10: Yours

18 1 0
                                    

Kailan nga ba muling makikita amg maliliwanag na mga tala?

Kailan nga ba maabot ang pangarap na malayo na sa mga alaala?

Paano nga ba makakaahon sa sakit at pighati ng kahapon?

Kailan? Paano? Kailan ko mararamdaman ang saya? Paano ko mararamdaman ang saya? Kung ikaw ay parte na na akong nakaraan at hindi na ngayon?

•••

Kim Mingyu as
Himself

You as
[Your Name (Y/N)]

•••

Mingyu's POV

"Hyung!" Biglang paghampas ng medyo malakas ni Vernon sa aking likod.

"Kanina ka pa nakatitig diyan sa telepono ahh. Kung pinupuntahan mo kaya." Saad niya habang nakatingin sa gawi ko.

Napabuntong-hininga na lamang ako sa suhestiyon niya.

Marahan kong ipinikit ang aking mata't isinandal ang aking likuran aa malambot na upuan.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan ang maamo niyang mukha.

"Gyu,"

Napamulat ako nang may tumawag sa aking pangalan.

"Peste ka, Wonwoo-hyung!" Sabay hagis ko ng unan sa kanya.

Natatawa namang umilag 'to sa ibinato kong unan. Pati sina Minghao at Dino ay tumatawa rin. Akala ko pa naman si Y/N na, hindi pala.

Tinabihan naman ako ni Dokyeom habang nakangiti.

"Huwag kang mag-alala, Gyu. Sa susunod, hindi na si Wonwoo yung gigising sa'yo." Saad niya habang tinatapik ang balikat ko.

"Ehh sino? Ikaw? Si Hao? Si Dino? Tigilan n'yo nga ko." At tinabig ko ang kamay niya.

Natawa naman sila sa sinabi ko.

Hayss. Makatulog na nga lang ulit kaysa makipagkulitan sa kanila.

"Gyu,"

Napamulat ako ng makarinig ako ng pamilyar na boses.

Ngunit muli lamang akong pumikit ay inis na nagwika sa kanila.

"Tigil-tigilan niyo ko sa mga pantitrip niyo, mga lint*k kayo!"

"Gyu, ako 'to."

Nilingon ko naman 'yon upang makasigurado.

Napabalikwas ako sa aking hinihigaan ng makita ko ang kanyang mukha.

"Y-Y/N!" Bulalas ko.

Ngumiti ito sa akin. Mabilis ko siyang hinila palapit sa akin at niyakap nang pagkahigpit-higpit.

"Miss na miss kita!" Saad ko. Ramdam kong tumutulo na ang mga luha ko.

Niyakap naman niya ako pabalik at saka nagsalita.

"Namiss rin kita."

Naghiwalay kami agad mula sa pagyayakapan.

Hinaplos ko ang kanyang mukha. Umukit sa aking mukha ang inis at galit ng makita ang mga pasa't galos na marka ng karahasang ginagawa sa kanya, ng kaniyang asawa ngayon.

"G-Gyu," Nauutal na sambit ng babae sa pangalan ng unang pag-ibig.

"Kung ako na lang sana ang 'yong pinakasalan, hindi sana magkakaganto ang buhay mo. Hindi ka aabusuhin ng asawa mo." Nagngangalit na wika ko.

SEVENTEEN Imagine StoriesWhere stories live. Discover now