chapter 12

10 0 0
                                    

Para sa lalaki na iyon, ang sugat ng nakaraan ay parang pagkalunod sa malalim na tubig. Hindi alam ng mga nanonood kung gaano kalalim 'yung tubig kaya tanong sila nang tanong kung bakit hindi niya na lang hilahin 'yung sarili niya palabas sa tubig na iyon.

= = = = = = = = = = = = =

"Besh, ilipat mo na nga 'yan! Walang kuwenta naman 'yang pinapanood mo!" Tiningnan ko lang ng masama si Yuan nung sinabi niya iyon habang nanonood ako ng Koreanovela. "Parang tanga lang! Puwede namang hindi siya malunod, eh hinahayaan lang 'yung sarili niyang malunod!"

"Oo nga! Imbis na pinahihirapan niya 'yung sarili niya sa kasisigaw ng tulong, bakit hindi niya na lang hilahin sarili niya paalis diyan" dagdag ni Deenise. "Masyadong pabebe, sampalin ko 'yan."

Hindi ko na lang sila pinansin at itinuloy na ang panonood. Balang araw, pagsisisihan nilang hindi sila nahilig sa koreanovela.

"Bes, hindi ko lang sinasabi, pero sa totoo lang... Kanina pa kita nakikitang check ng check sa cellphone mo" sabi ni Alexa na kasama kong manood. "Kaninong tawag ba ang hinihintay mo ha?"

Kanino pa ba? Edi dun sa bwisit na Zaido na iyon. Maglalabing-siyam na taon na pero hindi pa rin ako nakatatanggap ng reply mula sa kanya. Napaka-snobbero talaga, kahit kailan. Hindi ko na siya maintindihan. Hindi ko pa rin siya matantsa kahit hanggang ngayon. Kahit nagkikita kami sa klase, wala man lang siyang nababanggit na: "Sorry kung hindi ako naka-reply ah, wala kasi akong load."

Napakagaling niyang manghila at mangtulak ng tao. Kahit wala siyang ginagawa, naiinis ako sa kanya. Talent niya bang mangbwisit ng tao?

"RYOHEI KAIDO."

Napatingin ako sa harapan nung marinig ko 'yung sunod na tinawag para mag-recite. "Sssh. Sssh. Magre-recite si Kaido" saway ko kay Sonny na kadaldalan ko bago matawag si Kaido. Sila ni Darel ang katabi ko sa subject naming Filipino.

Pinagsulat kami ni Mam Lebita ng sanaysay tungkol sa mga tatay namin. Binigyan niya lang kami ng kalahating oras, tapos nagsimula na siyang magtawag isa-isa ng mga magre-recite sa harapan ng klase.

"Ryohei Kaido? Ano ba, absent ba 'to o ano?" tanong ni Mam Lebita nung hindi agad tumayo si Kaido. Tumingin ako sa kinauupuan niya sa tapat ng row namin. Mukha namang narinig niya nang tinawag siya, pero bakit nakaupo lang siya?

"Okay, absent-" sabi ni mam at akmang mamarkhan na ang class record na hawak niya, nung bigla na lang tumayo si Kaido. "Okay, Kaido. Dito sa harapan, bilis!"

"Hindi po ako nagsulat." Napatingin ang buong klase kay Kaido nung sinabi niya iyon. Nagulat ako, at panigurado buong klase ay nagulat din. Nagbibiro ba siya? Sa napaka-seryosong oras na ito? Sa dami-rami ng teacher na gagantuhin niya, si mam Lebita pa talaga ang napili niya? Naka-shabu ba siya o ano?

"Ano- Anong sabi mo? Puwede pakiulit?" tanong ni mam, na halatang medyo nainis sa sinabi ni Kaido. "Nabingi ba ako o talagang ginagalit mo lang ako?"

"Hindi ako nagsulat nung sanaysay" ulit pa talaga niya.

Sarkastikong nagpakawala ng ngiting-aso si mam Lebita, at saka tumayo. "Hoy hijo, tingin mo ba nagbibiruan lang tayo dito ha? Tingin mo ba nung sinabi ko sa inyo na gumawa kayo ng sanaysay, eh binigyan ko kayo ng karapatang pumili kung gagawa o hindi kayo gagawa?" mahinahon pero puno ng sarcasm ang pagtatanong ni mam Lebita. Sigurado akong lahat ng kaklase ko kabado dahil halatang galit na galit na si mam.

"Hindi ako nagsulat dahil wala akong maisusulat tungkol sa tatay ko."

"At bakit wala!? Wala ka bang tatay? Anak ka ba ni Mama Mary!?" Shet, ang insensitive nung tanong na iyon ni mam. Kailangan ko tulungan si Kaido magpaliwanag... baka magka-initan sila ni mam, at kung ano pa ang magawa o masabi niya.

BLUE RED GREEN (RED BOOK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon