Sasayaw ako ayon sa himig at tugtog
Sasayaw ako ayon sa himig ng pusong tumitibok
Kasabay ng sayaw ng ilaw na paiba-iba ang kulay
Kasabay ng pangarap na hindi maghihiwalay.
•••
Kwon Soon Young/Hoshi as
HoshiYou (Reader) as
[Your Name (Y/N)]•••
Hoshi's POV
"Tama ba 'tong ginagawa ko, Soon?" Tanong mo habang tinitingnan ako sa salamin.
"Hoy, Soon!" Pagtawag mo sa akin ng makalapit ka na.
Napatingin ako sa'yo na tila ba wala sa ulirat.
"Kanina pa kaya kita tinatanong saaka tinatawag. Tila ba kung utak mo nag-fly away sa kung saan."
Napansin mo siguro na wala ako sa huwisyo na makipagtalo.
"May problema ba, Soon?"
Napabuntong-hininga na lang ako.
"Sabihin mo na, Soon. Kinakabahan ako sa'yo." Animo.
Ngumiti naman ako kahit na nalulungkot.
"Aalis na ako, mamaya. Tutuparin ko na ang pangarap kong maging idol." Wika ko sa'yo habang tinitimpla ang emosyong umukit sa mga mata mo.
Naramdaman kong nagbago nang bahagya ang atmospera sa dance studio.
"Hmm, okay lang yan, Soon. At least, maabot mo na pangarap mo." Turan mo habang tinatapik ang balikat ko.
Ngumiti ako sa'yo. Ganoon din ikaw. Ngunit alam kong malungkot ka kasi lilisan na ang best friend mo.
"Kaya mo 'yan, Soon! Susuportahan kita! Wag kang mag-alala susunod ako doon!" Dinig kong sigaw mo habang papalapit na ko sa sakayan ng eroplano.
Napangiti ako sa sinabi mo kaya gaya ng ipinangako ko sa sarili ko't sa'yo na rin, ay tinupad ko ang pangarap ko.
Nag-debut ako, kasama ang doseng iba pang miyembro nang sikat na ngayong grupo---ang SEVENTEEN. At ang ngalan ko ngayon ay Hoshi. 'Yon ay stage name ko lamang ngunit hindi pa rin magbabago ang totoo kong ngalan.
Hinihintay ko siya. Sa paglipas ng panahon, hinintay kita't sinubukang kontakin ngunit wala.
Pati ang mga dating nating mga kaibigan ay kinausap ko na't tinawagan ngunit kahit sila'y walang balita sa'yo.
"Hoshi, magsisimula na ang concert." Ani S.Coups-hyung, ang leader namin sa grupo.
Ngumiti ako na halos maging isang linya na lang ang aking mata.
Napabuntong-hininga naman ako at ayun na nga, nag-umpisa na ang concert namin dito sa Pilipinas.
Sa hindi sinasadyang paglingon ko habang kami ay sumasayaw, napadako ang aking mga mata sa isang pamilyar na mukha.
Nakangiti ka habang isinisigaw ang pangalan ko, at habang hawak ang banner kung saan naka-handwritten naman ang pangalan ko.
Napangiti ako ng makita kita sa mga manonood.
Ikaw na nga. Narito ka nga. Sumunod ka nga't ngayon ay nakikita na kita.
Dumating sa puntong nagkaroon ng solo stage ang bawat miyembro.
YOU ARE READING
SEVENTEEN Imagine Stories
Hayran KurguSEVENTEEN is a KPOP Boy Group that stan by million of fans called 'Carat'. This Korean boy group has their different talents, and unique skills that showcase their synchronized performances and amazing vocals. This story is an imagine story in which...