chapter 1

348 10 13
                                        

May mga pagkakataon na napapaisip ako... 

Kung bakit ganoon na lang ang pagbabago ng lasa, depende kung mainit ito o malamig.

Katulad nung Coke, nakakapanibago 'yung lasa kapag hindi malamig.

= = = = = = = = = = = = =


"HOY PUKINGKAY KA, dalian mo na kasi kanina ka pa namin hinihintay dito sa Cyberzone!"

Kayang-kayang basagin ni Deenise 'yung eardrums ko kahit mula sa kabilang linya. Magkasama sila ngayon ni Yuan, kaibigan namin na kalahating-hapon, kalahating-bakla. Pinipilit kasi nila akong papuntahin kung nasaan sila kahit sinabi ko naman na gusto ko nang umuwi.

Nakalimutan na yata ng mga gaga na graduation day namin bukas. Alam naman nilang manggagaling pa ako sa Eastwood dahil isinama ako ni Alexa kahit alam niyang hindi nga ako bibili ng dress.

Si Alexa, kasama 'yung dalawang gaga na nasa Cyberzone sa SM... ang mga pinakamalalapit kong kaibigan. Nakilala ko sila nung nakaraang taon nung unang beses akong makatapak sa 3-2, third year-section two. Galing kasi ako sa section five nung second year. Ako lang ang nalipat sa section two nung mag-third year na kami. Kaya ayun, back to zero ang friendship status ko. Sa buong section namin, ako lang yata ang walang kakilala. Simula nun, sila na ang nakasama ko palagi...

"Bes tumingin-tingin ka na diyan oh, wala ka bang magustuhan diyan?" pilit pa rin ni Alexa sa akin habang namimili siya ng sapatos na iteterno sa pulang dress na nabili nila ni tita Vilma sa Divisoria. Hindi niya kasi nagustuhan 'yung dress na gagamitin ko sa Seniors Night namin na idaraos kinabukasan pagkatapos ng graduation.

Nakahiram naman na ako ng dress sa pinsan ko. Pero nung ipakita ko sa kanila 'yung dress na nahiram ko, masyado siyang nasimplehan kaya gusto niyang pumili pa ako ng iba. Hindi ko rin naman talaga siya masisisi kung ganoon ang tingin niya sa nahiram kong dress.

Kung ako lang, wala naman akong pakialam... dahil hindi ko ugaling mag-ayos o magpaganda. Isang gabi ko lang din naman kasing susuotin 'yung dress kaya hindi ko na masyadong pinag-aaksayahan ng panahon at pera. Ayoko lang talaga sumama ang loob ni Alexa kaya sinamahan ko pa rin siya. Alam ko rin naman na iniisip niya lang ako. Hay, ang sweet talaga ng best friend ko.

Naghiwalay kami sa Cubao ni Alexa dahil baka gabihin pa siya at mapagalitan ni Tito. Nung mahatid ko siya sa sakayan, agad akong tumakbo papunta sa SM dahil baka katayin na ako nung dalawa kung mas matagal ko pa silang paghihintayin.

"Besh oh!!! Ang lakas maka-Christian Grey nung suit!!!" pambabading ni Yuan habang tinuturo 'yung isang mannequin. "Ibubulsa ko 'yan, gagawin kong escort sa Seniors Night! Kayo rin dali, humanap din kayo ng puwede niyong makapares diyan!"

"Hoy hinaan mo nga 'yang boses mo! Baka marinig ng mga tao na nagbabasa tayo ng Fifty Shades!" saway ni Deenise sa kanya, habang napailing-iling na lang ako.

Halos pare-pareho lang naman sa paningin ko 'yung mga suit, talagang marami lang alam 'yung baklang si Yuan. Pare-parehas lang na pasok sa temang JS Promenade. 'Yung mga mukha ng mannequin? Eh magkakamukha lang naman sila na puro mga walang mukha.

Hindi na dapat ako makikisakay sa trip ni Yuan, hanggang sa makita ko 'yung mannequin malapit sa Counter 19. Itim ang kulay nung suit na suot habang pula 'yung polo sa loob. Hindi ko talaga gusto ang kulay na pula, pero ewan ko ba... Para akong hinihila nung mannequin na iyon. Hindi ganun katingkad 'yung pagkapula. Sobrang light lang nung dating. Parang ang presko, parang ang bango. Parang ang guwapo-guwapo tignan nung mannequin... Kahit pa sabi ko nga, wala talaga silang mukha.

BLUE RED GREEN (RED BOOK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon