Nung mga panahon na iyon, wala akong kaide-ideya kung gaano kahalaga ang bawat emoji na pinadadala niya sa akin.
= = = = = = = = = = = = =
Pagdating sa klase, tama ang hinala ko. Hindi niya na naman ako papansinin. Pero ano pa bang bago doon? Nasanay naman na ako sa kanya. Nasasanay na rin ako sa mga expression ng mukha niya. Alam ko na kung anong ibig sabihin ng mga tingin niya.
Napaisip na lang ako... baka nga ni-lock niya na nang tuluyan 'yung pinto.
"Blue red green... Zaido~" Nagulat ako nung kusang lumabas 'yung kanta na iyon sa bibig ko. Hindi sa gusto ko siyang asarin, pero kusa na lang talaga 'yun lumabas sa bibig ko nang hindi ko napapansin. Nag-auto pilot na naman yata ako. Dahil ito sa kakaisip ko sa kanya eh.
"Tss. Baliw." Iyon ang pinaka-unang mga katagang narinig ko sa kanya, mula nung bumalik na siya sa klase.
Tinignan ko lang siya saglit bago ako sumagot, "Zaido ka naman." Nasa kalagitnaan kami ng klase, pero pasimple kaming nag-aasaran. Baliw kasi siya ng baliw, kaya Zaido rin ako nang Zaido.
Maya-maya, nagpaalam na naman si Mam na may meeting sila sa faculty kaya naudlot na naman ang klase namin.
"Hoy Kaido, bakit hindi ka sumama sa fieldtrip-" sabi ni Fungo nung umupo siya sa arm chair ni Kaido. Nagsunuran naman ang buong Ryosu Pirates sa kanya, kaya napaligiran na naman ako nung mga pirata.
"Teka, thinking about it, you didn't come to the fieldtrip too?" sabi ni Khris sa akin habang nakaupo sa sandalan ng upuan ko. "I was planning to sit with you, pero wala ka. Bakit hindi ka pumunta?!"
"Teka, teka! Parehas kayong wala nung fieldtrip?!" sabi ni Fungo na napatayo bigla. "'Wag niyong sabihin sa'kin na magkasama kayo nung weekends?"
"HINDI!" / "Oo."
Napapikit na lang ako nung magkasabay kaming sumagot.
"Eh ano naman?" dugtong pa ni Kaido.
"Oyyy~ Umayos nga kayong dalawa! Sumagot kayo nang maayos kapag tinatanong kayo ng maayos" singit ni Eds. "So, magkasama ba kayo o hindi? Sagot agad!"
Hindi ko na alam kung anong isasagot, mabuti na lang talaga at biglang bumalik na si mam Martinez. Mabilis ding nagsibalikan sa kani-kanilang upuan 'yung mga kolokoy. Pero pagtingin ko kina Fungo, lahat sila binibigyan lang kami ng makahulugang tingin. Pagtingin ko naman kay Kaido, wala na namang reaksyon 'yung mukha niya.
"Dapat talaga mam, magkaroon na lang ng batas para sa mga kabit" sabi ni Candara.
Tungkol sa pangangalunya ang discussion namin nung Values. Pinag-uusapan namin kung bakit ba may mga taong kumakabit, at nagpapakabit. Nauuso kasi ngayon 'yung mga teleserye ng pakikiapid sa asawa ng may asawa.
"Salot lang sa lipunan 'yang mga kabit na 'yan, eh. Eh for sure, pera lang naman ang habol nung mga 'yan!" sabi pa ni Candara.
"G na G naman 'to. May batas naman talaga para doon" nasabi ko kay Kaido. Pero nagulat ako nung makitang nagbago na naman 'yung expression ng mukha niya. Mukhang magta-transform na naman siya sa masungit na Kaido.
Saka lang ako natigilan nung maalala ko 'yung sinabi niya sa park. Na second family lang sila ng tatay niya. Ibig sabihin ba niya nun, kabit lang 'yung nanay niya?
Kinilabutan ako sa napagtanto ko. Posible nga kayang...
"Tapos 'yung mga anak ng kabit, sila pa 'yung may mga lakas ng loob na humingi ng mana sa ganito-ganyan. Ang kakapal ng mukha!"