Tanda ko pa ang paborito mong timpla
Ikaw mismo yung naghahanda nito para sa ating dalawa
Mapait man sa una, masarap naman at matapang sa panlasa
Parang ikaw mahal, hindi paasa't mapagkakatiwalaan pa.
•••
Main Characters:
Jeon Wonwoo as
WonwooKim Mingyu as
Mingyu•••
(A/N: BL)
Nakikita ko na siya. Natatanaw ko na ang mala-fox niyang mga mata. Pati yung kakaibang ngiti niyang nakaukit sa kanyang mukha. Hindi ko talaga lubos maisip na dadating ang araw na makakasama ko siya.
"Kanina ka pa ba, Gyu?" Tanong sa akin ng ginoong nasa harapan ko na ngayon.
Kanina ko pa siya hinihintay. May usapan kasi kaming dalawa na lalabas kami. At ngayon ang unang beses na lalabas kami. Kaya masaya ako.
"Hindi naman. Tara na?" Pag-aya ko sa kanya.
Agad niyang hinawakan ang kamay ko.
Ang sarap aa pakiramdam na ikakasal na kayong dalawa. Yung magbubuklod na yung puso niyong matagal na umasa't nakipagsapalaran sa mga naghahamon na mga tala.
"Isang linggo na lang, Gyu. Magsasama na tayo." Kinikilig na saad niya. Napangiti ako sa sinabi niya.
"WOOOOHHHHH!!!! OO NA YAN!" Sigawan ng mga tao sa mall kung saan kami nagtatrabaho. Isa ito sa mga paborito kong araw.
"A-ano, Woo? Will you m-marry me?" Nanginginig na tanong ko.
Natatakot ako na baka sumagot siya ng hindi. Ang laki ng gastos ko para rito. Mahigit tatlong taon kong pinag-ipunan yung tarpaulin para sa tanong, yung confetti, yung pamovie kuno kahit di natuloy, yung paflowers, pati na yung diamond ring.
Natatakot ako kasi baka sumagot siya ng hindi. Ni wala akong nakikitang reaksyon o emosyon sa mga mata niya ngayon.
"Oo, Gyu. Oo." Nagulat ako ng sumagot siya. Saka ko lang napansin na kanina pa pala tumutulo ang mga luha niya.
Agad kong sinuot ang singsing sa kamay niyanat agad ko rin siyang niyakap.
Hindi ko na marinig ang hiwayan ng mga tao dahil sa sayang nadarama ko ng mga panahon na yun.
"Gyu, ilang anak ba gusto mo?" Pagtatanong niya ng makarating na kami sa restaurant na pinareserve ko mismo.
"Anak agad, Woo? Diba pwedeng planuhin muna natin kung saan tayo maghahoneymoon." Taas-baba ng aking kilay sa pagtugon sa kanya. Agad niya akong sinuntok dahil sa kapilyuhang sinambit ko.
•End•
YOU ARE READING
SEVENTEEN Imagine Stories
Hayran KurguSEVENTEEN is a KPOP Boy Group that stan by million of fans called 'Carat'. This Korean boy group has their different talents, and unique skills that showcase their synchronized performances and amazing vocals. This story is an imagine story in which...