chapter 8

10 0 0
                                    

Kung hindi naging tao si Kaido... Siguro alien siya.

= = = = = = = = = = = = =

ANG IPINAGTATAKA KO LANG... magta-tatlong linggo na akong hindi pinapansin ni Kaido. Dalawang araw na siyang absent at ang balita ko may sakit siya. May kailangan kaming ipasa sa AP tappos naisip ko lang na baka hindi niya alam 'yung tungkol doon. Kaya nung nakita ko siyang online, napilitan akong mag-chat. Pero matapos naman iyon, hindi pa rin kami nagpansinan sa klase nung nakapasok na siya.

Anong nangyari doon? Porque tapos na 'yung sayaw namin sa opening ceremony hindi niya na kailangan ng tulong ko ganun?

Pakiramdam ko tuloy, napilitan lang siyang makipag-pansinan sa'kin dahil ako ang nagtuturo ng sayaw. Madalas akong babati sa kanya kapag magkakasalubong kami, pero iniiwas niya ang tingin niya sa akin. Sayang 'yung pagkaway ko kasi hindi niya naman sinusuklian. Ano bang problema niya?

"Tapos nung isang linggo, alam mo ba? Kahit nawawala 'yung bag niya, ayaw niya nang hanapin. Kaya nga nagkusa na akong ipakita na tinago ko 'yung bag niya. Itinakbo ko sa corridor, pero hindi naman niya ako hinabol. Nakakahiya, nakaabot pa naman ako sa Section 5 kakatakbo."

"Oh tapos?" walang kagana-ganang sabi ni Bok, habang nakatambay kami sa corridor at naghihintay na matapos ang recess.

"Ayun, nagulat ako nung si Marlu na 'yung kumuha nung bag niya sa akin. 'Yun pala, binayaran siya ng bente pesos ni Kaido para kunin 'yung bag niya sa'kin. Naiinis ako sa mga pag-iwas niya, kaya hindi ko na lang din siya pinapansin."

"Bakit ba kasi ang kulit mo?" tanong niya sa akin. "Sinabi ko na nga sa'yo 'di ba? Hindi lahat ng pinto, mabubuksan mo-"

"Oo, sinabi mo na nga 'yun. Pero nakakalito kasi. Minsan ipaparamdam niya sa akin na binubuksan niya na 'yung pinto niya kahit papaano, tapos bigla na lang niyang isasara ulit. Ang pinaka-nakakainis, hindi ko alam kung bakit!!!"

"Pakiramdam mo lang 'yun. Nililinlang mo lang 'yung sarili mo." Tatanggi dapat ako sa sinabi niya, pero hindi ako nakasingit. "Baka naman bintana lang ang nabuksan mo. Kung ako saya mag-pass ka na kay Kaido, kasi hinding-hindi ka pagbubuksan nun... Kahit pa ikamatay niya."

Wala naman talaga akong pakialam kay Kaido. Nakakatuwa lang kapag kinukulit ko siya. Nakakatuwa kasi 'yung reaksyon niya... Pero alam ko naman kung kailan ako dapat tumigil.

"Oo na. Hindi ko na siya kukulitin kahit kailan. Hindi ko na siya papansinin. Bahala siya sa buhay niya, kung ayaw niya ng kaibigan na kasing ganda ko. Siya naman ang mawawalan, hindi ako" patawa-tawa kong sabi Kups.

Nakapag-desisyon na ako. Hindi ko na siya papansinin. Kahit kailan. Abala akong tao, hindi ko dapat siya pag-aksayahan ng panahon. Akala niya ba aso ako na susunod-sunod sa kanya? Hah! Itatak pa sa bato! Hinding-hindi ko na siya papansinin kahit kailan. Hanggang sa graduation, hinding-hindi ko talaga siya kakausapin! Kahit pa siya na lang ang matirang tao sa mundo, hinding-hindi ko na siya lalapitan.

"Ano tinitingin-tingin mo diyan?"

Pero minsan talaga, mapagbiro ang universe. Kung kailan desidido ka nang tigilan ang isang katangahan, saka ka naman niya lilituhin na parang ewan.

"Hays..."

Bakit naman kung kailan mo talaga gustong iwasan ang isang tao, saka siya ilalapit sa'yo.

"Ano bang tinitingin-tingin mo diyan?" Lumingon siya sa akin, suot ang matatamlay niyang mata. Totoo ba ito? Hindi pa rin ako makapaniwala. "Ang malas ko. Dalawang buwan din kitang makakatabi" sabi ni Kaido, ang masungit na bago kong seatmate.

BLUE RED GREEN (RED BOOK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon