Minsan sa dinami-dami ng mga tala, sa dinami-dami ng tao sa madla
Sayo rin pala babagsak ang puso kong umaasa, sayo rin pala ako may mapapala
O tadhana, bakit kay saklap mo? Bakit kay strikto mo?
Bakit ba pilit mo kaming pinaglalayo ng taong mahal ko?
•••Chwe Hansol as
HimselfYou as
[Your Name (Y/N)]•••
Vernon's POV
Mayroong dalawang bagay akong natutunan mula sa pag-ibig.
Ang magsakripisyo sa ngalan ng pag-ibig.
At ang maging matapang na gumawa ng desisyon sa ngalan ng pag-ibig.
Bakit 'yon ang natutunan ko?
Kasi yun ang mga ginawa ko noong kasama ko pa siya.
Bakla nga siguro ako kung malalaman ninyong parati akong umiiyak ng dahil sa kanya.
Lalo na kapag nag-aaway kaming dalawa. Lalo na kapag paulit-ulit kong naririnig sa kanya na immature ako, na ang oa ko, ang moody ko.
Pakiramdam ko na-take advantage lang ako that time. Pero noong iniwan ko na siya, nalaman ko din na, mahal pala talaga niya ako. Pero hindi ako nagsisi. Kasi may napala rin naman ako.
"A-ano, Aemie, g-gusto kita." Pag-amin ko habang nakatungo. Nahihiya pa akong umamin no'n kasi nasa loob kami ng silid-aralan.
Napatingin sa amin ang ilan sa aming mga kaklase. Tila ba nanonood sila ng isang romantic movie.
"Dino," Pagtawag niya sa pangalan ko.
Parang tinatambol ang dibdib ko sa bilis ng tibok ng puso ko. Napatingin ako sa kanya. Parang matutunaw ako sa mga titig niya.
"Gusto rin kita."
Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng umamin siyang gusto niya rin ako.
Napayakap ako sa kanya ngunit bumitaw rin dahil bawal pa.
"S-sorry." Saad ko habang napapakamot na lang sa ulo.
"Okay lang." Saad niya habang nakangiti.
Napapapikit na lang ako sa tuwing maaalala ko ang araw na yon. Pinagsisisihan kong umamin ako sa kanya. Kung alam ko lang na ganto ang mangyayari.
"Ano ba, Vernon? Nag-uusap lang kami!"
"Nag-uusap? Ganon ba ang nag-uusap? May hampasan? May yakapan? May halikan? Wow! Huli na pala ako sa uso. Yun na ba ang uso ngayon ha?"
Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya.
"Ang sama mo, Vernon!" Singhal niya saka nagwalk-out.
Sana hindi na lang ako humingi ng tawad nun kung alam kong maulit lang yung bangayan.
"Aemie, let's break up."
Mabilis siyang tumayo sa kanyang kinauupuan at iniwan ako sa cafeteria.
Napadukdok na lang ako sa lamesa habang tahimik na umiiyak.
Tang in* ako yung nakipag-break pero siya pa yung may ganang mag-walk out?
Log in|Facebook
[News Feed]
Aemie Santillan
May lalaki pa bang hindi nang-iiwan?
1 hour ago • Public • Facebook Lite
70 reactions • 6 comments
Like • React • Comment • Share
"Vernon, anak. Aalis na tayo." Pagpapaalam ni Mommy sa'kin.
Nasa kwarto ako ngayon habang nakatingin sa litrato namin ni Aemie.
Naramdaman ko na lang na tinabihan ako ni mama sa kama.
"Anak, move on na. Mag-iisang taon na oh. Wag kang mag-alala. Matututo rin yan." Nakangiting saad ni Mommy.
Niyakap ko na lang siya at muling napaiyak. Hinagod naman ni mama yung likod ko para pagaanin ang nararamdaman ko.
•End•
YOU ARE READING
SEVENTEEN Imagine Stories
FanfictionSEVENTEEN is a KPOP Boy Group that stan by million of fans called 'Carat'. This Korean boy group has their different talents, and unique skills that showcase their synchronized performances and amazing vocals. This story is an imagine story in which...