Bawat mga pangarap ay siguradong ating maabot
Bawat pagmamahal na inaasam ay siyang ating makakamtan
Kung minsan ang panaginip ay nagkakatotoo
Paano pa kaya yung simpleng kahilingan ng mga simpleng tao?
•••
Xu Minghao/Seo Myungho/The8 as
HimselfYou as
[Your Name (Y/N)]•••
Isang masayang balita ang dumating sa inyo. Nagpadala daw ang kamag-anak mo ng pera, ang kalahati nito ay paghahatian niyo ng magkapatid at ang kalahati naman ay para sa bahay.
Saktong-sakto ang pera na iyon para sa nalalapit ma concert ng paboritong mong Korean Boy Group na Seventeen.
Masayang-masaya ka kasi makikita mo na sila. Pati na ang elementary schoolmate mo noon na si Seo Myungho, a.k.a., The8.
Close kasi kayong dalawa kaya ganun na lamang ang tuwa't pagkaproud mo sa kanya ng malaman mo na makakasama siya sa pinapangarap niyang debut sa Korea.
-Months later-
Dumadagundong ang buong arena sa tilian at hiyawan ng mga fans na naroroon.
Hindi magkamayaw ang pagsigaw nila sa pangalan ng bawat miyembrong kanila ring iniidolo.
Habang ikaw, nanatili ang atensyon mo sa iisang tintibok ng iyong puso.
Nakangiti ito habang kumakanta. Kinakanta niya ngayon ang paboritong mong kanta na pinamagatang 'Smile Flower', na kasama ang iba pang miyembro sa Seventeen.
Nang matapos ang kanta ay hindi pa rin naalis anh mga tingin mo sa kanya.
Napansin mong tumingin siya sayo kaya kinawayan mo siya. Ngunit nagpanggap lamang siya na hindi ka nakita?
Nagdaan na ang ilang performances ng grupo at ngayon ay nagsisimula na silang magpaalam.
Bumalik na sila sa backstage at sinubukan mong habulin siya ngunit hinarangan ka ng mga nakaassigned na security ng grupo.
"Myungho! Myungho! Wait!" Sigaw mo.
Napatigil naman siya sa paglalakad at nilingon ka.
Dahan-dahan itong lumapit sayo. Kaya binitawan ka na ng dalawang sekyu.
Agad mo siyang niyakap, ngunit wala kang natanggap na pagyakap pabalik.
Agad kang humiwalay sa kanya at tiningnan siya sa mata.
"M-Myungho..."
Matalim itong nakatingin sa'yo.
"Y/N, let's end this." Saad niya, at tinulak ka palayo sa kanya.
Na-estatwa ka naman sa sinabi niya. Inisip mo na baka nagbibiro lamang siya ngunit alam mong totoo na yun dahil hindi marunong magbiro ang isang Seo Myungho.
"I can't handle our relationship anymore." Dagdag pa nito na mas lalo pang nagpasikip sa dibdib mo.
Agad siyang tumalikod nang mag-umpisa nang maghabulan ang yong mga luha.
Dahan-dahan siyang lumalayo sayo. Habang ikaw, nanatiling nakatingin sa likuran niya, hinihiling na sana hindi na lang iyon totoo, na sana tumigil siya't sabihin na nagbibiro lang siya.
At para bang isang nasagot na dasal ang nangyari. Tumigil nga ito ngunit hindi lumilingon.
"Y/N. Wake up." Saad niya.
Napanganga ka sa sinabi niya.
"W-what?" Nagugulumihanang tanong mo.
"Y/N, WAKE UPPPPPPPPPPPPPPP!!!!!!!"
Napabalikwas ka sa yong higaan ng may kung sinong engkantong nagkataong tao ang sumigaw sa tenga mo.
Matalim mong tiningnan iyon ngunit binawi mo rin ang yong mga tingin ng makita kung sino ang lumapastangan sa masarap mong pagkakatulog.
"Eomma! Why did you wake me up? Its too early!" Pagmamaktol mo habang nagta-tantrums sa kama.
"Too early? Do you know what time is it already? And yet you're still sleeping? Its already 6 in the evening! My ghad! Y/N!" Saad ng mama mo habang nagwowalk out sa kwarto mo.
Napakamot ka na lang ng ulo dahil sa narinig mo. Hihiga ka na sana ng muling sumigaw ito.
"Dare to sleep again or I'll put your bed outside of our house." Banta ng mama mo.
Dali-dali kang napatayo at nagtungo sa kusina.
•End•
YOU ARE READING
SEVENTEEN Imagine Stories
FanfictionSEVENTEEN is a KPOP Boy Group that stan by million of fans called 'Carat'. This Korean boy group has their different talents, and unique skills that showcase their synchronized performances and amazing vocals. This story is an imagine story in which...