"Sorry," narinig ni Seokmin na bumuntong-hininga ang lalaki sa kabilang linya. Iyon na lang din ang nagawa niya.

"Ayos lang, hyung," ngumiti siya, kahit alam naman niyang hindi iyon makikita ng kaniyang kausap. "Hindi mo na kailangang mag-sorry."

Narinig pa niya na mahina itong nagprotesta kaya napatawa na lamang si Seokmin. "Pero kasi, 'di ba birthday mo ngayon? Hindi man lang tayo makakapag-celebrate nang magkasama. Sina mama naman kasi eh."

"Soon hyung, 'wag mo na sisihin mama mo," natawa muli siya. "Okay lang naman sa 'kin kahit sa ibang araw na lang tayo mag-celebrate. Basta kasama kita, okay?"

"Sorry talaga Seokkie!" suminghot pa si Soonyoung. "Teka, paalis na raw kami. Huhu, babye Seokkie ko."

"Ingat ka hyung," Seokmin sighed for the second time around. "Pasalubong ha--" ngunit hindi na niya natapos ang sasabihin dahil binabaan na siya nito ng telepono.

Napabuntong hininga na naman si Seokmin bago itinabi sa kaniyang bulsa ang kaniyang cellphone. He then took out his earphones and shuffled through his songs. Dinampot na rin niya ang kaniyang bag at saka naglakad palabas ng kaniyang kwarto. Pagbaba niya ng kusina ay naabutan niya ang kaniyang ina na nakaayos at mukhang may pupuntahan.

"Sa'n punta mo, ma?" tanong niya habang kumakain ng sandwich na ginawa ng kaniyang ina. "Bihis na bihis, ah."

Napakunot naman ang noo ng mama niya at tumingin sa kaniya na parang nagtataka. "Ikaw? Bakit hindi ka pa bihis?"

"Bihis na ako, ma. May pasok ako ngayon," natatawang sagot niya rito. "May nakalimutan ba ako? May pupuntahan ba tayo ngayon?"

At tuluyan nang kumunot ang noo ni mama Lee. "Ang sabi ni Soonyoung, nasabi niya na sa 'yo. Matagal na. Ba't parang hindi mo alam?"

"Alin ba kasi, Ma? Tinatakot mo ako eh," tumayo siya mula sa dining table at pumunta sa may ref upang kumuha ng fresh milk. #ritskid "'yung pa-probinsya siya? Yeah, nasabi niya na sa 'kin kanina."

Inagaw naman ni mama Lee ang hawak niyang gatas at ipinatong iyon sa lababo. "Probinsya? Hindi naman siya pa-probinsya lang. So, hindi pa talaga sa 'yo sinabi ni Soonyoung."

"Ma, naman. Nainom ako eh," inabot niya muli ang gatas ngunit pinigilan muli siya ni mama Lee. "Maaaaa."

"Makinig ka nang mabuti, Seokmin, kung mahal mo talaga 'yang manliligaw mo," pagdadrama ni mama Lee. Napangiwi na lang si Seokmin. "Hindi papuntang probinsya si Soonyoung. Papunta siyang London ngayon dahil nakakuha siya ng scholarship sa isang arts school doon. Kaya ako nakabihis ay dahil ihahatid natin siya sa airport. Tinawagan ako ng tatay ni Soonyoung, alam mo namang close kami no'n 'di ba? Kaya bilisan mo nang mag-ayos! Baka hindi na tayo makaabot--"

"Anong sabi mo, ma?" napatanga na lamang si Seokmin at wari'y hindi maproseso ang sinabi ni mama Lee.

Napa-facepalm naman si mama Lee. "Mamaya ka na mag-drama, Seok. Kailangan na nating umalis--"

Hindi na niya hinintay pa si mama Lee at kaagad nang tumakbo si Seokmin palabas ng bahay. Kaagad siyang sumakay sa kaniyang motor at pinaharurot iyon ng takbo.

Hindi niya alam kung bakit ganito na lamang ang naging reaksiyon niya nang marinig na aalis si Soonyoung. Okay, nililigawan pa lamang naman siya nito, wala pa silang label kaya wala siyang dapat panghawakan. Kaya bakit nagmamadali siya na para bang iiwan siya ng kaniyang asawa at hindi na babalikan kailanman?

Posible kayang-?

Napailing si Seokmin. Sa sitwasyon ngayon, mas mahalagang maabutan niya muna si Soonyoung kaysa mag-isip pa siya ng lahat ng posibilidad kung bakit siya nagkakaganito.

NEMESIS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon