Author's Note

218 0 0
                                    

Isang mapagpalang araw sa 'yo!

Marahil napadpad ka lamang dito sa istoryang ito dahil nababagot ka o dahil nabanggit ko ito sa grupong magkasama tayo. Marahil isa ka sa mga kakilala ko sa paaralan, o kaibigan sa mundo ng internet.


Hindi ko alam kung marapat ba akong pag-aksayahan ng 'yong oras pero ngayon pa lamang ay gusto na kitang pasalamatan sa taos-puso mong pagsuporta.

Nais kong humingi ng pasensya sa hindi maayos na pagkakalimbag ng mga kwentong nilalaman nito. Pero hinihiling ko ang iyong pag-unawa.


Ang bawat kabanatang nilalaman nito ay magkakaiba. Ibig sabihin ay magkakaibang kwento ang pinatutunguhan ng bawat pahina nito. Kung iyong uunawain, ito ay pinagsama-samang maikling mga kwentong nilikha ko, ang may-akda.


Kung sakali mang may pagkakahalintulad ang bawat pangalan, pangyayari, lugar o/atbp, sa kwentong ito sa totoong mundo, ay hindi iyon sinasadya ng may-akda.


Uunahan ko na po kayo, ang bawat nilalaman ay maaaring nagmula sa karanasan ng mismong sumulat ng kwento, o maaari rin namang gawa-gawa lamang sa mapaglarong imahinasyon ng may-akda.


Kung sakali mang may binabalak kang kopyahin, gayahin, at angkinin ang bawat kwento nito, pwes matakot ka. Dahil batas ang kinakalaban mo rito. Ang katotohanan ay alam ng Siyang May Likha kaya marapat na makonsensiya ka.


Sana'y inyo pa ring kapanabikan ang mga nilalaman ng akdang ito. Muli, maraming salamat at mabuhay kayong lahat!


- Pilyang Tinta -

All Rights Reserved 2017

SEVENTEEN Imagine StoriesWhere stories live. Discover now