02: Passing By

37 1 0
                                    

Natagpuan ang pagmamahal na hindi natin inaasahan

Ngunit bawat saya na bumubuo sa ating araw ay nauuwi rin sa sakitan

Dito na nagtatapos ang kwentong ating pinagbibidahan

Tayo man ay pinagtagpo, ngunit hindi pang-walang hanggan.

•••

Yoon Jeonghan as
Jeonghan


You as
Sierra

•••

Ni minsan hindi ko inakalang ang magkaibang landas ng magkaibang tao ay magtatagpo.

Parang dati lang, ni hindi namin nagagawang pansinin ang isa't isa ngunit heto kami. Ang dating landas na magkaiba ay tila ba naging isa. Nagawa kaming pagtagpuin sa gitna nito.

Ngunit gaya ng nakararami, ang landas na ito ay magiging landas na nanaisin nating 'wag na lang daanan.

"I still love you, Celine. Please forgive me, and forget what happened in the past. Let's start again, Celine."

Nanigas sa kinatatayuan nito ang babae at marahang sinulyapan ang lalaki. Dahil sa hindi inaasahang pag-amin ng lalaki ay napahalakhak ng matabang ang babae.

*PAUSE*


"Ano sa tingin mo gagawin ng babaeng 'yan? Kung ako 'yan, bibigyan ko na 'yan ng chance." Sabat ni Faye, na nag-pause ng pinapanood naming Kdrama.

"Daaahh!~ Loka. Kung ex ko yan, its a big NO, NO, NOOOOO!!!!!" Tugon naman ni Jasmine.

"Ehh ikaw, Sierra? Anong sagot mo?" Tanong ni Faye sa akin.

"Oo nga, Sierra. Ikaw?" Tanong rin ni Jasmine sa akin.

Tiningnan ko lang silang dalawa at pinlay ulit ang pinapanood naming KDrama.

"Sierra naman!" Sabay nilang bulalas.


"Please, Sierra."


Naalala ko pa kung paano niya hinilinh sa'kin 'yan. 'Yang second chance na yan.


"Sorry, Sierra. Patawarin mo na ako."


Ilang beses ko na ring narinig 'yan.


"TAMA NA!" Sigaw nito sa akin.

Sa gulat ko ay natabig ko ang display naming flower vase sa salas.

"ANONG GINAWA MO!!!???" Tinulak niya ako pabagsak sa sahig.

Mas pinagtuunan pa niya ng pansin ang vase kaysa sakin.

Wala akong ibang nagawa kung hindi tahimik na umiyak at palihim na pumasok sa aking kwarto.

*knock* *knock*

Kasalukuyan kong ginagamot yung mga sugat na nagmula pa sa mga binato niyang pinggan, baso, at pati na rin sa flower vase.

"Sorry, Sierra. I'm so sorry."

Muli na naman akong napahagulgol ng walang tunog ng marinig ko ang boses niya.

Hindi ko na lamang siya pinansin at tinapos na ang paglalagay ng gamot. Matapos 'yon ay humiga na ako sa aking kama at nagtalukbong na lamang ng kumot.

SEVENTEEN Imagine StoriesWhere stories live. Discover now