Sending long sweet messages
Emojis that full of kisses
Every day that full of happiness
Every night that let us sleep at peace.
•••
DK as
HimselfYou as
[Your Name (Y/N)]•••
Madaling araw na pero heto ka, gising na gising pa din.
Yung feeling na naghihilik na yung mama at papa mo, pati na rin yung bunso mong kapatid. Tapos heto ka, hindi papatinag. Tamang scroll up, scroll down lang sa FB ang tinatrabaho. Daig pa ang call center agent sa pagpupuyat, KALOKA.
Maya-maya, biglang nag-vibrate ang cellphone mo. Buti na lang naka-silent ito kung hindi nabulahawna ang masarap na pagkakatulog ng pamilya mo. Patay ka talaga sa kanila kamo.
Siguro, inaasahan mo na rin talaga na may tatawag sa mga oras na 'yon kaya sinigurado mong naka-silent ang phone mo, at hanggang ngayo'y mulat na mulat ka pa din. Dinaig mo pa yung aswang sa pagiging mulat.
"Hello! Problema mo?" Kunwaring iritableng pagbulong mo sa tumawag.
Dali-dali ngunit marahan kang tumakbo patungong banyo, at saka binuksan ang gripo, nagbabakasali na hindi na marinig ng mama at papa mo ang animo'y pagsasalita mo mag-isa.
(Namiss kita, Y/N.) Sagot ng kausap mo sa kabilang linya.
"Adik ka ba?! Madaling araw na! Nang-iistorbo ka." Muling bulong mo. Galit-galitan pa nga.
(Grabe. Hindi mo ako namiss?) Nagtatampo nitong tanong sa'yo. Na-imagine mo pa ang pag-pout niya kaya napangiti ka naman nang wala sa oras.
Tumikhim ka muna bago tumugon.
"Loko ka, Seokmin. Kakakita lang natin kanina ahh." Pagrereklamo mo kahit na hindi na maalis-alis sa mukha mo ang malawak na pagkakangiti.
(Yah!)
Mabilis mong inilayo sa'yong tainga ang cellphone mo dahil sa pagsigaw ng kasintahan mo sa kabilang linya. Pasalamat ka na lang talaga at hindi naka-loud speaker yung phone mo, mas lalo kang mahuhuli ng magulang mo.
"Nahithit mo?" Iritable mong tanong mk habang ibinabalik muli sa tapat ng 'yong tainga ang 'yong cellphone.
(Shampoo mo.) Sagot nito habang bumubungisngis pa.
"Hoy, ungas! Baliw ka talaga." Naiiling-iling na wika mo habang iniimagine pa rin ang mukha ng boyfriend mo na si DK.
(Baliw sa'yo. Ayieeeeh~) Bigla kang napangiti ngunit nagkunwari ka pa ring naiinis sa kaniya.
(Anong oras na ahh. Dapat natutulog ka na ngayon ahh.) Malumanay na wika niya sa'yo.
"Well, ganoon talaga ang buhay. Ikaw nga din ehh. Madaling araw na pero nambubulahaw ka--"
Naputol ang pagsasalita sa biglang pagkatok nang kung sino man sa pinto ng banyo niyo.
'Sh*t! Si papa!'
"Nak, dalian mo. Naiihi na ako." Wika nito sa labas.
"Sandali po." Tugon mo naman habang nagmamadaling binuhusan ng tubig ang inidoro ng banyo.
(Lagot ka~) Dinig mong usal nang 'yong kasintahan. Hindi mo na siya sinagot pa dahil nasa labas na nha ang Papa mo.
Pinatayan mo na ang kausap mo ng telepono at tuluyang lumabas ng banyo.
Nag-peace sign ka pa sa papa mo saka mabilis na tumakbo patungo sa 'yong kwarto at humiga sa sarili mong higaan. Kasama mo rin kasi sa kwarto ang kapatid mo kaya ka talaga nagtago sa banyo para lang kausapin ang boyfriend mo.
Pero bago ka pa man tuluyang makaidlip, may nagpop-out na notification sa phone mo at galing iyon sa kanya.
[Seokmin: Y/N...yeobo...]
[Y/N: Oh?]
[Seokmin: Anong sabi ng papa mo? Pinagalitan ka ba? Bigla mo kong pinatayan ng tawag ehh. Tatampo na ko. :3]
[Y/N: Wala naman. Saka, 'di ako pinagalitan. Loko ka. Ipapahamak mo talaga ako noh?]
[Seokmin: Ahahahha. Sorry na, yeobo. Papanagutan naman kita eh. ^___<]
[Y/N: Ano ako? Buntis?]
[Seokmin: XD Excited ka naman, Yeobo. Sa future pa yun.]
[Seokmin: Pero pwede rin naman.]
[Y/N: Aba, loko toh. >_____<]
[Seokmin: Biro lang. Ang sungit mo. Meron ka ba ngayon? Gusto mo dalhan kita ngayon ng napkin dyan?]
[Y/N: Geh. Dalhan mo ko.]
[Seokmin: Otw na. Swwooosh!]
[Y/N: Hoy!]
[Seokmin: Biro lang. Haha. Tulog na, yeobo.]
[Y/N: Ikaw din.]
[Seokmin: Yeobo, saranghae.]
[Y/N: Zzzzzzzzzzz.]
[Seokmin: Nandito na ako sa labas ng gate nyo.]
[Y/N: Hoy!!! Kala ko matutulog ka na?!]
[Seokmin: Biro lang. Haha.]
[Y/N: Sige na. Matulog ka na. Bukas na lang ulit.]
[Seokmin: Sige po. *smile emoji*]
[Seokmin: I love you po. *kiss emoji*]
[Y/N: I love you too, Yeobo.]
•End•
YOU ARE READING
SEVENTEEN Imagine Stories
FanficSEVENTEEN is a KPOP Boy Group that stan by million of fans called 'Carat'. This Korean boy group has their different talents, and unique skills that showcase their synchronized performances and amazing vocals. This story is an imagine story in which...