15: Forever

15 1 0
                                    

Magkasama nating haharapin

Mga pagsubok ay kakayanin at tatalunin

Hawak-kamay nating lalakbayin

Mundong puno ng panganib ay ating hahamakin at tatapusin.

•••

Main Characters:

Wen Junhui as
Junhui

Xu Minghao as
Minghao

You as
Irene

•••


"Wag ka na ngang umiyak. Para kang hindi lalaki." Saad ni Minghao kay Jun.

Lalo pang bumuhos ang pagluha niya.

"Ehh kasi naman galit pa rin sakin si Irene." Pagsusumbong nito na para bang batang inagawan ng kendi.

"Ewan ko sayo." Inis na sambit ni Minghao at iniwan roon si Jun.

Sina Minghao at Jun ay mag-iisang taon nang magkaibigan. Magkapatid na ang turingan ng dalawa. Kaya ganun na lamang magreact si Minghao. Si Jun ay may kasalukuyang nobya. At ang pangalan niya ay Irene. Mahigit anim na buwan nang sila. Lagi na lang away-bati ang kwento ng relasyon nila. Kaya ganun na lamang ang pag-aalala ni Minghao sa kaibigan.

"Pinabibigay ni Jun." Pag-abot ni Minghao ng mamahaling tsokolate kay Irene. "Peace offering daw niya."

"Sa kanya ba talaga galing o sayo? Bakit ba palagi niyang pinadadaan sayo? Diretsahin niya sana. Mahina pala siya ehh." Pero tinanggap naman niya yung tsokolate.

Kinabukasan ay nakita ni Minghao na magkasama na naman ng dalawa. Napailing na lang si Minghao sa nakita.

"I love you, By."-Jun

"I love you too."-Irene

Araw-araw na halos silang dalawa na lang ang magkasama. Tila ba nalimutan na ni Jun ang kaibigan.

Kaya isang beses ay sinubukan nitong iapproach ito. Ngunit inawasan lang siya nito.

" Sa kadahilanang okay na kayo ni Irene. Siya kasi ang dahilan kung bakit okay na kayo. Nagkausap daw sila. Tsaka, lagi ka lang namang may oras kay Minghao kapag hindi kayo okay. At lalo na kapag may kailangan ka sa kanya." Saad ng isa niyo pang malapit na kaibigan na si Mingyu.

"Irene. Maghiwalay na tayo." Matapang na sinabi ni Jun sa nobya. Agad na tumayo ang babae at nilisan ang parke na iyon.

Kinabukasan ay nagulantang ang lahat ng mga kaibigan nila, at pati ang sumusubaybay sa istorya ng dalawang magkasintahan ng malaman nilang sila ay naghiwalay na. Paano ba naman kasi, sa social media naglalabasan ng mga feels.

"Mukhang ginalit ko siya." Nakangiting saad ni Jun.

Tinapik naman ni Minghao sa balikat ang kaibigan.

"Ayos lang yan, Pre. At least nagising ka na sa katotohanan. Hindi niya alam yung sakit na pinagdadaanan mo." Saad niya sayo na nagpagaan sa nararamdaman mo.

"Salamat din Pre. Kasi nandyan ka palagi." Saad niya habang nakatingin sa kaibigan.

"Tsk. Wala yon. Para saan pa na naging magkaibigan tayo, diba?" Natatawa niyang saad.

•End•

SEVENTEEN Imagine StoriesWhere stories live. Discover now