Naranasan mo na bang mahulog sa taong hindi mo siguradong kayo talaga ang pinagtagpo?
Naranasan mo na bang mauntog, magising sa katotohanan na hindi talaga kayo bagay, kundi tao?
Yung mahulog sa akala mong sasaluhin kang may paninindigan
Paasahin ka lang pala sa matatamis na salitang wala namang patutunguhan.
•••
Main Characters:
Hong Joshua as
Joshua
You (Reader) as
Keiko
•••
"Joshua! Crush ka daw ni Keiko!" Tili ng kaklase't bestfriend mong bakla, sa gymnasium kung saan naroon kayong dalawa't naroon rin ang varsity team ng school niyo na naglalaro't nag-eensayo
Hinampas mo nang napakalakas ang kaibigan mo kaya napahawak ito sa kanyang braso habang humahagalpak sa pagtawa. Gusto mo sana siyang sipain kaso naalala mo na nasa gymnasium kayo, at nandoon ang crush mo.
Hindi niyo inaasahan na mapapalingon sa inyong kinaroroonan ang lalaking mahigit na sampung taon mo nang nagugustuhan. Oo. Sampu talaga.
Simula pa lang na nasa elementarya kayo magpahanggang ngayong nasa kolehiyo na kayo, makailang ulit ka nang sumubok na umamin ngunit nahihiya't natatakot ka.
Nahihiya ka kasi bilang babae, ikaw ang magfi-first move. Ang panget naman no'n. And at the same time, natatakot dahil baka mareject ka.
Pero dahil sobrang mahal na mahal ka ng bestfriend mo na si Kwainie, ang dakilang pampam na bakla, siya na ang umamin para sayo. Ang sweet hindi ba?
Nagulat kayong dalawa nang makitang ngumiti ito sa inyo. Hinampas ka naman ng bestfriend mo dahil kinilig siya para sayo, habang ikaw, processing pa sa mga pangyayari.
"Nakita mo yon, beshy? Sabi ko sayo papasininin ka ni Joshua ehh. 'Ay nako." Saad niya habang patuloy kang hinahampas kahit na nasa silid-aralan na kayo.
Hindi pa rin talaga mawala ang isipan mo sa nangyari. Nananatili ka lamg tulala at wala sa katinuan.
-----
*KRIIIIIIIIIINGGG!!!*
"Ahm, Keiko." Pagtawag sa'yo ng isang pamilyar na tinig.
Napalingon ka naman at hindi mo inaasahan na sa unang pagkakataon ay kakausapin ka ng crush mo.
"Ba-bakit?" Pabebe mong tanong. Pabebe talaga.
"Ihatid na kita pauwi sa inyo." Pag-aya niya sa'yo. Napatango ka naman bilang tugon.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Kasabay nang paglipas ng panahon ay ang paglalim ng nararamdaman mo para sa kanya.
"Beshy, kamusta?" Tanong sa'yo ng bestfriend mo na tila ngayon na lang kayo nagkita.
Well, totoo naman.
Dahil mahigit magta-tatlong buwan mo na rin siyang hindi kinakausap.
Nawala na ang atensyon mo sa bestfriend mo na ngayon ay napunta na sa taong lagi mong kasama ngayon.
Matanong ko nga lang, ano ba KAYO, ha?
"Okay naman. Masaya." Nakangiting tugon mo sa kaniya.
"Hmm, talaga ba? Balita ko kasi, maririnig ka na lang ng mommy mo na humihikbi sa kwarto mo. Tapos hindi ka na raw kumakain sabi ng kapatid mo. Ano beshy? Diet ka? Nagpapasexy? Ganern?" Tanong niya sayo na ikinagulat mo.
Yung sakit na itinatago mo sa kanya, ngayon ay sumiklab na na para bang isang apoy. Apoy na sa sobrang tagal nang nakasindi, mas lalo pang naglalagablab.
Lumapit naman siya sayo at hinagod ang likod mo.
Kinabukasan ay hinarap mo siya. Bago ka pa niya yayain na lumabas ay tinanong mo na siya agad ng ganito.
"Ano ba tayo?" Diretso. Wala nang liko-liko.
"Magkaibigan." Walang halong emosyon sa pagtugon niya sa'yo.
"Bakit? May iba ka pa bang inaasahan dun?" Dagdag niya pa.
Tuluyan nang umagos ang kanina pang nagbabadya mong mga luha.
Sinampal mo siya ng napakalakas. At pagkatapos ay sinuntok ng sinuntok ang dibdib niya.
"Bakit!? Pinaasa mo lang ako, Joshua! Sinalo mo nga ako pero hinulog mo rin pala ako!" Sigaw mo sa kanya.
Nahuli niya naman ang mga kamay mo at matalim na tumingin sa'yo.
"Tumingin ka sa'kin. KEIKO TUMINGIN KA SA'KIN!!" Sigaw niya, dahilan para mapahinto ka sa pag-iyak.
Seryoso siyang nakatingin sa'yo. Kitang-kita mo sa mga mata niya ang katotohanan tungkol sa inyo, at 'yon ang pinakamasakit na katotohanang nalaman mo.
"Sinubukan ko, Keiko. Sinubukan ko. Pero, wala. Wala talaga eh. Sorry kasi pinaasa kita. Sorry kasi pina-fall kita sa matatamis kong mga salita. Pero, hindi." Napapailing pa siya habang sinasambit ang mga salitang sinasaksak ka ng paulit-ulit, at mas lalo ka pang pinatay nito dahil sa mga sumunod pang mga salita.
"Hindi kita gusto. Ni hindi kita kayang mahalin. Akala ko, ganun din ang nararamdaman ko. Sorry Keiko. I love you, but as a friend." Agad ka niyang binitawan at saka umalis na sa harapan mo, sumakay sa kanyang motor at iniwan kang luhaan.
Dahil sa mga narinig mo, tuluyan na ngang gumunaw ang mundo mo.
"Ayos lang yan, Beshy. Wag kang mag-alala. Nandito lang ako. Nandito lang si Kwainie, ang bestfriend mo. Lagi lang sa tabi mo!" Mabilis na paglapit sa'yo ng bestfriend mo't inalalayan ka paalis sa lugar na pinagkakitaan niyo ni Joshua.
Niyakap ka niya kaya't mas lalo kang napaiyak. Can't help but to cry all hurt and pain.
"'Wag kang mag-alala. Nandito lang ako, Keiko. Magmamahal sa'yo kahit palihim, o patago." Mga salitang hindi mo narinig mula sa bestfriend mong si Seungkwan.
•End•
![](https://img.wattpad.com/cover/165672492-288-k160136.jpg)
YOU ARE READING
SEVENTEEN Imagine Stories
ФанфикSEVENTEEN is a KPOP Boy Group that stan by million of fans called 'Carat'. This Korean boy group has their different talents, and unique skills that showcase their synchronized performances and amazing vocals. This story is an imagine story in which...