04: Simple

26 1 0
                                    

Wen Jun Hui/Jun as
Jun


You (Reader) as
[Your Name (Y/N)]

•••

First time kong niyaya ng date si Y/N.

Ang tagal na naming may relasyon pero ngayon lang kami nag-date. Kapag dumadating naman kasi yung monthsary namin, at anniversary, sa bahay lang nila kami nagce-celebrate. Siya mismo bumibili ng cake, at iba pang pwede naming makain para lang icelebrate ang espesyal na araw namin.

Hindi siya gaanong lumalabas ng bahay nila dahil mas gusto niyang nasa bahay lang, at masyado ring istrikto ang magulang niya dahil nag-iisang anak ang girlfriend ko.

First time ko lang ding maglalabas ng pera ngayon. Kailanman hindi ko naisipang gumastos dahil nakakapanghinayang gumastos sa mga walang kwentang bagay. Kung pwede pa namang magamit, ayun na lang ulit.

Minsan pa nga, tinatawanan na ako ni Y/N dahil paulit-ulit na lang ang suot kong damit. Siya pa mismo ang gumagastos sa mga damit ko para lang hindi ako magmukhang tambay sa kanto. Maski sapatos siya na rin mismo ang bumibili.

"Saan tayo pupunta ngayon, Dhie?" Naguguluhang tanong ni Y/N sa akin habang nakayakap sa akin mula sa likod.

Saglit kong sinulyapan si Y/N na nakasuot ng itim na helmet, sa salamin ng motor ko at muling tinanaw ang mahaba-habang kalsada. Napangiti naman ako nang muling maalala ang kaganapan kanina sa kanila.

Madaling araw pa lang sinundo ko na siya sa kanila. Mabuti na lang talaga ay pinayagan ako ng magulang niya na hiramin muna siya sandali.

"Kinuha mo siya sa amin ng buo. Dapat i-uwi mo rin siyang buo. At mag-isa. Baka bumalik siya dito, dalawa na sila." Matigas na saad ni Tito, tatay ni Y/N.

"O-opo." Nauutal kong tugon habang nahihiyang nagkakamot ng ulo.

"Hoy, Jun!"

Pakiramdam ko tumayo yung alaga ko ng hampasin ni Y/N yung abs ko. Ang lapit pa ng kamay niya.

"O-oh?" Nauutal na tanong ko. Masyado kang halata, Brad.

"Saan tayo pupunta? Subukan mo lang dalhin ako sa--" Bago pa man niya matapos ang sinasabi niya ay inunahan ko na siya.

"Hindi po. Doon tayo sa gusto mo. Sa madilim. Sa malambot. Sa masarap. Sa masaya. Sa LANGIT!" Natatawang wika ko.

Muli na naman niyang hinampas ang abs ko. Agh! Kawawa na sila sa'yo, Y/N.

"Adik. Umayos ka nga. Kundi uuwi kang puro pasa." Banta niya kaya napalunok ako ng wala sa oras.

"Sa amusement park tayo, Mhie. Sa rides. Sa horror house o kaya, sa Ferris Wheel. Ano ba nasa isip mo?" Natatawa na namang saad ko sa kanya. Mabuti na lang talaga gumagana ng matino itong utak ko sa ulo...sa taas.

"Heh! Loko ka!" Nahihiyang wika niya.

Pakiramdam ko namumula yung mukha niya ngayon. Napangiti naman ako habang iniisip 'yon.

Biglang humigpit ang yakap niya sakin. Nagtaka naman ako kung bakit.

"Ayos ka lang?" Tanong ko habang sumusulyap sa salamin sa motor ko, kahit na hindi ko gaanong kita ang mukha niya dahil sa helmet.

"Nilalamig lang ako." Aniya. Bigla kong naalala na nakasuot nga lang pala siya ng kulay pink na strawberry dress.

Inihinto ko muna saglit ang motor ko at itinabi ito sa gilid ng kalsada. Gulat pang bumaba si Y/N nun, bago ako bumaba din.

Mabuti na lang talaga naisipan kong magdala ng extra na jacket. Agad kong kinuha ang dala kong jacket na nakalagay sa loob, sa ilalim ng upuan ng motor ko, at inabot ko sa kaniya. Ni-lock ko naman ng mabuti 'yon pagkasara at tiningnan si Y/N habang sinusuot ang jacket.

Ngayon ko lang napansin yung ayos niya dahil madilim pa kanina.

Nakatirintas ang dulo ng buhok niya habang medyo kalat naman sa bandang itaas. Kahit na gano'n, nagmukha pa rin itong maayos tingnan.

Maliban sa suot niyang strawberry dress, nakasuot din siya ng silver necklace na may initials ng pangalan ko, at plain silver earrings.

Simpleng nude na doll shoes naman ang ipinareha niya sa suot niyang dress. Ang ganda niya.

"Tara na, Dhie." Wika niya na nagpabalik sa'kin sa reyalidad.

"Okay." Maikling tugon ko saka muling sumakay sa motor at pinaharurot.

Mahigit mag-aanim na taon na rin kaming magkasintahan ni Y/N. Hindi ko na nga maalala yung mga pinag-aawayan namin dahil sa sobrang tagal na namin ni Y/N.

Ni hindi ko nagawang magloko sa kaniya dahil para sa'kin, maganda na si Y/N kahit napaka-simple niya lang na babae.

Mababaw lang ang kaligayahan niya. Ni hindi nga siya nagrereklamo kahit na nasa bahay lang nila kami nagcecelebrate ehh. Kahit na hindi ako gumagastos para sa amin.

Simple siya. Pero kung magmahal, sobra-sobra. Tipong wala ka nang mahihiling pa sa kaniya.

"Nandito na tayo, Mhie." Saad ko saka mabagal na ipinarada ang motor, at pinatay ang makina nito.

Agad naman siyang bumitaw sa pagkakayakap at bumaba sa motor.

Ayy. Bitin.

"Problema mo, Jun? Ba't gan'yan itsura mo? Tigang ka na?" Tanong niya habang kunot-noong nakatingin sa'kin.

Oo. Simple lang siya.

Pero pagdating sa mga ganiyang bagay, dadaigin ka pa.

Pasimple naman akong napangisi dahil sa sinabi niya. Sinakyan ko na lamang ang kalokohan niya sa pamamagitang ng pagtango.

Sinensyasan naman niya akong lumapit sa kanya.

Akala ko ikikiss niya ako pero...

"Aray naman, Y/N! Para saan yun?" Usal ko habang hinahimas yung parte sa ulo ko na binatukan niya.

Nginitian niya lang ako at niyakap.

Ang sweet namin, diba? Pagkatapos niya akong biruin, sasaktan ako? Pasalamat na lang talaga siya mahal ko siya ehh.

"Dhie," Pagtawag niya sakin, habang nananatiling nakayakap.

"Hmm?"

Nagulat ako nang bigla niya akong ninakawan ng halik sa labi.

"I love you, Dhie." Aniya habang nakangiti.

"I love you too, Mhie." Bumawi naman ako ng halik sa kaniya, pero pinatagal ko na.

Bakit ba para akong ginagayuma sa mga halik niya?

End•

SEVENTEEN Imagine StoriesWhere stories live. Discover now