chapter 5

257 7 6
                                    

Madami akong gustong ikuwento tungkol sa huling taon ko sa hayskul. Pero kung tatanongin ako tungkol kay Kaido, hindi ko talaga alam kung saan magsisimula...

Hindi naman ganoon kalalim ang pinagsamahan naming dalawa. Isa lang siya sa mga taong nakakikita ko araw-araw. Sobrang bilang 'lang yung mga pagkakataon na nagkausap kaming dalawa sa loob ng sampung buwan. At kakaunti lang 'yung naaalala ko.

Tulad na lang nung unang beses naming pagkikita.

= = = = = = = = = = = = =

Kaido... Gusto kong simulan ang kuwento sa pangalang iyon. Unang araw ng huling taon namin sa hayskul. Gusto kong balikan ang araw na iyon... ang simula. Nung unang beses ko siyang maging kaklase, unang beses ko siyang makita.

Hindi naman siya bagong lipat sa iskwelahan, pero noon ko lang siya nakita sa loob ng tatlong taon ko sa iskwelahan namin, Elpidio High.

"Isa na lang..." nasabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa bingo card ko na iisang kahon na lang ang wala pang pirma.

Inasahan ko nang ganito ang magiging eksena sa unang araw ng klase. Hindi naman kasi talaga mawawala ang kakengkoyang introduksyon kapag kakasimula pa lang ng iskwela.

Pero umasa kasi ako kahit papaano nung sabihin ni mam Martinez na gagawin niyang kakaiba at interesante ang pagpapakilanlan... Pero ito at mauuwi lang pala kami sa Bingo. Pero kumpara naman sa tradisyunal na pagtayo sa harap ng klase at pagsasabi ng pangalan namin, ng tatay namin, ng alaga naming pagong... Mas mabuti nang mag-Bingo.

Ang bilin ni Mam Martinez, kailangang tugma ang mga katangian sa bawat kahon sa taong pipirma doon. Pupunta sa harapan ang unang makapuno sa mga kahon para ituro 'yung mga taong nakapirma sa kanya.

At dahil may premyong makukuha ang unang makatatapos, nagkaroon ng mini World War III sa klasrum. Habang natataranta halos ang lahat, madali kong napuno ng pirma ang card ko. Kilala ko na ang karamihan sa mga kaklase ko, kahit pa karamihan sa kanila ay unang beses ko lang naging kaklase ngayong hayskul. Alam ko kung sino ang may tatlong butas sa tenga, sino ang mahilig sa pusa, kung sinong magaling mag-drawing, kung sino ang mahilig kumanta, at kung ano-ano pa.

"Isa na lang..."

Sino ba kasi sa mga kaklase ko ang hindi purong pinoy? Kung bakit ba kasi nalipat sa Section 1 si Yuan, eh. Kung nandito sana siya, edi kanina pa ako tapos.

"Uy bes, ilan na lang kulang mo?" tanong ko kay Denise nung makasalubong ko siya sa kalagitnaan ng gulo sa klasrum.

"Tatlo pa. Ikaw?"

"Isa na lang, ito oh" sabi ko sa kanya habang pinapakita yung natitirang kahon na walang pirma. "Mayroon ka ba nito?"

"Wala, pero may kilala akong half-japanese sa mga kaklase natin." Lumawak 'yung ngiti ko nung sinabi niya iyon. Parang naglaro na sa isip ko 'yung premyong makukuha ko kapag ako ang nauna sa harapan.

"Sino?! Sino?!"

"Sino munang kakilala mo ang lumulunok ng bubble gum?"

"Ako! Ako!" sabi ko saka mabilis na pumirma sa papel niya. "Sinong hapon sa'tin, sino?!"

Luminga-linga siya hanggang sa tumuro siya sa lalaki na nakaupo lang sa unang row sa harapan. Agad ko namang pinuntahan 'yung lalaki.

"Kuya, kuya!" tawag ko sa kanya, habang nakatungtong sa isang upuan na nasa likuran niya. Wala na kasi akong madaanan sa sobrang gulo ng klase. "Kuyang half japanese! Papirm-"

BLUE RED GREEN (RED BOOK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon