Darating din ang araw na makikita't masisilayan ko rin ang mga ngiti mong kasing tamis ng asukal, mga mata mong may laman na pagmamahal, ang pangungusap mong puno ng dangal
Isa itong tagumpay sa lahat ng bagay na aking isinugal, sa lahat ng aking itinaya para sa pagmamahal
Darating din ang panahon na pareho tayong tumutupad sa ating mga pangako't pangarap, sabay nating lalampasan, nang magkahawak-kamay, ang mga problema't pagsubok na maaari nating makaharap
Ang isa't isa ang siyang sandalan, magiging matatag hanggang sa tayo ay ikasal, hanggang sa ating pagtanda, tayo ay mananatiling magkasama hanggang sa walang hanggan.
•••
Wonwoo as
HimselfYou as
[Your Name (Y/N)]•••
Marahan mong tinahak ang daan pabalik sa aming silid-aralan, ngunit hindi mo alam na mapapansin ka pala ng matalik mong kaibigan na si Hera.
"Y/N!" Pagtawag nito ng pansin sa'yo habang kumakaway pa.
Inayos mo muna ang 'yong sarili bago mo sila harapin.
'Ako lang ba 'to o nakita ko talaga siyang nakatingin sa akin? Hayss, Y/N. Guni-guni mo lang yun. Nakalimutan ka na niya. Naka-move on na siya sa'yo.' Usal mo sa'yong isipan.
"Y/N, tara. May ipapakilala ako sa'yo." Masaya niyang wika sa'yo saka ka hinila papunta sa kinaroroonan nila kanina.
Nagtagpong muli ang inyong mga mata, ngunit hindi na tulad ng dati ang pagtitinginan ninyong dalawa.
Nginitian mo lamang siya na para bang walang nangyari noon. Iniwasan ka naman niya ng tingin.
"Nga pala, Babe, si Y/N, Bestfriend ko." Pagpapakilala niya sa'yo, sa boyfriend niya, sa tingin mo, kasi 'Babe' ang tawag niya ehh, na kaharap ninyo ngayon.
Ngumiti naman siya sa'yo---giting may halong tuwa't ligaya.
Pakiramdam mo, nakalimutan na niya talaga ang pinagsamahan ninyong dalawa.
"Y/N, si Wonwoo. Boyfriend ko...yung lagi kong kinukuwento sa'yo." Pagpapakilala niya sa kasamang lalaki, saka kumapit sa braso ng boyfriend niya. Napangiti naman ang katabi nito habang ika'y pasimpleng natatawa.
'Ni hindi nga niya ako pinapahawak sa braso niya ehh. Sana lahat!' Inis na turan mo sa'yong isipan.
"I'm glad to finally meet you, Y/N. Lagi kang kinukuwento sa'kin ng girlfriend ko na si Hera." Sabay pisil nito sa ilong ng kaibigan mo.
Alam mong hindi niya sinasadya, pero nasaktan ka dahil sa nakikita.
'Sana talaga lahat.' Gusto mo nang umirap ngunit ayaw mong gawin dahil baka makita nila. Isa pa, may kasalanan ka din naman kung bakit nagkaganito kayo.
"Ahh, ganun ba?" Natatawa mong tanong sa kanila.
"Ahm, alis muna ako. May kailangan pa kasi akong asikasuhin eh." Pagpapaalam mo sa kanila at hindi na sila hinintay pang magsalita.
Ngunit, kasabay nang 'yong paglisan ay siyang pag-agos ng kanina pang mga nagbabadyang mga luha sa'yong mga mata.
Sobrang sakit sa tuwing naaalala mo yung nakaraan namin na kayo pa yung magkasama.
'Wala ehh. Iniwan ko siya ehh. Okay lang 'yon. Para rin naman sa kaniya 'yon ehh.' Usal mo sa isipan mo, habang nakayukong naglalakad.
Sa sobrang dami ng luhang lumabas sa'yong mga mata, sa sobrang dami na ng sakit na nararamdaman mo ngayon, parang gusto mo nang sumabog.
![](https://img.wattpad.com/cover/165672492-288-k160136.jpg)
YOU ARE READING
SEVENTEEN Imagine Stories
FanfictionSEVENTEEN is a KPOP Boy Group that stan by million of fans called 'Carat'. This Korean boy group has their different talents, and unique skills that showcase their synchronized performances and amazing vocals. This story is an imagine story in which...